Code Switching

 Malaki ang epekto ng pagkakaroon ng dalawa o higit pang wika sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa upang magkaintindihan. Lalo na sa iba’t ibang antas ng Edukasyon ang mayroon tayo, iba’t ibang lugar na pinanggalinagan, iba’t ibang kasarian, katayuan sa buhay, iba’t ibang social media na din ang ating ginagamit sa bagong paraan natin ng pakikipagkomunikasyon kung saan laganap na ang modernisasyon at maraming pagbabago. Isa na dito ay ang pagbabago natin ng paraan ng paggmit ng wika depende sa kung sino ang ating kausap na tinatawag na code switching. Ayon sa napanuod na bidyo na may pamagat na Sociolinguistics: Crash Course Linguistic #7 sa Youtube, ito ay pag-aaral sa mga barasyon at barayti ng wika kung paano nakikipagkomunikasyon ang tao sa kanilang lipunan o lugar na ginagalawan at sa paggamit ng kanilang diyalekto. Isa sa barasyon at barayti ng wika ay ang code switching na ayun sa tagapagsalita nagbabago ang paraan niya ng paggamit ng wika sa kapag pamilya niya ang kanyang kausap o hindi kaya sa mga taong nakakasalamuha niya sa New York City. Isa sa halimbawa niya ay ang paggamit ng salitang Bubbler sa kanyang pamilya at Water Fountain naman sa kanyang mga nakakasalamuha upang maintindihan nila ang isa’t isa sa espisipikong bagay o salita na nais niya ipahayag. Sa paggamit ng code switching kung saan maiuugnay ko ang paraan ng paggamit ko ng salitang “lola at lolo” at “nanay at papa”. Kilala ang salitang lola at lolo bilang pantawag sa mga nakakantada kaya ito ang salitang aking ginagamit sa aking mga kamag-aral, kaibigan, kakilala at maging sa paaralan kung saan mayroon iba’t ibang gawain o aktibidad na maari kong mailalarawan ang kanilang katangian sa paggamit ng salitang lola at lolo. Ngunit pagdating sa aming lugar at tahanan o pamilya tinatawag namin ang mga nakakantanda bilang nanay at papa bilang tanda ng aming kinasanayan o kinalakihang katawagan sa mga nakakatanda kahit pa kilala ang katawagan na nanat at papa bilang paglalarawan sa atin mga magulang. Ang pagbabago o pagpapalit ng salitang lola at lolo ay bunga ng kinasanayan ng aking nanay at papa sa kanilang pinagmulang lugar sa bicol na katawag sa mga nakakantanda.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)