Ang isang pag-ibig (2)
Sa pagtuntong ko
sa kolehiyo,isang makisig
na guro ang nasilayan ko.
di mapigilang
gumuhit ang ngiti
sa labi ko,
lalo't nang mabatid kong
di lamang siya
karaniwang guro
kundi isang
alagad ng sining
sa maraming aspeto.
sa kanyang husay
at talino,
higit akong humanga
at tila pati
puso ko'y
nakatitiyak
na "siya na nga ata"
Naging inspirasyon
siya ng bawat araw ko.
hanggang sa malimutan ko
ang isang manliligaw ko.
Dahil tila
ang guro'y napapansin na rin ako.
halos ikamatay ko
ang bawat sulyap niyang
dinaraanan ako.
halos ikaputol
ng aking hininga
ang bawat ngiting
pinalilipad niya sa akin.
hanggang sumapit
ang isang pagtitipon,
pangkat kami ng mag-aaral
na nakapalibot
sa kanyang mesa,
tila natutuwa siyang ipakita
ang mga liham
ng nagdaan niyang mag-aaral
na may pagtangi sa kanya.
ang isa sa amin ay lantarang
nagsasabing
gusto niya ang guro.
ang aki'y buong lihim
at tahimik kong sinasarili.
kaya't habang
nagbabasa, ang isa'y
lantad ding kinikilig
at nagsasabi ng pag-uyam.
samantala,
ako'y ipit na ipit
na wag dudungaw
kahit kaunting ngiti.
naninigas ang aking dibdib
sa pagpipigil
ng aking kilig.
nang habang ako'y nagbabasa,
nakita ko
sa sulok ng aking mata,
ang guro'y matamang
sa aki'y nakamata,
tila nag aantabay,
sa reaksyon
at emosyonng
aking
bang iluluha...
Ngunit nabigo siya
pagkat buong husay
kong naikubli ang tuwa.
Sa pag-uwi'y
nag-aya siyang
ako raw ay sumabay,
dahil gabi na'y
makabubuting
ako raw ay may kasabay.
sa pag-uwi
siya'y naging
napakagiliw,
maginoong nakaalalay
at tunay na kaibig-ibig,
puso ko'y
kanyang laging
pinalulundag
sa simpleng
paghawak sa aking braso'y
aalalay.
kuryente
na ata at di na kilig
ang dumadaloy sa aking dibdib.
at ikinagulat ko
ang lahat
ng kanyang sambitin
"kita'y tinatangi"
at bukas kata'y
dadalhin
sa sinehan,
aking giliw.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento