Ang Pagsusuri ng kurikulum sa Elementarya
Ang kurikulum ng Elementarya ay kailangan mapaunlad dahil ito ay isa sa pangunahing pangangailangan ng isang tao. Ang kurikulum ay isa sa nagpapadali upang ang paaralan ay maibigay ang responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin, at pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto dahil dito makakatulong ang edukasyonal sa pagpapaunlad ng sitwasyon ng lipunan. (Ragan at Shepherd, 2017) Makikita dito ang kahalagahan na dapat makuha ng bawat mag-aaral hindi lamang sa pagkilala sa asignaturang Filipino pati na rin sa pagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon para sa bawat isa. Ang kurikulum ay isa sa disiplina ng paaralan, mga kalat at kagamitang ginagamit, paggawa ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga, ng pagsusulit at kung ano ang itinuturo ng guro. (Lapatha, 2011) Ang kurikulum ay dapat na angkop para sa lahat ng asignaturang ibabahagi para sa mag-aaral upang makita ang lawak at saklaw ng mga ito. Ang layunin at disenyo na dapat makita sa kurikulum ng Filipino ay maibabahagi din upang maging katawan o lalamanin ng pagsusuri ng kurikulum sa Elementarya.
Ang disenyo ay isa sa mga kailangan upang maimplementa ng
maayos at naaayon sa pangangailangan na dapat ilahad sa mga mag-aaral. Ang
disenyo ng kurikulum ay isa sa mga estratehiya upang ang isang kurikulum ay
organisado at nakatuon sa pag-unlad ng pagkatuto ng mag-aaral, nakatuon din
dito ang kaalaman at kasanayan ng isang mag-aaral upang maging mahusay sa susunod
na hakbang. (Stutt, 2018) Ang Subject-centered curriculum ay isa sa mga
makakatulong na disenyo ng kurikulum dahil ito ay nakatuon sa pagkatuto ng
estudyante. Ang Learner-centered curriculum ay umiikot sa pangangailangan,
interes at layunin ng mag-aaral, binibigyan sila ng kapangyarihan sa
pamamaraang ito upang hubugin ang kanilang interesado sa edukasyon. Ang
Problem-centered curriculum ito ay nagtuturo sa mga mag-aaral upang tumingin sa
isang problema na masosolusyonan sa totoong buhay, sa disenyong ito nakasentro
ang pagkamalikhain, makabagong ideya at ang pakikipagtulungan sa loob ng
silid-aralan. Sa kabuuan ang disenyong ito ay lubos na makakatulong sa
kurikulum at sa mag-aaral upang matulungan sila sa pagkatuto na dapat maituro
sa kanila. Ang lawak at saklaw ng pagsusuring ito ay kung ano ang mga dapat na
maranasan at ipakita ng pag iimplementa ng kurikulum ayon sa pangangailangan ng
mag-aaral ng elementarya dahil dito nagsisimula ang pagkatutuo ng mga
estudyante at makakatulong ito sa pag-angat ng kanilang baiting at lalo pang
lumawak ang kaalaman na mayroon sila at lubos na rin na mahasa ang kahusayan
nila sa bawat antas ng pag-aaral.
Ang layunin ng Edukasyon sa Elementerya ay makakatulong
upang ito ang bigyan ng tuon ng pansin dahil ito ang isa sa makakatulong rin sa
kurikulum para sa mag-aaral sa elementarya. Nilalayong ng edukasyong elementarya na linangin ang
ispirituwal, moral at pisikal na mga kakayahan ng mga mag-aaral; magdulot sa
kanila ng mga karanasan sa demokratikong pamumuhay at ikintal ang kaisipan at
saloobing kailangan para sa isang matalino, makabayan, makatwiran at
kapaki-pakinabang na pamayanan.
Sa ipagkakatamo ng ganitong mga layunin, ang edukasyong elementarya ay
magdudulot ng mga Gawain para sa:
1. Pagkikintal ng mga pagpapahalagang ispiritwal at sibiko at sa
paglinang ng isang mabuting mamamayang Filipino na may pananalig sa Diyos at
may pagmamahal sa kapwa tao;
2. Pagsasanay sa mga kabataan sa kanilang mga karapatan, tungkulin at
pananagutan sa isang lipunang demokratiko para sa isang aktibong pakikilahok sa
isang pagmamahal sa kapwa tao;
3. Paglinang ng pangunahing pang-unawa sa kulturang Filpino, mga
kanais-nais na tradisyon at gawi ng ating mga ninuno at kabutihan ng mga
mamamayan na pangunahing kailangan sa pagkakamit ng pambansang kamalayan at
kaisahan.
4. Pagtuturo ng mga batayang kaalamang pangkalusugan at ang pagtatag ng
mga kanais-nais na gawi at ugaling pangkalusugan;
5. Paglinang ng karunungan sa bernakular, Filipino at Ingles upang
maging kasangkapan sa patuloy na pagkatuto; at
6. Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman, saloobin, kasanayan at
kakayahan sa siyensiya, araling panlipunan, matematika, sining at gawaing
edukasyon at ang matalinong paggamit nito sa angkop na sitwasyon sa buhay.
Ang bawat kasanayan sa
edukasyon ng elemeterya ay isa sa pinakamahalaga nilang matutunan dahil ito ang
siyang makapagpapaintindi at magagamit nila ito upang mailahad ang kanilang
saloobin sa ibang tao lahat ng ito ay isa sa pangunahing kailangan nilang dapat
matutunan sa elementarya. Ang pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng
mensahe mula sa narinig nito sa pamamagitan ng utak ito ay nagbibigay ng
interpretasyon o pag-unawa mula sa narinig nito. (Chua, 2011) dahil dito mas
nabibigyan ng maayos na pag-uusap at pagkakaintindihan ang dalawang mag kausap
dahil isa ito sa mabisang paraan upang magkaunawaan ang dalawang tao. Ang
pagsasalita ay nagbibigay ng pagkakataon na makipagpalitan ng ideya,
makapagsalaysay ng kaniyang naranasan at magbigay ng reaksyon. (Peter, 2015) isa
rin ito sa paraan na maibigay rin natin ang saloobin natin na makakatulong
upang maging maayos ang pakikipagtalastasan natin sa ibang tao. Ang pagsulat ang pagsusulat ay isang sistema ng
interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. (Badayos, 1999) isa
ito sa nagiging isang paraan ng pagbabahagi o paglalahad ng saloobin ng isang
manunulat dahil dito naipapakita nila ang kanilang karanas at gustong sabihin
sa pamamaraan ng malikhaing pagsusulat. Ang pagbasa ay
pagkilala ng mga simbulo o sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon
sa mga ideya o kaisipan na gustong manunulat nailipat sa kaisipan ng mambabasa.
Ito ay nangangailangan ng kakayahang pangkaispan dahil alam ang tunog (ponema)
ng naisulat na letra. (Chua, 2011) isa rin ito sa mabisang pamamaraan upang
maintindihan ang nakasulat sa isang akda at magbigay ng impormasyon hindi
lamang sa mga ibang makrong kasanayan na mayroon tayo.
Sa pagsusuri ng
kurikulum ang kalakasan nito ang pag-unlad sa pagkamit ng kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagsasalita,pakikinig, pagbabasa at pagsasalita na makikita sa
natural na proseso dahil sa pagbibigay ng pansin nito ay lalo pang uunlad ng
pagkatuto ng mag-aaral sa elementarya. Madedebelop din ng mag-aaral sa
elementarya ang kanilang kakayahan sa larangan ng mataas na kritikal at
masining na pag-iisip dahil dito ay magkakaroon sila ng lubos na pokus sa
pag-iintindi ng mga paksang aaralin at lubos silang makakabuo ng maayos at
magandang interpretasyon dito. Makakatulong ito upang lubos na mas mabigyan pa
ng pansin ang dapat bigyan ng pansin ng mga taong mag iimplementa ng kurikulum
hindi lamang sa elementarya kundi sa iba pang antas ng edukasyon. Ang kahinaan
naman ay ang hindi mas nabibigyan ng pansin ang pangunahing pagkatuto ng bawat
mag-aaral lalo na sa makrong kasanayan kaya lubos na karamihan sa estudyante ay
pinapakinggan ang bawat aralin ngunit hindi ito binibigyang intindi. Isa na rin
ang kulang sa gamit pampagkatuto ng mga mag-aaral kayat hindi rin lubos na
nabibigyan ng pundasyon ito ng mga guro, ito dapat ay isa rin sa binibigyan
nila ng pansin lalo na sa mga pampublikong paaralan dahil sa dami ng estudyante
ay hindi na sapat ang mga gamit upang sila ay magkaroon ng sapat na kagamitan.
Ang huli sa kahinaan ay ang basta pagtuturo lamang ng mga guro sa mga paksang
kanilang ituturo hindi nila mas nabibigyang pansin ang lubos na pagkaintindi ng
mga mag-aaral tungkol sa paksang tinuturo kayat dapat na sa bawat estudyante pa
lamang sa unang baiting hanggang ika-anim na baiting ay lubos nilang maituro
ang wika at ang makrong kasanayan dahil ito ang makakatulong sa kanila sa
pag-unlad. Ang dapat baguhin sa kurikulum na mayroon sa elementarya na aking
napapansin ay ang hindi pagtuon ng pansin sa unang wikang dapat matutunan ng
isang mag-aaral dahil ito ay dapat una nilang bigyang halaga at gamitin dahil
ito ang siyang magpapaunlad at magbibigay ng kahalagahan bilang isang Pilipino
dahil ito rin ay ang ating identidad o pagpapakilala bilang isang tao. Isa na
rin ang dapat baguhin ay ang pagpapahalaga pa sa ibang pagkatuto ng mag-aaral
lalo na sa makrong kasanayan dahil ngayon ay karamihan sa kanila ay mahina sa
pagbabasa at pag-iintindi sa mga akdang babasahin kayat mas angkop na ito rin
ang maging isang pokus ng kurikulum lalo na sap ag iimplementa. Bilang isang
magiging guro sa hinaharap mas kailangan parin natin bigyan pansin ang
pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral dahil dito mas uunlad ang
pagkatuto nila sa asignaturang Filipino at lubos na mailalahad at mabibigyang
pansin ang mga nakalimbag na akda o panitikan na mayroon tayo. Sa panahon na
darating ay makikita rin natin ang magandang maidudulot nito ay lubos na
ipagpapatuloy ang importanteng dapat na makamtan ng bawat isa dahil ang
edukasyon ay ang importante at dapat na makamit ng bawat isa sa atin dahil ito
ang makakatulong sa atin sa ngayon at sa susunod pang taon.
Sanggunian:
https://www.slideshare.net/PaulMitchellChua/ang-pagbasa
https://www.pinoynewbie.com/pagsulat/
https://www.slideshare.net/earlgangoso/pagsasalita-filipino-1-ang-komunikasyon-sa-wikang-filipino
https://www.slideshare.net/PaulMitchellChua/ang-pakikinig
https://www.slideshare.net/CharmaineMadrona1/ang-paglinang-ng-kurikulum
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento