Ano ang Panitikan?
Buhat sa iba't ibang makata, manunulat o dalubhasa ay makakukuha tayo ng mayayamang pagpapakahulugan kung ano ang panitikan. Laman ng lahat nang panimula ng anumang aklat sa panitikan ang pagbibigay kahulugan rito. Ngunit sipatin natin ito sa isang payak na pagtingin lamang at mula rito ay palaguin natin ang ating pakpak ng pagpapaliwanag. Kaya't paliparin natin ang ang ating isipan kasabay ng kahulugang "panitikan ay salamin ng buhay." Ito ang palasak na pagpapakahulugang ating maririnig na iniuugnay sa tuwina sa panitikan. Ngunit ano nga ang ang ibig sabihin na ang panitikan ay "SALAMIN NG BUHAY?" Maraming genre ang panitikan at alinman sa mga ito ay kakikitaan natin ito ng mga paksain na nauukol sa buhay ng tao. Ang panitikan ay sinusulat mula sa iba't ibang karanasan ng tao, kaganapan sa buhay ng tao, mula sa lipunan na ginagalawan ng tao at sinusulat ito para din sa tao. Kung saan nagmulang lugar o bansa ang isang akda/panitikan ay malinaw na maba...