Ang isang pag-ibig (4)

 eto na...

ang madilim na lugar
bitbit ang minindal
na pili at bili niya
at may kasama pang
unang puso
na libre sa combo meal
puno ang sinehan
sa dami ng
nais mapanood
ang Titanic.
sa dami ng tao'y
wala nang maupuan,
kanyang inilatag
ang panyolito't
ako'y inalalayan
paupo,
kinikilig akong
sumunod
at nakatungo,
sa pagtabi niya'y
nangingimi ako.
iniabot ang
pagkain
at saka bumulong
masaya akong
kasama ka.
hay, ito ba ang
langit
ng ligaya ng pag-ibig?
buong banayad
niyang hinahaplos
ang kamay ko
may pagsuyong
paghilig
ng kanyang ulo
sa'king balikat.
nalalaman
raw niyang
ako'y bata pa
ngunit kanya
raw di mapigil
ang pagsintang
sa puso niyang
para sa akin.
ako raw
ay kanyang
gagabayan
nang sa kolehiyo
ako makatapos.
aantaying
ako'y maging handa
at siya'y
ganap kong
tanggaping
kasintahan.
natapos ang pelikula't
ako'y kanyang
inihatid
sa tahanan
namin.
dumaan
ang gabing
halos di ako
dalawin ng antok
pagkat
kilig at ngiti
ang sa aki'y
kumikiliti.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)