Bawat wika ay mayroong isyung pinagdaraanan, kahit ito'y opisyal bilang wikang isinasalita ng mga tao, hindi maiiwasan na magkaroon ng diskriminayson ukol rito. Isa na rito ang wikang atin, ang Filipino, sapagkat ito ay tanyag na wikang gingamit natin sa araw-araw, hindi nawawala ang suliranin nito, sa nakaraan man o kasalukuyan. Ito ang mga ilan sa isyung pangwika na kinakaharap ng wikang Filipino sa panahon ngayon. Ang mga isyung pangwika ay ang pagkakaroon ng kaisipang madali lamang ang asignaturang Filipino. Marahil, madali sa paraan ng paggamit lamang nito sa pasalitang paraan at pagsulat ng simple, subalit, hindi lingid sa kaalaman ng iba, na kapag sinabing asignaturang o wikang Filipino ay umiikot lamang ito sa ating wika kung paano ito gamitin sa pakikipagtalastasan at komunikasyon. Bilang nagpapakadalubhasa sa larangang ito, hindi naging madali ang pagpapalaganap at pagpapayabong rito, sa kadahilanang, ang pilipino ay ginagamit ang wika ngunit unti-unti ri...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento