Ang isang pag-ibig (3)
anong kabog
ng aking dibdibsa oras at lugar
ng aming
itinakdang
pagkikita,
di man sigurado
ang aking isip
kung tamang
sa guro ako'y
sumapit,
ngunit
ang murang puso
ko'y kumikislot
sa lihim
na sayang dulot
ng sineng
kanyang paanyaya.
eksakto
sa oras ng uwian,
sa trangkahan
ng pamantasan,
ako'y naroroon na't
nauna pa
sa binatang gurong
nag-anyaya.
tuwa at kaba'y
naghahalo,
lalo't nang siya'y
papalapit na
kay tamis
ng kanyang ngiti
at tila nangungusap
ang mga mata,
na tila sinasabing,
"narito ka, nais
mo rin akong makasama,
salamat ha."
walang paglagyan
ang aking kaba
nang hawakan
niya ako
upang alalayan
pataas ng sasakyan.
di ko mabatid
kung kilig o
takot-bahid,
na sa tuwinang
kikiskis
ang aming mga braso't
pagdidikit ng balikat.
ako yata'y hihimatayin,
sa ligayang nadarama.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento