Ano ang Pananaliksik

 Ano nga ba ang pananaliksik? Ano-ano ang katangian ng isang pananaliksik at ano ba ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik?


Sa mga palasak na pagpapakahulugan ng pananaliksik, ito ay sistematiko at organisasong pangangalap ng datos sa layunin mabigyan ng katugunan o kasagutannang suliranin o puwang na namasid ng mananaliksik. Ito ay organisadong pagbabalangkas ng balak o planong isasagawa ng mananaliksik mula sa pagbubuo ng pamagat ng pananaliksik, pagtatala ng suliranin ng pag-aaral, pamamaraan at instrumentong gagamitin, pagsusuri at triment ng datos, paglalahad ng reaulta hanggang sa pagbubuo ng lagom, kongklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik. Sa madaling salita ang pananaliksik ay isang kritikal na proseso ng pagsulat na may maingat na pagmamasid at pagpili ng mga datos na gagamitin. 


Ang ilan sa katangian ng pananaliksik ay kontrolado, emperikal, sistematiko at organisado. Sinasabing ito ay kontrolado sapagkat ito ay mga tiyak na mga bahagi o kabanata. Na sa bawat kabanata ito may tiyak na bahaging nilalaman. Hindi maaaring basta isulat kahit ano/saan ang datos, bawat parikular na datos ay may tiyak na bahagi kung saan lamang dapat lamanin. Ito ay kontrolado sapagkat may mga baryabol / mga salik na isinasaalang-alang ang nagiging restriksyon ng pananaliksik. Emperikal ang pananaliksik sapagkat ito ay batay sa lohikal, katanggap-tanggap, kapani-paniwala o makatotohanang impormasyon lamang. Nagiging maingat nag mananaliksik mula sa pangangalap ng mga batayang teorya o kaalaman na iniuugay sa pananaliksik hanggang sa mga datos na kinakalap para sa pagtugon sa suliranin. Sistematiko at organisado ang pananaliksik sapagkat ito ay may makaagham na oamamaraan sa pagpaplano, pangangalap at pangngasiwa ng datos. Inihihiwalay rito ang emoayon o damdamin ng mananaliksik upang manatiling obhetibo ang resulta ng pag-aaral.


Sa kabuuan, napakahalaga ng pagsasagawa ng pananaliksik hindi lamang sa larangan ng akademya. Maging sa iba't ibang larangan ito ay kinakailangan para sa patuloy na pagsusulong, pag-papaunlad o innobasyon ng anumang larangan. Dahil sa pamamagitan ng pananaliksik ito ay makapagbibigay ng solusyon sa suliranin, makapagbigay ng bagong impormasyon o makatuklas ng bagong kapakinabangang panlipunan.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)