Dialectology

Sa pagtalakay ng pagkakaiba-iba ng wika ay matatalakay ring bahagya ang dialectology. Ito ay tumutukoy sa pang-agham na pag-aaral ng mga diyalekto o ang pagkakaiba-iba sa rehiyon ng wika batay sa partikular na katangian ng pagsasalita sa pagitan ng mga rehiyon na mayroong iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika. Dito pumapasok ang aspeto ng lokasyon o lugar. Dahil sa kalagayang heograpikal ay nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika. Samantala, ang diyalekto naman ay ang barayting tawag sa wika nalilikha sa dimensyong heograpiko na kung saan ay ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook. Isa sa halimbawa na nabanggit ay ang wikang ginamit sa mga lugar sa Switzerland at Papua New Guinea kung saan ay maituturing na isang rehiyon na binubuo ng iba’t ibang bayan na mayroong barayti at baryasyon ang batay sa diyalekto kahit na iisang wika ang umiiral sa lugar na ito. Malinaw na nagpapakita ito ng pagkakaiba-iba ng wika batay sa gamit ng taong nagsasalita nito at sa lugar o lokasyong kanyang kinabibilangan.

Maihahambing ang halimbawang ito sa wikang mayroon ang ating bansa partikular sa Rehiyon IV-A CALABARZON kung saan Tagalog ang pinakatampok na wika ang ginagamit ng mga tao kahit na magkakaiba ang lalawigan o bayan na kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon iba’t ibang diyalekto, ang Tagalog ay nagkakaroon ng katangiang sosyo-sitwasyunal na nakatutulong sa pagkilala sa isang natatanging barayti at baryasyon ng wika. Ang mga ito ay nagkakaiba-iba batay sa uri, bigkas, tono, haba. Diin at anyo ng salitang gamit sa isang partikular ng lugar. Gayundin, ito ay maaring makilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set o bokabularyo kundi maging sap unto o tono at sa istruktura ng pangungusap. Maihahalimbawa rito ang mga diyalekto ng Tagalog na nakabatay ayon sa iba’t ibang lugar ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite at Tagalog-Rizal.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)