Mga Post

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

  Bawat wika ay mayroong isyung pinagdaraanan, kahit ito'y opisyal bilang wikang isinasalita ng mga tao, hindi maiiwasan na magkaroon ng diskriminayson ukol rito. Isa na rito ang wikang atin, ang Filipino, sapagkat ito ay tanyag na wikang gingamit natin sa araw-araw, hindi nawawala ang suliranin nito, sa nakaraan man o kasalukuyan. Ito ang mga ilan sa isyung pangwika na kinakaharap ng wikang Filipino sa panahon ngayon.    Ang mga isyung pangwika ay ang pagkakaroon ng kaisipang madali lamang ang asignaturang Filipino. Marahil, madali sa paraan ng paggamit lamang nito sa pasalitang paraan at pagsulat ng simple, subalit, hindi lingid sa kaalaman ng iba, na kapag sinabing asignaturang o wikang Filipino ay umiikot lamang ito sa ating wika kung paano ito gamitin sa pakikipagtalastasan at komunikasyon. Bilang nagpapakadalubhasa sa larangang ito, hindi naging madali ang pagpapalaganap at pagpapayabong rito, sa kadahilanang, ang pilipino ay ginagamit ang wika ngunit unti-unti ri...

Paglinang ng kasanayan sa Paggamit ng wika sa Pasulat na Komunikasy

     Ang wikang Filipino ay natural na gamitin sa paraan ng pagsulat at pagsasalita, ngunit alam niyo ba na hindi lang sa simpleng pag-sulat katulad ng pagtatala ng mga kaalaman mula sa pag-aaral na unti-unti na ring naglalaho dahil sa pandemya. Ang paglinang ng kasanayan sa paggamit ng wika sa pasulat na komunikasyon ay malilinang ang iba't ibang paraan ng pagsulat. Halina't ating alamin kung ano ang mga ito.    Mayroon akong tatlong kaisipan para malinang ang paggamit ng wika sa pasulat na komunikasyon. Una ay ang  pagsulat ng panitikang Filipino , marahil nagtataka kayo kung bakit ito ang aking naisip, makakatulong ba ito sa paglinang ng wikang Filipino sa paraan ng komunikasyon? Oo, dahil ang panitikan ay nagsisilbing talento ng mga pilipino s apagsulat katulad ng akdang alamat, maikling kuwento, mitolohiya, at iba pa, na kapag ito ay lumalaganap ang gawang Filipino ay naglalakbay at naibabahagi sa iba, nalalaman ang ating opinyon sa paraan ng pagsula...

Gamit ng wika batay sa komunikasyong pangangailanga

  Tunay na napakahalaga ng pagkakaroon ng komunikasyon, ito ay tulay sa pagkakaroon ng mapayabang bansa, at pagkakaunawaan ng mga taong namumuhay rito. Isa na rito ang paggamit ng iisang wika na patunay na mayroong nagkakaisang bansa. Ngunit, ang wika at komunikasyon ay paraan upang punan ang mga pangangailangan sa araw-araw na pamumuhay. Alamin natin ang gamit ng komunikasyon.    Ang komunikasyon ang nagsisilbing instrumento para magamit natin ang ating wika. Sa paraang ito ay nakabubuo tayo ng maayos at mabuting pagpapalagayan at relasyon sa mga taong nakapaligid sa atin. Naiintindihan natin ang kanilang pananaw dahil iisang wika ang ating ginagamit. Sinasabi na ang komunikasyon ang kasugtan para sa ating pangangailangan, sa paraang ito nakukuha natin ang ating mga pangangailangan, sa pamamagitan ng pagtatanong at pagtanggap ng kasagutan. Katulad na lamang sa ating tinalakay noong nakaraan na mayroong ilang gamit ang wika para sa pakikipagkomunikasyon. Base sa aking n...

A. Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

  Ang ating wika ay maraming kinahaharap na isyu sa kasalukuyan ngunit nais ko lamang bigyan ng malawak na pagpapaliwanag ang tatlong isyu na kabilang dito. Ang una ay kakulangan sa bokabularyong Filipino. Karamihan sa atin ay hindi ganoon kalawak ang mga kaalaman sa ating wika kung kaya't nahihirapan silang magsalita ng Filipino at nahahaluan pa ng wikang Ingles. Mas nagkakaroon pa ng interes ang iba sa pag-aaral ng ibang wika kaysa sa Filipino bunga ng mga palabas at artista na kanilang napapanood na galing sa ibang bansa. Kung tutuusin ay marapat na mas bigyang pansin natin ang ating wika dahil ito ay yaman ng ating bansa. Pangalawa ay ang kaisipang madali lang ang asignaturang Filipino. Katulad na lamang noong ako'y nasa ika-siyam na baitang, mababa ang tingin ko sa asignaturang Filipino dahil iniisip ko na ito ay pangkaraniwan lamang ngunit noong nasubukan ko na magsaliksik patungkol sa asignaturang ito ay mas naintindihan ko na hindi lamang pala ito simpleng pag-aaral sap...

Mga isyu kinakaharap ng Filipino sa kasalukuyan

    Ang isyu ay isang problema ngunit maituturing na daan para sa pagbabago at kaunlaran ng isang bagay. Katulad sa ating wika, ang wikang Filipino ay may mga suliraning hindi nawawakasan, nabibigyang solusyon ngunit hindi tanyag na natapos, at may ilan namang tapos na o nabigyang solusyon. Ngunit, ating alamin kung ano ang mga isyu na kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuang panahon, at ano ang iba't ibang larangan at isyung pangwika rito.   Ang kinakaharap na isyu ng wikang Filipino sa kasalukuyan ay hindi napapahalagahan ng mga paaralan ang tamang paggamit ng wikang Filipino, kaya't kung ating oobserbahan, iilan na lang ang mga sabdyek na nakalimbag sa wikang Filipino. Ito na lamang ang mga sabdyek katulad ng Pluma o Filipino pa rin, ngunit ang iba katulad ng English, Math, at Science, ay nakasulat sa wikang Ingles at kadalasan ang wikang ginagamit sa panturo ay Ingles. Isa pa rito ang kakulangan sa bokabularyo at maling bigkas ng mga salita, itong dalawa ay may...

Pagbasa Aralin 1 Suriin - Layunin ng mga uri ng teksto, Mahalagang mabatid ang uri ng teksto, Makatutulong ang pagtukoy ng uri ng teksto

 1. Ano-ano ang mga layunin ng mga uri ng teksto? Ang bawai isa sa mga uri ng teksto ay mayroong iba't ibang layunin. Una, ang layunin ng tekstong impormatibo ay makapaglahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala at mga impormasyon. Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa maraming mambabasa. Ikalawa, ang tekstong deskriptib naman ay may layuning makapagbigay ng mabisang paglalarawan, layon nito na makapagpinta ng imahe sa hiraya o isipan ng mga mambabasa gamit ang limang pandama. Ikatlo, ang tekstong persuweysib naman ay may layuning makapaglahad ng mga pahayag na mahihikayat, makukumbinsi o mapapapayag ang mambabasa sa posisyon na inilalahad ng may-akda. Ikaapat, ang tekstong naratib naman ay  may layuning na magkuwento o maglasaysay ng isang pangyayari na maaaring nakita , hango sa sariling karanasan o likhang isip. Ikalima, ang tekstong prosidyural naman ay naglalayon na magpaliwanag kung paano isinasagawa o binubuo ang isang bagay. At ...

Repleksyon sa kalagayan ng Wika sa Ngayon

 Mula sa ating tinalakay ngayong araw ay isa sa mga tumatak saakin ay kung walang filipino hindi natin malalaman ang kasaysayan ng ating wika dahil ang filipino ay identidad nating mga pilipino na kung saan ito ay nakatatak na sa ating buhay na hindi na natin ito maaalis. gaya nung halimbawa kanina na ito ay bahagi ng edukasyong pampropesyunal na kung saan ay ito ang ating wikang gagamitin sa pakikipag usap sa mga may nais na kumuha ng trabaho o sa interbyu, ang wikang filipino ang pinaka mas madaling paraan sa pakikipag usap sa ibang tao dahil ito ay madaling maintindihan at maunawaan, na katulad din sa bidyo na sinabi ay hindi ka makakapagtapos sa kolehiyo kung hindi ka kukuha ng filipino, dahil nga ng sabi ko kanina ang wikang filipino ay nakatatak na saating buhay ito ay daladala natin hanggang sa tayo ay tumanda, kung saan man tayo pumunta ito ay daladala natin at hindi na maaalis saatin dahil ito ang nagpapakilala kung sino o ano tayong mga pilipino.At karagdagan din sa arali...