Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)

  

PERSEPSYON SA KONTEMPORARYONG PANITIKAN NG MGA PILING MAG-AARAL NG EMILIO AGUINALDO COLLEGE - CAVITE BAITANG 12 SA PAGLINANG NG MAKRONG KASANAYANG PAGSULAT

 

 

 

KABANATA I

PANIMULA

 

 

Rasyunale ng Pag-aaral

Pangkalahatang layunin ng 2013 Kurikulum ng K to 12 makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki-pakinabang ng literasi. Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo o mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultura na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makapagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Kaugnay nito, tunguhin ng asignaturang Filipino lalo na sa antas Sekondarya na malinang ang mga kasanayang MAKRO (Pakikinig, Pagsasalita, Pagsusulat, Panonood at Pagbabasa) at mabatid ang tiyak na kaalamang panggramatika sa pagtamo ng kakayahang komunikatibo sa pagkatuto at paggamit ng wika. Ang paglinang sa literasi ng mga mag-aaral ang pangunahing layunin ng mga paaralan saanmang panig ng mundo. At isa sa mahahalagang aspekto nito ay ang pag-unawa.

 

            Sa pag-usad ng panahon, ang ating lipunan ay nakararanas ng mabilis na pagbabago sa aspeto ng pamumuhay at kultura. Kung saan kasabay nito ay mababatid rin ang pag-usbong ng kontemporaryong panitikan na may iba’t ibang anyo at paksain. Batay sa kaligirang pangkasaysayan, ang panahon ng Kontemporaryong Panitikan ay nagsimula sa taong 1996 at umiinog pa rin hanggang kasalukuyan. Nagpatuloy sa pagyabong ang panitikang Filipino gamit ang iba’t ibang wika lalo na nang matapos ang Martial Law kung kailan sumilang ang mas maraming babasahin. Ang mga manunulat na Pilipino ay patuloy na kumatha ng mga tula, maikling kwento, nobela at sanaysay na pumapaksa sa lipunan, sa kasarian o di kaya naman ay bunga ng mga personal na intensyon o pagnanais na magbahagi ng karanasan sa mambabasa.

 

Sa kasalukuyan, marami nang mga panitikan ang nakikilala dahil naililimbag na ito sa mga pahayagan at aklat, gayundin sa pamamagitan ng telebisyon at radyo na mayroong malaking impluwensya at malawak na saklaw sa pagpapaunlad ng ating panitikan. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng teknolohiya (Smart TV, Tablet, Laptop, Desktop at Smartphone) at internet marami ang umiinog na mga lunsarang popular  upang mapagsalin-salin at mapagaralan ang mga panitikan na ginagamit bilang gabay sa pang araw-araw na pamumuhay.

 

Ayon kay Luces A. (2018), ang pag-aaral ng panitikan ay mahalaga at nakabibighani dahil sa pamamagitan ng pagsusuri dito ay natututo ang mga mag-aaral at nalalaman nila ang mga salik at angkop na paraan sa pagsulat o paggawa ng isang akda, gayundin ay nagiging malikhain ang kanilang mga isipan. Mababatid dito na ang pagbasa ng panitikan ay naghahatid ng makabulauhang gampanin kung kaya’t dapat tangkilikin at mas palawigin upang lubusang makilala ang mga paksaing sumasalamin sa kultura’t pag-uugali ng mga Pilipino.

 

Sa kabilang banda, habang ang panitikang Filipino ay patuloy na yumayabong ay mababatid naman ang kahinaan ng mga mag-aaral sa makrong kasanayan na pagsulat. Ang pagsulat ay maituturing na pinakaepektibong pamamaraan sa sa pagpapahayag ng sariling pananaw, opinyon at ideya hinggil sa partikular na paksa sa pasulat na anyo gamit ang sariling wika ay isang kasanayan ng dapat malinang sa lahat ng antas ng mga mag-aaral. Ang kasanayang ito ang lundayan sa paghubog ng tiwala sa sarili at kakayahan sa pagkikipagtalastasan na lubhang napaka halaga sa pag-unlad ng bawat kabataan. Itinuturing na marami sa mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay nahihirapan sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa palinang ng pagsulat. Kung kaya, kadalasang naapektuhan ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999)

 

Ayon kay Badayos (2014), ang kasanayan sa pagsulat ay tunay na isa sa mga bagay na mailap o mahirap para sa nakararami ito man ay pagsulat gamit ang unang wika o pangalawang wika. Mababatid na hindi maikakaila ang mga suliranin na kinakaharap sa pagpapaunlad ng makro kasanayan sa pagsulat, ngunit masasabing maraming paraan o maaaring instrumento ang ilapat upang matagumpay na maisakatuparan ang hangarin sa tuluyan at direktang paglinang nito.

 

Ang pagsulat ay isang esensyal na panganagailan ng tao na kinakailangan ng patuloy na paglinang upang epektibong magamit sa iba’t ibang larangan. Ito ay pinatotohanan sa banggit ni Keller (1985), na ang pagsulat ay isang angking biyaya, pangangailangan at isang kasiyahan ang pagsasagawa nito. Sinasabing biyaya ito dahil kaloob ito ng maykapal at eksklusib ito sa mga tao. Bahagi ito ng pangangailangan dahil kasama rito ang iba pang makro kasanayan gaya ng pagbabasa, pakikinig at pagsasalita na kung saan ay may malaking implikasyon naman sa pagkahubog ng mga tao. Gayundin, isa itong kasiyahan o kaligayahan dahil sa kasiningan nito, naghahatid ito ng satispaksyon sa kanino man sapagkat nagiging pangunahing instrumento ito sa pagpapahayag ng kaisipan o damdamin na kung saan ay nakagagaan ng nadarama at nakapupulot ng makabuluhang aral sa buhay.

 

Liban pa rito, ang gawaing pagsulat ay kabilang din sa apat na makrong kasanayang pangwika na binibigyang malaking tuon dahil higit na kinakailangan ito upang masukat ang kailangan at kahandaan sa isang disiplina. Tulad ng diskursong pagsasalita na parehong nagpapahayag ng kaalaman at natutuhan (productive and espressive learning), ang pagsulat ay nararapat na bigyan ng sapat na panahon dahil hindi ito katulad ng pagsasalita na kusang natutuhan at bahagya ring naglalaho sa isipan ng mga nakikinig sa paglipas ng mga panahon. Hindi gaya ng pagsulat, ito ay nananatili sa isipan at nalilimbag, kaya dapat nang malinaw upang maunawaan ng lahat at maingat na isaalang alang ang wastong paggamit ng mga salita at lohikal na paniniwala.

 

Ang pananaliksik na ito ay tatalakay sa persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa iba’t ibang uri ng kontemporaryong panitikan. Ang pagpapalalim sa paksaing panitikan ay maituturing bilang batayan ng pinakamalaking salik na maaaring makaapekto sa paglinang ng makrong kasanayang pagsulat ng mga mag-aaral. Samakatuwid, kakasangkapanin ang impluwensiya ng kontemporaryong panitikan sa pananaliksik na ito upang maging batayan sa matagumpay na paglinang ng makro kasanayang pagsulat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng isang pangkalahatang ideya at nasuring pag-aaral mula sa mga nakaraang pananaliksik sa paglalatag ng kongkretong interpretasyon at pagbabahagi ng mga batayang kaalaman. Ipinakikilala nito ang mga balangkas na binubuo ng pinakamahalagang pokus ng pag-aaral na inilalarawan sa pananaliksik na ito.

             

Kontemporaryong Panitikan

“Hindi mahalaga kung anong uri ng teksto ang binabasa ng kabataan, ang mahalaga ay nahihikaya silang magbasa.” – Maya Angelu (2015)

 

Ang pagbasa ng panitikan ay lubhang napakalahalaga sa pagpapanatili ng isang matibay na pundasyon ng mayamang karunungan at pagpapaunlad ng sariling pagkakakilanlan. Sa pamamagitan nito ay malalaman, madarama at masusumpungan kung paano nag-ugat at umunlad ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Itinuturing ang panitikan bilang nagsisilbing tulay sa pagsipat ng kabatiran sa ugnayan ng nakaraan at kasalukuyang panahon na nagiging lundayan bilang paghahanda ng may lakas at talino sa maaaring pagbabago. Gayundin, sa pag-aaral ng panitikan ay mababatid ang matatayog at mararangal sa simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan, nabanggit mula sa aklat na Salamin ng Lahi.

 

Inilarawan ni Salazar (1995) ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.  Idinagdag pa niya, isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Isa rin itong kakaibang karanasang pangtaong natatangi sa sangkatauhan. Sa pagpapatuloy sa lakbay ng panitikan, binigyang katangian ni Villafuerte (2000) ang panitikan bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa arteryo at bena ng bawat nilalanang at isang buong lipunan.

 

Batay sa akda ni Larah D. Liwanag na Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular (2016), ang pagsabay sa paggamit ng makabagong teknolohiya ay nagbibigay-daan para sa isang interaktibong pag-aaral, kaysa sa tradisyonal na pamamaraan kung saan ang mga guro ay nalilimitahan lamang sa isang partikular na estratehiya. Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya, marahil nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at magasin ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, at kaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan. Binanggit din niya ang mga makabagong anyo at uri ng panitikan na umiinog sa kontemporaryong panahon gaya ng mga sumusunod:

 

1.     Ang Tabloid ay isang anyo ng kontemporaryong panitikan na nasa anyong print media. Ito ay mas abot kaya ng masa kaysa sa broadsheet na doble ang presyo. Ang mga balita o impormasyon sa tabloid ay naipalalabas na sa mga telebisyon o napakinggan na sa mga radio, ngunit ito ay kinagigiliwan at tinatangkilik pa rin ng mga tao.

 

2.     Ang Komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim.

 

3.     Ang Magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento, larawan, anunsyon at iba pa na kalimitang ponopondohan ng mga patalastas.

 

4.     Ang Dagli ay isang uri o paraan ng pagsusulat ng isang akda na mas maikli sa isang maikling kuwento. Kaya naman ito ay kilala rin sa tawag na “maikling maikling kuwento.

 

Kaugnay nito, nabanggit ni Santos (2016), nabanggit ni Manalo (2019) na mababatid na ang panitikan ay patuloy na sumasabay sa pagbabagong dulot ng modernisasyon ng mundo mula sa malawak na pagusbong ng aspektong pangteknolohiya at paggamit ng internet. Kung kaya, ang pag-inog ng modernisasyon ay nagluwal ng mga makabagong anyo at pamamaraan sa pagtula, pagkukwento at iba pang anyong pampanitikan. Gayundin, sa pamamagitan ng internet ay mas naging mabilis ang pagkalap ng babasahing akda at sulatin ng mga manunulat para sa maraming mambabasa. Subalit, ang paggamit ng internet din ang tinutukoy na isa sa mga dahilan ng kawalan ng interes ng mga milenyal sa pagbasa ng mga panitikang Filipino sapagkat mas marami ang nahuhumaling sa pagbasa ng mga akdang banyaga at ibang anyo ng panitikan.

 

Pinatunayan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (Lira) sa “Tulaan sa Facebook 2011: Rizalstrasse. isang pampanitikanng patimpalak (2010), na hindi lamang sa pahina ng mga kuwaderno at aklat makababasa ng tu;a ngunit ngayon ay mababasa na rin ang tulaan sa pamamagitan ng birtwal na mundo ng Facebook.  Binanggit ni Philip Yerno Kimpo Jr. (2010), isa sa layunin ng Tulaan sa Facebook ay ang paghikayat sa kabataan ng ipadinig ang boses sa lipunan. Gayundin, isa pang layunin nito ay mahimok an gang mga kabataan ng maging mga epektibong kominikador at proaktibong mamamayan ng lipunan gamit ang kapangyarihan ng salita sa pagiging mamamahayaf, sa pakikisangkot sa mga online forum at blog, sa pakikipagtalastasan sa debate o kaya naman ay fliptop, sa pagsulat na naglalahad ng kalagayang panlipunan  at sa marami pang ibang pamamaraan.

 

Isa sa mga sikat na paraan ng online writing na tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ay ang Wattpad. Ito ay isang uri ng social networking site na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat noong 2011. Sa site na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang lahat para malayang maibahagi ang sarili nilang kwento at makapagbasa ng mga likha ng ibang manunulat. Ang aksesibilidad nito para sa mga manunulat at mambabasa ang isa sa mga naging daan upang tuluyan itong makilala at yakapin ng publiko partikular na ang mga kabataang Pilipino. Ayon sa isang pag-aaral sa Universidad ng Bicol (2015), ang pag-usbong nito ay dala ng mabilis na pag-unlad ng modernong teknolohiya. Kung dati-rati, makakapal na aklat ang ginagamit, ngayon pwede na tayong magbasa sa ating mga kompyuter, laptop, tablet at maging sa ating mga cellphone. Sa pagdownload ng mga ebooks at mga applications, maaari na rin tayong makapagbasa ng iba’t ibang klase ng mga libro online. At kung dati, mahirap para sa mga taong naghahangad na maging manunulat ang mailathala ang kanilang naisulat, ngayon ay mas napadali na gawa ng mga online writing communities.

 

Batay sa pag-aaral ng mga estudyanteng nagvtataguyod ng adbokasiya na pinamagatang Wattpad Para sa Panitikang Pilipino (2015), nabanggit ni Manalo (2016), ang paggamit ng mga nobelang galing sa Wattpad ay di magandang desisyon. Kakaunti lamang sa mga ito ang may mga kalidad na inaasahan ng mga kritiko ng panitikan. Base sa personal na karanasan na inilahad ng isa sa grupo na tatlong taon ng manunulat sa Wattpad, noong mga panahong nahuhumaling siya sa mga istoryang mababasa sa Wattpad na nagtataglay ng impormal na pagkakasulat ay nakaiimpluwensya ng malaki sa estilo ng pagsusulat. Ayon sa pagsisiyasat ng Purse Asia International, tinatayang 1 sa 15 na mag-aaral sa mataas na paaralan ay araw-araw na gumagamit ng Wattpad. Sinasabing 23 milyon na mag-aaral taong 2016 kung kaya’t 1.5 milyon na estudyante ang patuloy na tumatangkilik sa paggamit ng Wattpad. Kung ito ang magsisilbing lundayan ng mga popular at modernong panitikan ang pagbasa ng ganitong uri ng teksto ay maaring bumaba ang kalidad at makaaapekto sa imahe ng modernong panitikan sa Pilipinas kung kaya kinakailangang bigyang pansin upang makalikha pa ng mga magandang akdang pampanitkan.

 

Ayon kay E. Apuntan (2013), malagang maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga Teleseryeng napanonood sa telebisyon na kadalasang pinanonood ng mga kabataan na siyang kinapupulutan ng maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao. Isang paggunita sa kasaysayan na nag-ugat sa bayan sa pamamagitan ng mga dula, sanaysay, kuwentong bayan at talambuhay. Ang Panitikan ay laging nakasama sa kurikulum ng paaralan, bagamat ang emphasis nito ay naaayon sa karanasan ng mga kabataan sa kapaligiran, lipunang kinagagalawan at paaralan na nagbabago sa bawat panahon na tulad ng isa sa pinakamalaking likha ng tao ang telebisyon. Ito ang nagpakita ng katibayan sa lahat ng aspeto sa lipunan nakapagpabago sa pag-iisip ng bawat tao sa kadahilan impluwensyahan nito ang desisyon at pag-iisip ng mga manonood. Ang telebisyon ay may napakahalagang ginagampanan sa ating kasalukuyang lipunan at sa pagbabago sa panitkan, nanatili itong kayamanan n gating bayan at patuloy na pangunahing mahalagang sangkap sa pagpapanatili ng pormal at makabuluhang paraa ng pagsulat at interes ng mga tao.

 

Malaki ang hamon para sa makabayan at progresibong artista, manunulat, aktibista at manggagawang pangkultura sa matalinong paggamit sa internet at social media bilang daluyan ng bagong kulturang pambansa, siyentipiko at makamasa. Ang potensyal nito sa pagpapalaganap ay hindi na maaaring maliitin, bagamat sa kabilang banda ay hindi rin dapat pabayaan ang sistematikong paglalathala at popularisasyon ng mga babasahin, pahayagan, komiks at iba pang epektibong anyo upang tiyak na makakarating ang makabayang panitikan sa masang mambabasa o sa mamamayang wala namang akses sa internet.

 

 

Makrong Kasanayang Pagsulat

“Ang pag-iisip at pagsulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.” – R.T Kellogg (1994)

 

Isa sa limang makrong kasanayang nililinang sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ang kasanayan sa pagsulat. Ayon kay Lazaro (2004), ang makrong kasanayang pagsulat ay isang paraan ng pagsasalin mga titik o salita sa simbolong pagsulat. Ang pagsulat ay maituturing na kahanay ng di-berbal na komunikasyon kung saan ginagamitan ng papel, lapis or ballpen. Ang ideya o salitang pinagtagpi-tagpi hanggang sa makalikha ng isang makabuluhang pangungusap o talata na naipapahayag sa pasulat na pamamaraan. Ito rin ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalin ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang indibidwal na may layuning maipahayag ang sariling kaisipan, dagdag pa ni Sauco, et.al (1998)

 

Ayon kina Bernales at Atienza (2011), ang pagsuong sa gawaing pagsulat ay nangangailangan ng puspusang disiplinang mental, konsiderableng mental sa pag-iisip at pagdedebeop ng mga ideya o paksa. Kinakailangan nito ang kaalamang teknikal sa epektibong pag-oorganisa ng mga elementong bumubuo sa ideya o sumusuporta sa paksa. Gayundin, ang pagkamalikhain sa paraang pasulat naman ay kailangang nasa pagbibihis ng istilo sa presentasyon o pagbabalangkas ng mga ideya.

 

Kaugnay nito, sinasabing ang pagsulat ay maituturing na kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ng kamay sa pagsulat sa papel o pagpindot ng mga keys ng tayprayter at keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang i-monitor ang anyo ng writing output kahit pa ito’y handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print out na. Mental na aktibiti rin ang pagsulat sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya batay sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at  isang estilong panggramatika na naaayon sa tuntunin ng wikang ginamit. Bilang karagdagan, nabanggit ni Tumangan (2012) na ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaisipan, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga sagisag batay sa mga tunog ng salita. Dagdag pa niya, ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa paraang palimbag upang maipahayag ang kanyang iniisip at nadarama.

 

Hinggil kina Diaz at Marin (2013), ang pag-iisip ay kabilang sa set ng mga kasanayang pangkaisipan na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba pang anyo ng mga simbolo, samakatuwid ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. Nabanggit sa blog na kanilang inilathala ang paglalahad ang mga arugemento tungkol sa kaugnayan ng isip sa pagsulat: Una, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Ang pag-iisip na mabuti ay maaaring hindi sapat na kondisyon para makasulat nang maganda subalit tiyak na lilitaw pa rin ang kinakailangang kondisyon. Ikalawa, ang pagsulat ay isang instrumento para mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa. Ikatlo, kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon (Kognitibo, Behebyoral, Metakognitibi at Komunikatibo) na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawaing pampag-iisip. Bilang pangwakas, ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o pagpupunyagi na mag-isip.

 

Batay sa akda ni Dr. Eriberto Atorga Jr. na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001), nabanggit ni Royo (n.d) na ang pagsulat ay may malaking gampanin sa paghubog ng damdamin ng tao dahil sa pamamagitan nito, malaya nilang naipahahayag ang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Gayundin, ang pagsulat ay nagiging dahilan upang makilala ang sarili, kahinaan at kalakasan, lawak at tayog ng isipan, at ang mga naaabot ng kamalayan. Kaugnay nito, ang pangunahihing layunin ng pagsulat ay magdulot ng pagbabago at makapagbigay ng kabatiran sa lipunan hinggil sa paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taon sumusulat.

 

Ayon kina Austera, et.al (2009) sa akdang Komunikasyon sa Akademikong Filipinoang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo sa kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang wika bilang pinakaepektibong midyum sa paghahatid ng mga mensahe. Ito rin ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin, dagdag pa ni  Mabilin, et.al (2012) , mula sa akdang Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino.

 

Ang kakayahang makapagpahayag nang malinaw sa pamamagitan ng panulat ay maituturing na isa sa pinakamahalagang kasanayang matatamo ng tao (Gonzales, 2016). Binanggit ni Donald Murray (2003), na ang pagsulat ay isang eksplorasyon ng pagtuklas sa kahulugan at porma at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik na nagbibigay tuon sa mga batayang kasanayan mula sa bawat panahon ng pagbabalangkas sa kung ano ang kinakailangang isulat at kung paano ito maipapahayag ng may episyente. Idinagdag pa niya na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib o pauilit-ulit.

 

Wika nina William Strunk at E.B. White, anumang nasyon ay makapagpapatunay na pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. Dahil ang pagsulat ay tagapagpaalala at agapag-ugnay ng noon sa ngayon, higit sa lahat tagapagpakilala ng bawat henerasyon, dapat pagsikapan ang pagpapayaman ng ating kaisipan at ang paglinang ng kasanayang ito.

 

Sinasabing ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang matibay na pundasyon ng pag-iisip. Ang pag-iisip ng mabuti ay maaring hindi sapat na kondisyon para makalikha nang magandang sulatin subalit tiyak na lilitaw pa rin ang kinakailangang kundisyon. Ang pagsulat din ay isang instrument upang mag-isip ang isang tao hinggil sa kanayang paksa. Ayon kay Ricafrente (2009), ang pag-iisip at kasama sa set ng mga kasanayang pampag-iisip na lumikha, magpanimula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip. Ang pag-iisip na ito ay maituturing bilang set ng proseso, kung saan ang mga tao ay bumubuo, gumagamit at nagbabago ng panloob na simbolikong modelo. Idingdag pa niya na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak.

 

Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsulat ay katulad din ng pagbasa na kinakailangang gamitan ng wastong pag iisip, ibayong damdamin at karanasan. Ito ay isang iparaan ng pakikipag-unawaan o pakikipagdiskurso ng isang tao sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng mga letra, salita, parirala at mga pangungusap. Idinagdag pa niya na ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman.

 

Batay kay Arrogante (2016), gng malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng saliri (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal kung saan ang pokus ay nasa manunulat mismo. Gayundin, ayon kay Hedge (2002), ang pagsulat ay hindi lamang maituturing bilang isang pangkaraniwang paraan ng pagsasalin ng wika sa pasulat na simbolo sapagkat ito ay isang proseso ng pag-iisip na nangangailangan ng intelektwal na pagsisikap na dapat ay mapanatili sa isang takdang panahon. Sapagkat ang kabisaan sa wika ay hindi sapat upang mapadali ang pagsulat bagkus dapat ang pangkognitibong kasanayan.

 

Hinggil naman kay Xing Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika. Gayundin, ito ay isang lupon ng mga simbolong ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa sistematikong pamamaraan na sumasaklaw sa layuning makapagbahagi ng mga mensahe na maaring mahuka o mabigyang kahulugan ng sinumang may kaalaman sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda, dagdag pa ni Alcaraz (2005).

 

Ang pagsulat ayon kay Badayos (2001) ay isang kompleks na kasanayan. Ang manunulat ay kinakailangang magtaglay ng sapat na kaalaman batay sa mga salik na kasasangkapin sa pagbuo ng mga sulatin kabilang ang sumusunod: paksa, layunin, interaksyon at isang kamalayan ng awdyens, wika, kombensyon, mga kasanayan sa pag-iisip, kasanayan sa pagbubuo, may sariling sistema ng papahalaga, mekaniks at ang mga proseso ng pagsulat.

 

Ayon pa rin kay Badayos (2002), ang kalagayan o kultura ng isang paaralan ay maaring makalikha ng mga di-tuwirang pagpipilit ng mga metodo sa mabisang pagsulat kabilang ang pagtatakda ng pormal at di-pormal na sulatin para sa isang takdang panahon ng walang pagsasaalang-alang ng abilidad at kasanaya ng mga pangkat ng mag-aaral. Kaugnay nito, kalakip ng paggamit ng estratehiyang “write-to-a-title-approach”, ipinahayag rin niya ang walong (8) batayang simulain sa pagsulat na kinakailangan maituro ng guro sa mga mag-aaral: (1) Baguhin ang haba ng sulatin, (2) Suriin at ipaalam ang kombensyon ng mga uri ng tekstong isinulat, (3) Iugnay ang pagsulat sa iba pang hati ng mga kasanayang makro sa pagtuturo ng wika, (4) Magplanao ng mga aralin nang wastong pagkakasunod-sunod, (5) Tiyaking may interaksyong pangmag-aaral sa proseso ng pagsulat, (6) Talakayin ang layunin sa pagsulat at ang awdyens sa paglalarawan nito, (7) Ituro ang mga teknik sa pag-eedit ng sulatin; at (8) Iba-ibahin ang pokus ng pagmamarka.

 

Ukol kay San Juan (2008), ang pagsulat ay maituturing na isang sining sapagkat ito ay tumutukoy sa maayos, malinaw at wastong pagpapahayag ng kaisipang may pakinabang. Ang masining na pagsulat ay hindi lamang nakapagbibigay ng libanangan kundi ay nagpapayaman din ng kaalaman ng mga mambabasa. Idinagdag ni Santiago (2014) na ang pagsulat ay nakatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-iisio at paglutas ng suliranin. Gayundin, napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika tulad ng pagbasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga impormasyong nakakalap bago isagawa ang ganap na pagsulat.

 

Sa kabilang banda, ang paggamit wika ay maituturing bilang primaryang pangangailanngan at pinakamalaking salik na maaaring maging hadlang sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat. Nabanggit sa pag-aaral ni Calub (2016) ang mga nagiging malimit na kamalian sa paglikha ng mga sulatin sa parehong gamit ng wika sa Ingles at Filipino batay sa lugar na hindi Tagalog ang kinagisnang gamit ng salita at wika. Ilan sa mga pagkakamaling nabanggit ay ang maling paggamit ng pandiwa, maling salita, malaking titik, palugit, kulang ng salita at paghahati ng salita. Kung sa Filipino naman, ang karaniwang itinuturing na pagkakamali ay ang pagbabaybay ng salita, malaking titik, bantas, maling salita, malaking titik at palugit. Sa madaling sabi, higit na maraming pagkakamali pagsulat ng sulating Ingles kumpara sa Filipino. 

 

Ayon naman kay Espiritu (2001), nararapat na malinang ang kognitibong kasanayang pangwika at istruktura ng gramatika ng wika sa antas ng pagsulat sapagkat may kakayahang nang malinaw, magsuri, magbuod ang mga mag-aaral ng kanilang natuklasan. Idinagdag ni Tunawan (2003) na ang balarila o grammar ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo, uri ng mga salita, tamang gamit at amang pagkakaugnay-ugnau ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw ng kaisipan o diwa. Samakatuwid, ang grammar ay tumatalakay sa kawastuhan ng kayarian ng wika na magagamit sa proseso ng paglinang ng kasanayan sa pagsasalita at pagsulat.

 

Bilang karagdagan, nabanggit ni Salas (2013) sa kanyang thesis, “Ang epektibong pagpapahayag ng sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa isang paksa sa pasulat na anyo gamit ang sariling wika ay isang kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral”. Ito ang magsisilbing lundayan ng bawat mag-aaral upang mahubog ang kanilang tiwala sa pakikipagpagtalastasan na lubhang mahalaga sa pagpapaunlad ng kasanayan ng bawat kabataan at mag-aaral.

 

Tinuran ni Fernandez (2015), nabanggit ni Oñate (n.d) na ang pagsulat ay isang proseso at dahilan sa ito’y proseso, kailangan itong ituro at pag-aralan. Ito’y upang maituro ang wastogn paraan ng pagsulat at pagkakasunod-sunod na hakbang. Ang pagsulat ay walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha at makagawa nang maayos na sulatin. Maituturing ito bilang isang napakahalagang salik ng pagkatuto ng gawaing pagsulat na siyang magpapatunay sa naisagawa ng tao sa lipunan na kanyang kinabibilangan. Nangangahulugan ito ang isang mag-aaral ay may potensyal sa pagsulat, kung kaya’t nararapat lamang na pukawin ang natatagong talino upang magamit  at maipamalas ang kakayahan at mabigyan ng pagkakataong malinang nang husto ang kasanayan.

 

Sa madaling sabi, ang pagsulat ay maituturing bilang ekspresyon na nagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang ipahayag ng pasalita ay ginagawa sa paraang pagsulat.  Maaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay ng pagpapa-unlad ng sariling ideya batay sa sarili at karanasan. Gayunndin, ang pagpapabuti ng ganitong uri ng kasanayan ay makakikilala ng interes, makapag-aambag ng kaalaman at makapagpapalawak ng kaisipan na maaaring mag-udyok sa mga mambabasang sumulat nang makabuluhan.

 

Kaya naman, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat paglaanan ng panahon at pagtitiyaga na magabayan ang bawat mag-aaral sa paglinang at paghubog ng kasanayan sa pagsulat sapagkat ito magsisislbing sukatan ng kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang larangan at disiplina. Ang mga makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagbabasa at panonood ay madalas ay maihahanay bilang gawaing indibidwal na karaniwang kumukuha o nagdaragdag ng mga bagong kaalaman gamit ang isipan. Samantala, ang pagsasagawa ng kasanayang pagsasalita at pagsulat ay tiyak na nakapagbabahagi ng mga kaisipan at kaalaman sa partikular na paksa sa anyong pasalita at pasulat. Hindi kailanman maitatanggi ang kalahalagahan ng papel na ginagampanan ng pagsulat sa lipunang ating ginagalawan. Ang mga inuudyok ng damdamin at nag-uumalpas nating kaisipan ay hindi sa lahat ng pagkakataon maipapahayag sa paraang pasalita.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sintesis

Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay maingat na hinango ng mga mananaliksik upang organisadong mailarawan ang kabuluhan at angkop na konsepto ng kontemporaryong panitikan at makro kasanayan sa pagsulat.

 

 Inilahad rito na ang kontemporaryong panitikan ay maraming gampanin at ito ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon na nagbubunsod rin upang mas malinang ang mga paksain nito. Nag-iiwan ng makabuluhang tema ang kontemporaryong panitikan sa mambasa na maaaring positibo o negatibo sapagkat ito ay bungang isip ng manunulat kung saan naglalarawan ng pamumuhay, damdamin at lipunan. Ito rin ay nagpapakilala ng mabisang pagkatuto at nagiging malikhain ang mambasa gamit ang pansariling pamamaraan. Gayundin, ang wika ay nagiging makapangyarihang kasangkapan dito na maituturing na mahalaga at kailangan ng bansa. Nabanggit rin ang ilan sa mga panitikan na naging bantog sa kasalukuyan gaya ng komiks, tabloid, magasin, dagli at iba pa. Liban pa rito, nailarawan din ang gamit ng teknolohiya bilang makabagong lunsaran o lundayan upang mabasa ng karamihan ang mga panitikan sa mas madaling paraan gaya na lamang ng wattpad, facebook at iba pa na maaaring maaabot sa tulong ng teknolohiya. 

 

Sa kabilang banda, marami rin ang naging kaugnay na literatura at pag-aaral ang nahinuha patungkol sa makro kasanayan na pagsulat kung saan mababatid na marami ang naging paglalarawan dito sapagkat nagagamit ang kasanayang ito sa iba’t ibang larangan, nahuhubog nito ang kakayahan ng tao na makapaglahad ng mas malalim na damdamin, kuro-kuro at pagpapakahulugan sa mga bagay. Nabanggit na ang pagsulat ay isang mahalagang kasanayan na nakaaapekto sa pag-unlad ng isang indibidwal, dahil ang gawaing ito ay isang ekspresyon na sumasalamin sa katangian ng isang tao. Ang pagsulat rin ay isang pisikal at mental na kasanayan, biyaya na ginagamitan ng higit na malalim na pag-unawa at pag-iisip. Nailahad na ang pagsulat ay maraming benepisyo sa mambabasa sapagkat ito ay maituturing na isang eksplorasyon at pagtuklas na kakayahan na nagdadala ng maraming dulot sa isang tao.

 

Sa kabuuan, maraming pagkakaiba ang mga iskolar at manunulat sa paglalahad ng konsepto ukol sa kontemporaryong panitikan at makro kasanayang pagsulat, nagkaroon ng kanya- kanyang batayan, pananaw at karanasan ang karamihan sa kung ano ang gamit o kabuluhan ng mga ito. Ang ilan naman na pagkakapareho nito ay tinitignan ang panitikan at pagsulat bilang mahalagang instrumento na nakatutulong sa tao na mahubog ang maraming kasanayan at maging isang matagumpay na propesyunal sa espesipikong larangan. Mababatid rin na ang kontemporaryong panitikan at pagsulat ay kapwa sumasalamin sa malikhaing isip ng isang indibidwal dahil bunga ito ng malalim na ideya at wastong kasanayan sa paglalahad ng pambihirang konsepto.

 

Tinipon ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura upang mas malinaw na mabigyang katuturan ang kontemporaryong panitikan at makrong kasanayang pagsulat, at gayundin maiangkop ang mga nalalaman upang matagumpay na magamit sa proseso ng isinasagawang pananaliksik. Ito ay magiging isang pundasyon para sa mga mananaliksik upang maisakatuparan ang pagtukoy sa persepsyon ng mga piling mag-aaral sa kontemporaryong panitikan tungo sa paglinang ng makro kasanayan sa pagsulat. Binigyang linaw ng mga nailahad ang tunay na kabuluhan at gampanin ng panitikan at kasanayang pagsulat upang mas higit na bigyang halaga, magamit, at malinang sa tamang pamamaraan.

 

 

 

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Balangkas Teoretikal

Isa sa limang makrong kasanayan na nililinang sa asignaturang Filipino ang pagsulat. Ito ay nakatuon sa pagpapahayag ng pananaw, saloobin o damdamin ng bawat mag-aaral na nagpapakita ng higit na kabatiran ng bawat mag-aaral sa paksang nililinang. Maaaring mapadali ang paglinang sa makrong kasanayang pagsulat sa pamamagitan ng paggamit ng kontemporaryong panitikan na angkop sa paglinang at tutugon sa pangangailangan, interes at estilo ng bawat mag-aaral.

 

Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga teorya at prinsipyo na makakatulong upang magkaroon ng matibay na pundasyon ang pag-aaral na ito. Binibigyang linaw nito ang mga direksyon o tunguhin ng pananaliksik.

 

Batay sa Teoryang Bottom-Up, ito ay bunga ng teoryang behaviorist kung saan nakatuon sa kapaligiran na nagbibigay pokus sa paglinang ng pagbasa ng may pag-unawa. Dito ay kinikilala ang bawat simbolo at katumbas nitong tunog o kahulugan. Inilalahad sa teoryang ito ang kahalagahan ng pagkilala sa mga titik, salita, parirala at pangungusap upang maging kasangkapan sa lubusang pagkatuto sa nilalaman ng isang teksto. Dito ay mahalaga ang gampanin ng teksto, dahil sa pamamagitan ng pagbasa ay nakikilala ang mga salita. Ang mambasa ay nagiging passive sapagkat gampanin lamanng ng mga ito na kilalanin ang mga detalye na nakasaad. Ito ay outside in o data driven dahil nagmumula ang pag-unawa sa impormasyon na nakasaad sa teksto at hindi sa nagbabasa. Gayundin, ito ay tinawag na bottom-up dahil nagmumula sa teksto (bottom) ang pag-unawa patungo sa mambabasa (up). Ang teoryang ito ay maituturing na tradisyunal na pagbasa.

 

Ayon kay Peck at Buckingham sa (Radillo 1998), ang pagsulat ay bunga ng wika at karanasang nahinuha ng isang indibidwal mula sa kanyang gawa ng pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. Inilahad rito na ang pagbabasa at panonood ay kasama sa ilang mga kasanayan na isinasagawa upang makakalap ng kaalaman na magagamit sa iba pang kasanayan gaya ng pagsulat. Ang teoryang ito ay magsisilbi rin na batayan sa pananaliksik upang malaman ang persepyon ng mga piling mag-aaral sa kontemporaryong panitikan tungo sa paglinang ng makrong kasanayang pagsulat.

 

Ang mga teoryang nabanggit ay magsisilbing matibay na pundasyon sa isasagawang pananaliksik dahil ito ay magsisilbing gabay upang mabigyang katuturan ang pagbabasa ng kontemporaryong panitikan bilang paraan na makatutulong upang mahubog ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Inilahad sa teorya na binibigyang diin ang nakukuhang kaalaman mula sa teksto gayundin binibigyang pansin ang mga angkop na gamit titik, salita, simbolismo, pangungusap at iba na kung saan mahalagang maunawaan upang sa gayon ay maging gabay tungo sa mahusay na pagbuo ng isang sulatin at direktang paglinang ng makro kasanayan sa pagsulat.

 

Ang mga sumusunod na teorya ay isinasaalang-alang ng mga mananaliksik sa higit na ikauunawa sa pag-aaral at magsisilbing pundasyon sa pagkalap ng mga datos sa isinasagawang pananaliksik. Samantala, ang batayang konseptuwal ay gagamiting gabay sa paglalahad ng organisadong proseso ng kabuuang pananaliksik.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Konseptwal na Balangkas

            Ang balangkas konseptwal ng pananaliksik na ito ay ginamitan ng Input – Process – Output Model. Ipinapakita sa dayagram 1 sa ibaba ang iba’t ibang hakbang ng mga mananaliksik upang mabuo ang pananaliksik na ito. Sa inputs ipinapakita ng mga mananaliksik ang paggamit ng profayl ng mga tagatugon kung saan kabilang ang kasarian at persepsyon sa kontemporaryong panitikann sa paglinang makrong kasanayang pagsulat ng mga mag-aaral.

Persepsyon sa Kontemporaryong Panitikan ng mga Piling Mag-aaral

ng Emilio Aguinaldo College-Cavite Baitang 12 sa Paglinang ng Makrong Kasanayang Pagsulat

INPUT

     Ang profyl ng mga tagatugon ay ang mga sumusunod:

 

·       Kasarian ng mga respondente.

·       Persepsyon sa Kontemporaryog Panitikan sa Paglinang ng makro ng kasanayan sa pagsulat.

 

    PROCESS

·       Pagkalap ng mga kaugnay na literature at pag-aaral.

·       Pagbuo ng mga survey questionnaire.

·       Pamamahagi ng survey questionnaire sa mga respondante.

·       Pag-aanalisa ng mga nakalap na datos.

 

 

 

 

  OUTPUT

Persepsyon sa Kontemporaryong Panitikan ng mga Piling Mag-aaral ng Emilio Aguinaldo College-Cavite Senior High School Baitang 12 Humanities and Social Sciences sa Paglinang ng Makrong Kasanyang Pagsulat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Dayagram 1: Paradimo ng Pag-aaral ng Perspesyon sa Kontemporaryong Panitikan ng mga Piling Mag-aaral ng Emilio Aguinaldo College-Cavite Baitang 12 sa Paglinang ng Makrong Kasanayang Pagsulat

 

Ang aktuwal na proseso naman ay sumasaklaw sa mga hakbang na isasagawa ng mga mananaliksik sa pagkuha ng sapat at angkop na impormasyon hinggil sa persepsyon sa kontemporaryong panitikan bilang batayan sa paglinang ng makrong kasanayang pagsulat sa pamamagitan ng pagkalap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral, pagbuo ng mga survey questionnaire, pamamahagi ng survey questionnaire sa mga respondante at pag-aanalisa ng mga nakalap na datos.

           

Matapos na makuha, ma-intepret at matasa ang mga datos, sa awtput maliwanag na ilalahad ng mga mananaliksik ang kinalabasab ng mga naging tugon batay sa persespyon sa kontemporaryong panitika sa paglinang ng makrong kasanayang pagsulat ng mga piling mag-aaral ng Emilio Aguinaldo College-Cavite Senior High School Baitang 12 Humanities and Social Sciences.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pagtukoy ng persepsyon sa kontemporaryong panitikan bilang batayan sa paglinang ng makrong kasanyang pagsulat ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, ang pag-aaral ay ginawa upang lubusang makilala at mailarawan ang konsepto at gampanin ng kontemporaryong panitikan sa paghubog ng kompotensiya sa pagbuo at paglikha ng sulatin sa Filipino. Gayundin, ang pokus sa pag-aaral na ito ay napili ng mga mananaliksik upang matugunan, maipaliwanag at mabigyang ng sagot sa pag-aaral na ito ang impluwensya ng kontemporaryong panitikan at salik na nakasasagabal sa paglinang ng makrong kasanayang pagsulat ng mag-aaral.

 

Nililimitahan ng mga mananaliksik ang kabuuang bilang na 100 respondante mula sa mga mag-aaral ng Senior High School Baitang 12 Humanities and Social Sciences na isasagawa sa Emilio Aguinaldo College-Cavite, panuruang taon 2021-2022.

 

Samakatuwid, ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa persepyon ng mga piling mag-aaral sa kontemporaryong panitikan tungo sa paglinang ng makrong kasanayang pagsulat sapagkat mababatid na mayroong kahinaan ang mga mag-aaral sa kasalukuyan pagdating sa akademikong pagsulat. Gayundin, walang sapat na pag-unawa ang mga mag-aaral sa konsepto at nilalaman ng kontemporaryong panitikan at hindi bukas ang kamalayan sa mahalagang gampanin ng panitikan sa proseso ng paglinang ng mga makrong kasanayan partikular na sa pagsulat. Kaya naman ang pag-aaral na ito ay nais na bigyang katuparan ang mga sumusunod na layunin:

 

·       Matukoy ang impluwensiya ng kontemporaryong panitikan sa mga mag-aaral.

·       Malaman ang kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsulat.

·       Mabatid ang persepyon ng mga mag aaral sa kontemporaryong panitikan tungo sa paglinang ng makro kasanayan sa pagsulat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay kapakinabangan sa larangan ng edukasyon sapagkat makapagkikintal ito ng pagpapahalaga sa kontemporaryong panitikan. Ito ay makapagbibigay sigla sa mga mag-aaral upang madagdagan ang kanilang kaalaman at interes sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat na magagamit sa iba’t ibang larangan at disiplina. Gayundin, makatutulong ito sa proseso ng pagpapalawig ng panitikan sa bansa at pagpapaunlad ng makro kasanayan partikular na sa pagsulat na kung saan maaaring maging pundasyon sa pagkamit ng lubusang pagkatuto at may kalidad na edukasyon. Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay magbibigay benepisyo sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mapalawak ang  perspektibo at kaisipan ng mga mag-aaral sa kapakinabangan ng kontemporaryong panitikan sa pagpapaunlad ng makrong kasanayan sa pagsulat na magagamit sa larangang pang-akademiko sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina at asignatura. Gayundin, ito ay magsisilbing gabay upang magkakaroon sila ng malawak na saklaw ng pag-unawa sa panitikan at mas mapapalalim ang bokabularyo sa wikang Filipino na maaaring makatulong sa mas higit na pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat at kasabay nito tangkilikin ang makabagong anyo panitikan sa bansa.

Sa mga Guro, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing batayan ng mga guro upang malaman ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa kompetensiya ng pagsulat. Gayundin, gamit ang pag-aaral na ito magagabayan at matutulungan ang guro na makabuo ng mga bagong estratehiya na magagamit sa proseso ng pagtuturo at paglinang ng makrong kasanayang pagsulat sa pamamagitan ng integrasyon ng kontemporaryong panitikan sa pagpukaw ng interes ng mga mag-aaral at makamit ang mga layuning pampagkatuto. Ito rin ay maaari nilang ibahagi sa kanilang kapwa guro at mga tinuturuang mag-aaral.

Sa mga Magulang, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing batayan upang mas himukin ng mga magulang ang kanilang mga anak na tangkilikin ang kontemporaryong panitikan kasabay ng pagpapayabong ng kasanayan sa pagsulat. Kaugnay nito ay magabayan at matulungan ang kanilang mga anak hinggil sa proseso ng pagkatuto at akademikong pakikipagsapalaran.

Sa Paaralan, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at batayan upang mas mapaunlad ang kakayahan ng mga kawani sa loob ng institusyon upang mas makapag bigay ng epektibong tugon sa pangangailangan ng mga magaaral. Sa pamamagitan nito maaaring mas higit na bigyang pansin ang kontemporaryong panitikan upang pukawin ang interes ng mga magaaral sa espesipikong larangan kasabay ang pagpapaunald ng makrong kasanayan sa pagsulat.

 

Sa Komunidad, ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa pagbuo ng mga programa na maaaring makatulong at magbigay sumuporta sa paglulunsad ng mga gawaing pampaaralan at sa pagpapalawig ng kontemporaryong panitikan sa bansa. Gayundin, ang pagsulat ay kalimitang ginagamit ng mga manunulat bilang isang repleksyon ng mga tunay na pangyayari sa kanilang lugar o lipunan na kinabibilangan. Ang mga makukuhang datos ay maaring makatulong sa pagbukas ng kamalayan at damdamin ng bawat indibidwal sa komunidad upang Makita ang tunay na kalagayan ng lipunan kailangang bigyan ng aksiyon at pansin.

Sa mga susunod na Mananaliksik, ang pananaliksik na ito ay maaaring maging batayan ng ibang mananaliksik sa paggawa ng mga susunod pang pananaliksik na may makabuluhang ugnayan sa paksa na nabanggit. Ito rin ay maaaring gawing sanggunian, maging suporta sa kanilang pag-aaral at ibilang ang mga kaugnay na pag-aaral na may kaugnayan sa kontemporaryong panitikan at makrong kasanayang pagsulat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Katuturan ng mga Katawagan

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng mga termino o katawagan na karaniwanang makikita ng mga mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik na ito. Gayundin, ito ay ginamit upang mapadali ang pag-unawa at magbigay linaw sa kanilang paunang ideya tungkol sa mga sumusunod na termino o katawagan:

 

Kontemporaryong Panitikan. Ito ay tumutukoy sa uri ng panitikang moderno o makabagong anyo at paksain ng mga panitikang Filipino sa kasalukuyan.

Persepsyon. Tumutukoy sa pananaw ng mga mag-aaral sa batay sa patikular na paksa. Ito rin ay nakabatay sa pagkilala sa pagbibigay-kahulugan ng mga mag-aaral sa mga bagay na namalas, nadama at nakita.

Makro Kasanayan. Ito ay isang larangang pangkomunikasyon at kompetensi na kinakailangang malinang ng mga mag-aaral.

Pagsulat. Isang kompleks na gawaing nag-uugat sa paglinang ng kasanayang pisikal at pangkaisipan.

Internet. Instrumento o kasangkapan na ginagamit sa makabagong paraan ng paglilimbag at pagkalap ng mga akdang pampanitikan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Sanggunian:

Almio, M. (2019). Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon sa Filipino ng mga Mag-aaral sa

            Ikalabindalawang Baitang ng Akademik Strand: Batayan sa Pagbuo ng Worktext
            (Master’s Thesis)
. Holy Trinity College of General Santos City, General Santos City.

 

Austera, C., et al. (2009). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik (1ST Edition 2020).

Kagawaran ng Edukasyon, Cagayan de Oro.

 

Badayos, P. B. (2000). Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat: Kasanayan sa Pagsulat          [PowerPoint Slides]. Retrieved from https://dokumen.tips/documents/mga-batayang-       kaalaman-sa-pagsulat-55845dc85e8ec.html.

 

Baga-an, C. (2019 Marso 13). Kontemporaryong Panitikan: Introduksyon at Kaligiran

[PowerPoint Slides].  College of Education, Cabadbaran, Agusan del Norte. Retrieved from https://www.slideshare.net/christinebagaan/kontemporaryong-panitikan-136078792.

 

Bartoloy, R. et al. (n.d). Ang Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sulatin ng Dalawang Grupo ng

mga Mag-aral sa Ikapitong Baytang sa Nagpayong High School (Undergraduate Thesis).

Philippine Normal University, Manila, Metro Manila.

 

Bernales, R. A., Atienza, C. G., Gonzales, E. S., et al. (2011). Akademikong Filipino Tungo sa

            Epektibong Komunikasyon. Potrero, Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

 

Cutab, K. (n.d). Apat ng Teorya ng Pagbasa: Ang Teoryang Bottom-Up. Scribd. Retrieved from

https://www.scribd.com/doc/83630116/4-teorya-ng-pagbasa.

 

Gavieta, R. M. (2021 Mayo 15). Ang Panitikang Filipino. Press Reader. Retrieved from

            https://www.pressreader.com/philippines/watchmen-dailyjournal/20210115/2815351138.

 

Kagawaran ng Edukasyon. (2019). K to 12 Gabay Pangkurikulum Filipino Baitang 1-10. Deped

Complex, Meralco Avenue Pasig City: Republic of the Philipppine Department of Education.

           

Keller, H. (1985). Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat: Kasanayan sa Pagsulat [PowerPoint

Slides]. Retrieved from https://dokumen.tips/documents/mga-batayang-kaalaman-sa-pagsulat-55845dc85e8ec.html.

 

Liwanag, L. D. (2016). Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular.

            Bulacan State University, Lungsod ng Mololos, Bulacan.

 

 

Luces, A. A. (2018 Oktubre 8). Bakit mahalaga ang pag-aaral ng Panitikan. Press Reader.

            Retrieved from

https://www.pressreader.com/philippines/panaynews/20181008/281586651547062.

 

Manalo, J. (2019). Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Pagbabagong Pisikal at Istruktural

            ng Panitikang Filipino sa mga Mag-aaral ng Pambangsang Pamantasan ng Batangas

            (Undergraduate Thesis). Batangas State University, Batangas City, Philippines.

 

Oñate, G. P. (n.d). Kasanayan sa Pagsulat. Scribd. Retrieved from

https://www.scribd.com/document/440529056/Kabanata-2-Pagsulat-Kaugnay-Na-Lokal-Na-Literatura.

 

Peck, R.W. & Buckingham, D. N. (1998). Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat: Kasanayan sa

Pagsulat [PowerPoint Slides]. Retrieved from https://dokumen.tips/documents/mga-batayang-kaalaman-sa-pagsulat-55845dc85e8ec.html.

 

Salas, A. S. (2013). Kabisaan ng Paggamit ng Process Approach sa Pagsulat ng mga Mag-aaral

            sa Ikatlong Taon sa Caluluan High School (Master’s Thesis). Caluluan High School,

            Caluluan Conception, Tarlac.

 

 

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2