Ang Pagbabalik: Pagsusuri

  1. Guniguni
  • Hindi na nakagugulat ang husay ni Huseng Batute sa pagsulat ng tula at ang galing nitong lumimbag gamit ang kanyang guniguni. Nagawa niyang ipakita ang unang perspektibo sa tula na kung saan mapapaisip ka kung ang tula ba ay hango sa totoong buhay. Sa pamamagitan ng kanyang guniguni nagawa niyang mailahad ang bawat kaganapan na maaaring nagaganap nga sa totoong buhay.

 

  1. Sagimsim
  • Totoo mang nangyari ang kuwento sa totoong buhay ng may akda o hindi, mahusay ang pagkakagawa dahil mararamdaman mo ang sakit sa pamamagitan ng mga salitang ginamit lalo pa sa simula noong siya namamalaam sa kanyang panandaliang paglisan hanggang sa pag-uwi na kung saan ang kanyang kabiyak ay tuluyan ang paglisan dahil walang buhay ang kanyang naabutan.

 

  1. Simbolo
  • Batay sa aking pagsusuri ang isa sa naging kapansin-pansing paglalarawan ay ang “panyong puti ang ikinakaway” na siyang nangangahulugan nang pagsuko, pagtatapos at pamamaalam kahit na hiniling ng babae na magbalik agad ang lalaki, maaaring iyon na ang pahiwatig o simbolo ng permanenteng pamamalaam ng kabiyak dahil hindi na niya mahihintay pa ang pagbabalik ng lalaki

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)