Ang Batang Magalang (Pagsusuri)
A.
Sining ng Pagtula
1.
Sukat- Ang tulang ito ay mayroong sukat na
lalabindalawahin o labindalawang pantig sa bawat linya o taludtod.
Unang Saknong:
12-12-12-12
Ikalawang Saknong:
12-12-12-12
2.
Tugma- Maituturing na may
tugma ang isang tula kapag magkakapareho ang tunog ng dulo ng dalawa o higit
pang taludtod. Hindi lamang titik ang nauulit kundi ang tunog o ang ponema. Sa
tulang ito hindi pare-pareho ang tugmang aking natagpuan. Narito ang aking
suri:
· Unang Saknong: ang tugmaan naman nito ay
maituturing na tugma sa katinig o
tugmaang di-ganap na pumapasok naman sa ikalawang lipon kung saan napabilang
ang mga katinig na n-n-l-y na
siyang nasa dulo ng mga taludtod sa unang saknong ng tula.
· Ikalawang Saknong: ang tugmaan naman nito ay
maituturing na tugma sa patinig o tugmaang ganap dahil ito ay nagtatapos sa
patinig kahit na ito pa ay may kasamang katinig. Makikita mayroong a-a-n-n
na siyang matatagpuan sa dulo ng bawat
taludtod sa ikalawang saknong.
3.
Sensura- ito ay ang
pansamantala o bahagyang pagtigil sa gitnang bahagi ng taludtod na mayroong
labindalawa at labinwalong pantig sa loob ng isang taludtod. Ang tulang ito ay mayroong
lalabindalawahing sukat at maaaring nasa ika-anim na pantig matatagpuan ang
sensura. Narito ang aking sipi na nilagyan ng sensura.
Ang batang magalang,/
kinatutuwaan
Ng kapwa bata at/
maging matanda man.
Pag nasasalubong
ang/ guro n’yang mahal,
Ngiti ng pagbati/
ang lagi n’yang bigay.
Di nakikipag-away/
sa kapwa bata,
At di gumagamit/
salitang masagwa.
Sa pagsasalita’y/
laging mahinahon,
Ang po at opo ang/
lagi niyang tugon.
4.
Saknong- ito ay ang grupo
sa loob ng isang tula na binubuo ng dalawa o higit pang linya o taludtod. Ang
tulang pambatang ito ay mayroong dalawang saknong na binubuo ng apat na
taludtod ang bawat saknong.
5.
Aliw-iw o Indayog-
Bahagi
na ng tulang pambata ang pagkakaroon ng aliw-iw o indayog lalo pa kung bata ang
magbabasa nito. Sa tulong rin ng sensura madaling matutukoy kung saan
nagkakaroon ng pagbabago ng tono.
6.
Larawang Diwa- ito ang mga
salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa. Ang buong tula ay nagpapakita ng larawang diwa. Dahil ito
ay isang halimbawa ng tulang pambata kailangan ay madaling maunawaan at
madaling makita ng mga batang mambabasa at tagapakinig ang inilalarawan o
binubuong imahe ng may-akda sa tula.
Ang batang
magalang, kinatutuwaan
Ng kapwa bata at
maging matanda man.
Pag nasasalubong
ang guro n’yang mahal,
Ngiti ng pagbati
ang lagi n’yang bigay.
Di nakikipag-away
sa kapwa bata,
At di gumagamit
salitang masagwa.
Sa pagsasalita’y
laging mahinahon,
Ang po at opo ang
lagi niyang tugon.
7.
Simbolismo- ito ang mga salita
sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
Magalang- ang pagiging magalang ng isang bata ang kumakatawan sa
kabuuan ng tula. Maraming salita o katangian sa tula ang naiugnay sa pagiging
magalang ng isang bata.
8.
Talinghaga- ito ay sangkap ng
tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula o ‘di kaya’y ito ang ‘di
tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit.
Walang
tayutay o malalim na salita ang matatagpuan sa kabuuan ng tula. Marahil ang
tula na ito ay isang halimbawa ng tulang pambata kung kaya’t wala itong malalim
na pagpapakahulugan. Pero kung ating iisipin, ang simpleng tulang pambatang ito
ay maaari ring mensahe para sa mga nakatatanda na hindi marunong magbigay
galang sa higit pang nakakatanda o kahit na sa bata.
9.
Persona- ito ang
nagsasalita sa loob ng tula o isang teksto. Sa tulang ito ang nakikitang
persona ay maaaring isang magulang na nangangaral sa kaniyang anak.
B.
Mga Teoryang
Pampanitikan
1.
Teoryang Humanismo
Ang layunin ng tula ay ipakita na ang
kakayahan ng tao, kanyang kaisipan at magandang katangian na tinataglay ng
isang tao. Sa tula binanggit ang mga katangian ng isang batang magalang.
2.
Teoryang
Moralistiko
Ang layunin ng tula ay ilahad ang iba't
ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama
at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito. Makikita sa tula ang pagpapakita ng wastong kilos ng isang
batang magalang.
C.
Kabuuang Sariling
Puna
Kahit na ang tula
na ito ay isang halimbawa ng tulang pambata, taglay pa rin nito ang ilang
katangian ng tradisyunal na tula na mayroong sukat at tugma. Madali at payak
ang mga salitang ginamit na siyang angkop sa mga mambabasa o tagapakinig na
bata. Hindi tulad ng mga matanda, hindi pa kaya ng mga bata ang mag-analisa ng
talinghaga sa tula at tiyak na hindi magagawang makapukaw ng atensyon sa mga
bata ang tulang malalim at may mabubulaklak na salita.
Ang
unang saknong ng tula ay patungkol sa mabuting naidudulot ng pagiging magalang
sa pamilya at kung ano ang mabuting ugnayan ang nabubuo nito.
Sa
huling saknong naman ay ang relasyon sa kamag-aral, kaibigan at katangiang
kanyang dadalhin maging sa pagsasalita.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento