PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

  

       I.        Introduksyon

 

          Ang papel na ito ay naglalamang ng mga pagsusuring isinagawa sa kurikulum sa Elementarya. Tinatalakay din dito ang pagtuturo ng Filipino sa batayang edukasyon pang- elementary. Ang nilalaman ng pgsusuring ito ay ang pagtatalakay sa disenyo, lawak saklaw ng kurikulum, layunin ng edukasyon sa elementary, mga kasanayansa edukasyong pang-elementarya kalakasan at kahinaan ng kurikulum dito sa Pilipinas, mga dapat baguhin sa pagdebelop at pag- implementa ng kurikulum at ang aking sariling mungkahi para sa pagpapabuti ng kurikulumsa kasalukuyan.  

 

          Ang Kurikulum ayon kina Ragan at Shepherd ay isang daluyang nagpapadali kung saan ang paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang pangkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum, ang mga mag-aaral naisasama ang karanasang pang-edukasyonal at tunay na makakatulong sa pagpapaunlad ng sitwasyon sa lipunan.

 

          Ayon kay Prof. Ramades M. Doctor, ang propesyon ng pagtuturo na naaayon sa kurikulum ng edukasyon na kung saan dapat mapaunlad ang pagkaunawa, kakayahan at pag-uugali ng mag-aaral. Upang maayos na mapaunlad ng tao ang kanyang sarili kailangan nya ng kaalaman, at makukuha ng tao ang ang kaalamang ito sa pamamagitan ng Edukasyon. Kailangang mahusay na maidebelop at maiplementa ang mga kurso at mga gawaing pampagkatuto. Ang mga gawaing ito ng pagpapaunlad ay tinatawag na kurikulum. 

 

          Mayroong mga salik na kinakailangan isaalang-alang upang mapaunlad ang kurikulum dito sa Pilipinas. Una ay ang pamahalaan, o gobyerno na isang organisasyong na may kakayahan na gumawa at magpatupad ng batas sa lugar na nasasakupan, isa ang pamahalan sa nagsagawa ng batas tungkol sa pagpapalwig ng kurikulum sa edukasyon. Ikalawa ay ang kultura, bahagi ng nakaraan na isinalin sa atin ng mga amerikano ang edukasyon at patuloy natin pinaglinang. Ikatlo ay ang pagpapahalaga, ito ay matibay na binibigyan importansya sa buhay ng isa tao, madalas ito ay ikinikonsidera ang paggawa ng isang desisyon gaya ng pagpapahalaga sa eduksyon. At ang huli ay ang ugnayang pandaigdigan, ito ay isang sanghay ng agham pampolitika, kinakatawan nito ang pag-aaral ng ugnayang panlabas at mga paksang global gaya ng edukasyon. 

 

   

 

II.             Disenyo, Lawak at Saklaw

 

         Ayon kay Allan Glathorn, ang disenyo ng kurikulum ay isang terminong ginamit upang ilarawan ang may layunin, sinadya, at sistematikong organisasyon ng kurikulum sa loob ng klase o kurso. May tatlong pangunahing uri ng disenyo ng kurikulum:

 

       Paksa-nakasentro na disenyo

       Mag-aaral na nakasentro sa disenyo

       Problema na nakasentro sa disenyo 

 

          Ang disenyo ng kurikulum na nakasentro sa paksa ay umiikot sa isang partikular na paksa o disiplina. Ang disenyo ng kurikulum na nakaturo sa magaaral ay tumatagal ng pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan, interes, at layunin ng bawat indibidwal. Ang disenyo ng kurikulum na nakasentro sa problema ay isang uri din ng disenyo na nakatuon sa estudyante. Ang focus sa kurikulum ay nakatuon sa pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano tumingin sa isang problema at magkaroon ng isang solusyon sa problema.

 

         Mga lawak na lumilinang sa kasayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang saklaw sa mga lawak ng kurikulum sa elementarya. Una, ay ang mga tiyak na kasanayan ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’tibang kagamitan sa lubusang pagkatuto. Ikalawa, ang sibika at kultura ng bansa kung saan ang una hanggang ikatlong baiting ang tumatalakay dito at ang batayang kasanayan sa pagbasa ay matutunan nang lubusan sa tatlong baitang.

 

          Ang saklaw sa paggawa ng kurikulum ay may kakanyahang pahabainsa mahabang taon. Ayon sa aklat ni Ralph Tyler na pinamagatang Basic Principles of Curriculum instruction, na bubuo sa nilalaman, paksa, karanasang pampagkatuto at diwa ng organisasyon sa sasaklaw sa plano ng edukasyon. Ang saklaw ng kurikulum ay hanggang buwan lamang o linggo at sa panahong iyon ito ay isinasaayos pang muli ang bawat bahagi. Ang bawat bahgi ay hinahati upang makabuo ng planong pangkatuto, sa pagsasaayos ng impormasyon at mga gawain sa oras at minuto sa loob ng silid-aralan. 

 

III.           Layunin 

 

          Ang bawat mag-aaral sa elementerya ay nakikitaan ng kahusayan sa particular na gawain. Bilang paunang hakbang tungo sa pagkatuto nililinang hindi lamang ang pang- akademikong kaalaman kundi maging ang disiplina na makatutulong sa paghubog sa personalidad o pagkatao ng bawat mag-aaral.

 

1.     Pagtuturo sa mga mag-aaral ng kagandahang-asal na naglalayon na gabayan ang bawat mag-aaral na maging maka-tao, makakalikasan, makabansa at maka-Diyos.

Marespeto at mapagmalasakit sa kapakanan ng iba.

2.     Magkaroon ng boses ang bawat mag-aaral na nagsasanay sa kanila na gamitin ng tama ang karapatan at maging mapanagutan bilang bahagi ng lipunan. Hinuhubog ang kalayaan upang magamit ng tama.

3.     Pagkilala ng mga mag-aaral sa tradisyon at kulturang mayroong ang Pilipinas at sa kabutihan ng ating mga ninuno upang makamit ang pambansang kaalaman.

4.     Pagbibigay pansin sa kalusugan upang mas malaman ng mag-aaral ang dapat gawin upang manatiling malinis at malusog ang pangangatawan. Pagkain ng masusustansiyang pagkain ang dapat matutunan ng mag-aaral.

5.     Pagkakaroon ng kakayahan na makaunawa, makasulat at makapagsalita sa dalawang wika gaya ng Filipino at Ingles na siyang makapagbibigay ng patuloy na kaalaman.

6.     Magkaroon ng panimulang kaalaman tungkol sa iba’t- ibang asignatura na huhubog sa kagalingan ng bawat mag-aaral, makapagbigay ang bawat mag-aaral ng sariling pag-unawa tungkol sa isang paksang tinatalakay na magagamit nila sa mga susunod na hakbang na pagkatuto at maging sa tunay na buhay.

 

           Mga Inaasahang Bunga o mithiin ng batyang Edukasyon sa elementarya ay  una, mabisang pakikipagtalastasansa pasalita man o pasulat. Ikalawa, patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. At ikatlo, Edukasyon para sa lahat, walang pinipilinglahi, kulay o estado para makapagaral.

 

IV.           Kasanayan sa Edukasyong Elementarya

 

        Panimula Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.

 

       Makrong Kasanayan sa Pakikinig - Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

       Makrong Kasanayan sa Pagsasalita - Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao, ang nagsasalita at ang kinakausap.

       Makrong Kasanayan sa Pagbasa - Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.

       Makrong Kasanayan sa Pagsulat - ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

 

V.             Pagsusuri ng Kurikulum

 

 

KALAKSAN

 

KAHINAAN

Pag-unlad sa paggamit ng apat na makrong kasanayan na dumaan sa natural na proseso.

Nadedebelop ang kakayahan ng magaaral sa kritikal pag-isip sa masisning na paraan.

Mga legal na ordinansa na nagpapatibay sa batas pang-edukasyon Paggamit ng libro bilang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon.

Patuloy na pagpapaunlad sa mga asignatura sa kurikulum upang punan

ang pangangailangan ng bawat magaaral 

 

Sa dami ng mag-aral lalo na sa pampublikong paaralan, hindi nagbibigyan ng pansin ang pagkakunawa ng bawat mag-aaral sa sang paksa.

Kakulangan sa mga kagamitan sa pagkatuto gaya ng libro at ng guro Pinagtutuunan ng pansin ang paksa bilang sentro ng kurikulum kesa magaaral bilang sentro ng kurikulum.

Hindi sapat na pasilidad at kagamitan sa ilang pampublikong paaralan.

 

             Mga dapat baguhin sa kurikulum sa elementarya. Una, dapat mangyari sa paaralang elementarya ay maging mabilis ang pagkatuto ng mga estudyante sa paggamit ng wikang Filipino para mas madali nilang maunawaan ang mga kaalaman sa mga araling pangnilalaman. Ikalawa, mas dapat pagtuunan ng pansin ang paglinang ng apat na makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat upang matamo ng mga mag-aaral ang kahusayan sa bawat taon nila sa elementarya. Ikatlo, kasanayan ng bawat mag-aaral sa pagkilala ng salita lalo na sa ika-una at ikalawang baitang sa elemtarya. 

 

             Para sa  ikabubuti at maaaring ikakaunlad ng kurikulum, mga mag-aaral, guro at iba pang sangngay ng edukasyon sa elementarya iminumungkahi ko bilang mag-aaral sa nagpapakadaludhasa sa asignaturang Filipino na gawin ang mga sumusunod: pagkakaroon ng bagong programa hingil sa bagong pagkatuto ng henerasyon ngayon, ito ay marapat na maging praktikal at epektibo para sa lahat. Ang mag-aaral ang dapat unang pagtuunan ng pansin sa mga gagawing aktibidad at hindi ang paksa mismo, para sa mga magiging guro sa elementarya marapat na sila ay matiisin at malikhain sa paraan ng kanilang pagtuturo upang mapukaw ang atensyon ng mga bata pagbibigay ng sapat at tamang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral sa elementarya na magagamit nila panghabang-buhay at mas lalong pang mapaunlad ito sa mga susunod pa nilang magiging hakbang tungo sa p

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)