Ang isang pag-ibig (1)
Mula't nagkamuwang ako'y
natuto akong mangarapna minsa'y
ang puso kong bubot
ay titibok at iibig.
Buong giliw akong
naghintay,
sa araw na ang puso
ko'y hinog na't
handa nang magmahal.
Nagtangi ako,
nang hindi sa iisang
nilalang.
Kamag-aral, kaibigan
at guro ay aking
tunay na hinangaan.
Kung minsa'y
nakadarama ng kirot
sa munti kong isip,
sa tuwinang ako'y
di mapapansin
ng aking ginigiliw.
At dumating ang araw
na aking sinapit
kadalagahang
gintong panahon
ng aking pag-ibig.
Kay ligaya
na ako'y maharana.
makatanggap
ng tsokolate at rosas.
Ngunit ang pag-oo
ay di pa nais
ni ama't ina
na gumagabay sa'kin.
Gayunma'y
nanaig ang kilig,
sa bawat binatilyong
nagpaparamdam
ng pagkagiliw.
Kadalagahan ko'y makulay
sa iba't ibang
damdaming namahay.
Gumuguhit sa bawat ngiti ko
ang karanasan ko
sa pag-ibig.
Nananatiling
ako naghihintay
sa isang dakila't
tunay na pag-ibig.
Sa kung anong kahihinatna'y
di ko pa batid.
Tanging pangarap
na pag-ibig
ang aking asam,
tanging nais ko'y
umiibig
at ako'y ibigin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento