Banghay-aralin sa Filipino IV - Balita
BANGHAY
ARALIN SA FILIPINO IV
I.
LAYUNIN
Sa pagtatapos
ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagsusuri ng pangyayaring nakapaloob sa balitang binasa.
b. Nakapag-uulat ng nagawang salaysay tungkol sa larawang nakaatas sa
bawat pangkat.
c. Nakapagbibigay ng sariling opinion ukol sa maidudulot ng binasang
balita para sa mamamayan.
II.
PAKSANG ARALIN
a. Paksa: BALITA
“Pamilyang Cuevas ng Navotas Pinarangalan Bilang Huwarang Pamilya ng
4P’s”
b. Sanggunian: Wika at Pagbasa sa Filipino IV – Pahina 18.
c. Kagamitan: Aklat, Larawan,
Telebisyon/Projector(pagpapanuod ng video), Flash Drive
III.
PAMAMARAAN
|
Guro |
Mag-aaral |
|
A.
Panimulang Gawain a.
Panalangin Tayo’y manalangin Tumayo ang lahat Nicole maari bang ikaw ang manguna sa panalangin? b.
Pagbati Magandang umaga! c.
Pagsusuri ng Lumiban Bago maupo ang lahat maari bang tignan ang ilalim ng upuan kung
may kalat at pakipulot at itapon sa
basurahan. Maupo n ng maayos, mayroon bang lumiban sa klase ngayon? Mabuti at walang lumiban ngayon. d.
Balik- aral Mayroon ba tayong takdang aralin? Kung wala, ano nga ba ang napag-aralan natin noong nakaraang
talakayin? Ano ang pangngalan? Ano ang Pangalang pambalana?magbigay nga ng mga halimbawa? Ano naman ang pangalang pantangi? Magbigay nga ng mga halimbawa? Mahusay ang gagaling nyo at natandaan ang nakalipas na
talakayin. Maupo na ng maayos at may ipapanood akong video. e.
Pagganyak Magpapanuod ang guro ng isang video tungkol sa “Pagkakaisa ng
Pamilya” https://www.powtoon.com/youtube/ pagkakaisangpamilya. · Nasiyahan ba kayo sa inyong napanood? · Ano-ano ang kanilang ginagawa o aktibidad? · Sa paanong paraan nila ipinapakita ang pag-kakaisa ng kanilang
pamilya? Mahusay! · Masasabi bang isa silang huwarang pamilya? Bakit? Magaling! B.
Paglalahad Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa Balita. Basahin ang balita mula sa pahina wika at pagbasa sa Filipino
pahina 18 “Pamilya Cuevas ng Navotas Pinarangalana Bilang Huwarang Pamilya ng
4P’s”. Narito ang mga larawa kung saan nagpapakita ng pangyayari sa binasang
balita.
Pagbibigay parangal sa
pamilya
Mga
kabutihang
ginawa ng Pamilya
Pagtatalumpati ng
Mayor (
PANGKATANG GAWAIN) Panuto: Bumuo ng apat na grupo sa pamamagitan ng pagbilang ng isa,
dalawa, tatlo, apat. Gamitin ang mga larawan upang maisalaysay muli ang
binasang balita gamit ang mga sariling salita. PANGKAT 1: Pagbibigay parangal sa pamilya
PANGKAT
2: Mga kabutihang ginawa ng
Pamilya
PANGKAT
3: Pagtatalumpati ng Mayor
PANGKAT
4: Magbibigay puntos at
komento sa sasalaysay ng bawat pangkat.
Malinaw na ba? Wala na bang katanungan? Kung wala na ay magumpisa na. bibigyan ko kayo ng sampung minute
bago talakayin ang ginawa ng bawat pangkat. C.
Pagtalakay (Pag-uulat ng bawat Pangkat) Mga katanungan: · Ano ang ipinapakita sa larawan? · Ano ang masasabi sa larawan? · Ano ang mensahe ng nasa larawan? Ano ang masasabi ng Pangkat 4 sa pag-uulat ng pangkat 1? Mahusay! Sunod na mag-uulat ay Pangkat 2 Ano ang masasabi ng Pangkat 4 sa pag-uulat ng pangkat 2? Mahusay! Sunod na mag-uulat ay Pangkat 3 Ano ang masasabi ng Pangkat 4 sa pag-uulat ng pangkat 3? Mahusay! Palakpakan nyo ang sarili nyo, napakahusay nyong lahat sa
pagbibigay ng impormasyon at pag-uulat. D.
Paglalahat Ano ang pamagat ng balitang binasa? Saan sila Pinarangalan? Bakit sila pinarangalan? Mahusay! Marunong kayong kumalap ng impormasyon atmagaling ang inyong pagsusuri/pagsasaliksik sa
balitang inyong binasa. E.
Paglalapat sa inyong palagay, mahalaga ba ang isang balita?bakit? Mahusay! Ano ang maidudulot ng binasang balita sa mga mamamayan? Magaling! IV.
Pagtataya Panuto:
Magsulat ng isang balita tungkol sa mga nagaganap sa iyong
kapaligiran. Isulat sa isang buong papel. Kung tapos ng sumagot ay ipasa na ang papel at kopyahin ang
takdang aralin.
V.
Takdang Aralin Isulat sa inyong kwaderno Panuto: Kumalap/pumili ng balita mula sa radio, telebisyon o dyaryo at
sagutan ang mga pangungusap sa ibaba. 1.
Isulat ang buod ng balitang
nakalap. 2.
Itala ang mga pangyayari. 3.
Ilagay sa hulihang talata
ang pinakatampok ng balita 4.
Isulat ang balita ayon sa
tunay na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari nito. 5.
Magbigay ng opinion tungkol
sa nakalap na balita. 6.
Isulat ang buong pangalan ng
tao sa unang pagkakataon. 7.
Ilahad ang mga pangyayari
nang walang kinikilingan. 8.
Banggitin ang pinagmulan ng
impormasyon. |
( Tatayo ang lahat ng estudyante) Nicole: Tayo ay magsitayo na at itungo ang ulo at sabaysabay na
manalangin. Ama naming maraming salamat po sa araw na ito. Amen. Magandang Umaga din po Bb. Kamilan, magandang umaga mga
kamag-aral. ( Ang mga estudyante ay pupulutin ang mga kalat sa ilalim ng
upuan bago maupo at itatapon sa basurahan ang kalat na napulot). Wala po. (sasagot ang mga mag-aaral) Opo! Tungkol po sa Pangngalan · Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari. · May dalawang uri ang pangngalan
ito ay ang pantangi at pambalana. Pangngalang
Pambalana- tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng
tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Di tiyak na pangngalan. Hal. Bata, lapis, siyudad, buwaya Pangngalang
Pantangi- tumutukoy sa tangi o
particular na tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Ito ay tiyak na pangalan. Hal. Anna, Luneta, Mongol (tahimik na manunuod ang mga mag-aaral) (sasagot ang mga mag-aaral) Opo! Masaya silang nagtutulungan,
nakikipaglaro, at nagsisimba. Samasama po sila sa pagsismba at sa paggawa ng gawaing bahay.
Nirerespeto ang bawat isa at nagkakasundo. Opo sapagkat nagpapakita sila ng magandang halimbawa para sa
lahat. ( Tahimik na nakikinig ang
mga mag-aaral sa guro). ( Tahimik na nakikinig ang
mga mag-aaral sa guro). ( Bibilang ang mga mag-aaral). Isa, dalawa, tatlo, apat… PANGKAT 1: Pagbibigay parangal sa pamilya
PANGKAT
2: Mga kabutihang ginawa ng
Pamilya
PANGKAT 3: Pagtatalumpati ng Mayor
PANGKAT 4: Magbibigay puntos at
komento sa sasalaysay ng bawat pangkat.
Opo! Wala na po! (Pag-uulat ng bawat
Pangkat) PANGKAT 1: Pagbibigay parangal sa
pamilya
· Pinaparangalan ang pamilya Cuevas sa programang Family Week. · Ipinapakita sa larawan ang pagkilala sa ginawa ng Pamilya Cuevas
bilang isang huwarang Pamilya. · Nararapat na kilalanin at pahalagahan ang pagiging mabuting
modelo ng isang pamilya upang maging halimbawa din sa ibang pamilya. PANGKAT
4: 5 palakpak Napakahusay ng inyong pag-uulat. Naibigay ang wastong
impormasyon ng nasa larawan at maayos na naiulat ang paksang ibinigay sa
pangkat 1. PANGKAT
2: Mga kabutihang ginawa ng Pamilya · Mga larawan na nagpapakita ng mga magagandang ginawa ng Pamilya
Cuevas. · Ipinapakita sa larawan kung ano ang mga nararapat na gawin ng
isang mag-anak o pamilya. · Ang pamilyang nagkaka-iisa, may takot sa Diyos, nagmamahalan at
nagtutulungan ay pagpapalain ng Maykapal at magtatagumpay. PANGKAT
4: 5 palakpak Napakahusay ng inyong pag-uulat. Naibigay ang wastong
impormasyon ng nasa larawan at maayos na naiulat ang paksang ibinigay sa
pangkat 2. PANGKAT
3: Pagtatalumpati ng Mayor · Larawan ng ni Pasay City Mayor Antonio Calixto na nagbibigay ng
mensahe o talumpati sa mga tagapakinig sa isang programa ng DSWD. · Ang larawan ay nagpapakita ng pagpapasalamat ng Mayor sa programa
at pagparangal kasabay ang pagbibigay mensahe para sa kapwa. · Ang impluwensya ng nakatataas at sa likod ng programang 4P’s ay
gamitin natin sa paghimok ng mga mamayaman upang gumawa ng kabutihan pa at
maging inspirasyon sa iba.. PANGKAT 4: 5 palakpak Napakahusay ng inyong pag-uulat. Naibigay ang wastong
impormasyon ng nasa larawan at maayos na naiulat ang paksang ibinigay sa
pangkat 3. · Pamilya Cuevas ng Navotas, Pinarangalan bilang Huwarang Pamilya
ng 4P’s -ni Lucy F. Brono · Lungsod ng Quezon sa programa ng DSWD para sa mga benipisyaryo
ng 4P’s. · Sapagkat sila ay nagpakita ng pagiging maabilidad, na sa kabila
ng kakarampot na kita ay nasuportahan ang kanilang pangangailang mag-anak at
kasabay nito ang pagiging aktibi sa mga aktibidad sa komunidad. · Opo! Sapagkat nagbibigay ito ng dagdag na karunungan, at
nagpapalawak ng kaalaman tungkol sa paligid. Ito rin ay nagpapabatid sa takbo
ng panahon at kalagayan. At nagbibigay ng impormasyon kinakailangan natin
tungkol sa mga pangyayari sa ating paligid. · Ito ay makakapagdulot ng inspirasyon upang mas lalong gumawa ng
kabutihan at magkaisa ang Pamilya. ( ang mga mag-aaral ay
magsusulat ng balita tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa kanilang
kapaligiran) ( Ipapasa na ang papel sa
unahan) ( Maglalabas ng Kwaderno ang
mga mag-aaral at kokopyahin ang takdang aralin). Panuto: Kumalap/pumili ng balita mula sa radio, telebisyon o dyaryo at
sagutan ang mga pangungusap sa ibaba. 1.
Isulat ang buod ng balitang
nakalap. 2.
Itala ang mga pangyayari. 3.
Ilagay sa hulihang talata
ang pinakatampok ng balita 4.
Isulat ang balita ayon sa
tunay na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari nito. 5.
Magbigay ng opinion tungkol
sa nakalap na balita. 6.
Isulat ang buong pangalan ng
tao sa unang pagkakataon. 7.
Ilahad ang mga pangyayari
nang walang kinikilingan. 8.
Banggitin ang pinagmulan ng
impormasyon. |
Inihanda ni:
Hasna A.
Kamilan
BEED 2-1
(Student)
Iwawasto ni:
Bb. Janet
Antiola
Guro-Pagtuturo
ng Filipino sa Elementarya
EAC-Cavite














Mga Komento
Mag-post ng isang Komento