Kakayahang Komunikatibo at Kakayahang Pragmatiko

 Ano nga ba ang pagkakaiba ng kakayahang komunikatibo at kakayahang pragmatiko? Pawang ang mga nabanggit na paksa ay ay mga kakayahang pangwika na may mahalagang bahagi sa larangan ng wika. Ito ay bahagi o sangay ng ng lingguwistika na kumakatawan ng kabuuan at pagsasakatuparan ng tungkulin at gamit ng wika sa lipunan.


     Una, ang kakayahang komunikatibo ay nakatuon sa wastong paggamit ng wika na iniaangkop sa bawat sitwasyon. Ang wika ay makabuluhang nagagamit ng tao para sa madulasna daloy ng komunikasyon. Nangangahulugan na ang pagtutugunan ng mga nag-uusap ay nagpapatuloy at hindi napuputol sapagkat tama o wasto ang ugnayan ng pag-uusap batay sa sitwasyong kinapapalooban ng dalawa o higit pang tao na nasa isang pakikipag-ugnayan. Ikalawa, kabilang rin dito ang wastong pagpili ng salita at paraan ngpaggamit na ibinabagay sa usapan, panahaon, lugar at layunin ng pakikipag-usap. At huli, ang halimbawa ng pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo ay pagtataglay ng matamang pagtugon sa iyong kausap. Halimbawa, ikaw ay tinanong ng "saan ka nakatira?" at sumagot ka ng "malayo ang trapik po ngayon kaya nahuli ako ng dating?" nagpapakita ito ng KAWALAN ng kakayahang komunikatibo sapagkat hindi nakatutugon ng tama sa tanong ng kausap. Sa madaling salita ay nawawala ang kakayahan na makipag-usap batay sa hinihingi ng sitwasyon.


        Kaugnay naman ng kakayahang pragmatiko, ito naman ay tumutukoy sa mabisang paraan ng paggamit ng wika. Nagiging epektibo ba ang isang tao sa kanyang pakiki-pag-usap dahil sa kahusayan at kaangkupan ng kaniyang konteksto sa pakikipag-ugnayan. Ito ay mahalagang kasanayan sa wika dahil sa kakayahang makapagbigay ng kahulugan sa mga salita batay sa sitwasyon. Katulad na lamang sa pakikinig ng tula o ng awitin. Hindi lahat ng salita sa isang awitin o tula ay literal ang inihahatid nitong mensahe. Maaari ito magkubli ng mga mensahe para sa target na awdyens. Kaya't nararapat na mayroong kakayahang pragmatiko ang tagapakinig upang mabigyan niya nag pagpapakahulugan o interpretasyon ang pinakikinggang tula o awitin batay sa pagkakagamit ng salita sa loob ng akda. Halimbawa kung sa nilalaman ng tula o awitin ay nagpahayag ito ng "ang namumukadkad na bulaklak ay nililigiran ng isang matipunong paruparo." ang pahayag na ito ay HINDI literal na tumutukoy sa halamang "bulaklak" o sa "paruparo, sa kakayahang pragmatiko ay kinikilala natin ano ang konteksto ng pagkakagamit ng salitang bulaklak at paruparo batay sa sitwasyon isinasaad sa pahayag. kaya't kung susuriin at bibigyang kahulugan o interpretasyon ito, samakatuwid ito ay nangangahulugang ang bulaklak ay isang dalaga at ang paruparo ay isang binata o manliligaw.


        Sa kabuuan, nagkakatulad ang kakayahang komunikatibo at kakayahang pragmatiko sapagakat ito ay sangay sa pag-aaral ng wika at parehong esensyal upang mahusay na magamit ang wika. Sa kabilang dako, nagkakaiba ang mga kakayahan ito sapagkat ang kakayahang komunikatibo ay kakayahan na nakatuon sa pagpili ng wastong salita at kaangkupan ng paggamit/pagtugon na ibinabatay sa sitwasyong panlipunan. Samantala ang kakayahang pragmatiko naman ay nakatuo sa gamit rin ng wika ngunit ito ay nakapokus sa pagbibigay ng pagpapakahulugan o interprestasyong nilalaman upang mabisang maunawaan ang wika para sa makabuluhang komunikasyon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)