Kahalagahan ng Pananaliksik

  KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

  1. Bilang Mag-aaral - ang pananaliksik ay maituturing na mahalagang sangkap sa lubusang pagkahubog ng kamalayan at kaalaman ng bawat mag-aaral sapagkat ito ang aming magsisilbing tuntungan upang mapaunlad ang kritikong kaisipan at malinang ang lubusang pagkatuto batay sa pang-akademikong aspekto.
  2. Bilang Guro sa Hinaharap - ang pananaliksisik ay magsisilbing lundayan ng aming propesyon bilang guro sa hinaharap sapagkat ito ang magiging gabay bilang paghahanda sa karerang pinili na magiging repleksyon ng mas malawak na saklaw na kaalaman na magagamit sa pagtuturo.
  3. Sa Lipunan - mahalaga ang pananaliksik sa lipunan sapagkat ito ang nagbibigay na kalamayan sa bawat kasapi ng mamamayan na nagdudulot ng pangkalahatang kabatiran at kaalaman hinggil sa mga isyung umiiral sa lipunang ginagalawan. Gayundin, ang pananaliksik bilang pangunahing pamamaraan sa pagtataguyod ng isang matatag na lipunan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)