Kahalagahan ng Pananaliksik sa Mag-aaral

  Kahalagahan ng Pananaliksik sa Mag-aaral

(Halimbawa)

 Kahalagahan ng pananaliksik sa akin bilang mag aaral ay isang malaking kapakinabangan ito dahil bukod sa pinalalawak nito ang aking kaalaaman sa ibat ibang larangan nakatutulong din ito para sa proseso ng pagpapayabong ng aking personal na teknik ukol sa maraming bagay, dahil proseso ito kung saan hinahayaan ang mag aaral na katulad ko na bumuo ng mga sariling desisyon o pagkilos tungo sa isang makabuluhang bagay. Marami din itong kasanayan na hinuhubog gaya ng pagoobserba, pagiisip at matalinong pagkilos.

       Sa kabilang banda bilang guro naman sa hinaharap ang kaalaman sa pananaliksik ay isang matibay na pundasyon para sa matagumpay na proseso ng pagtuturo. Maaari itong maging gabay o patnubay ko bilang guro sa hinaharap lalo na sa mga di inaaasahang sitwasyon o suliranin na maaari kong kaharapin. Ang pananaliksik din ay isang instrumento para sa mga guro upang mahubog pa o mapagyabong pa ang katangian o kakayahan kung saan nagiging daan din upang makapag hatid ng mas may kalidad na edukasyon.

       At huli ang kahalagahan ng pananaliksik sa lipunang ating ginagalawan ay nagbibigay daan ito tungo sa maraming positibong pagbabago at pagunlad. Isa itong malawak na eksplorasyon kung saan nagdadala ng kapakinabangan sa lipunan at maaaring sumagot sa pangangailangan ng mga tao. Ang resulta ng mga pananaliksik ay nagdadala din ng maraming oportunidad sa lipunan upang maisulong ang kaayusan, katahimikan at pag-unlad. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)