Kahapon, Ngayon at Bukas Ni Maricor (Pagsusuri)
A.
Sining ng Pagtula
1.
Sukat- Ang tulang ito ay maituturing na walang
sukat. Mayroong bilang pantig ngunit hindi pare-pareho. May iilan na pareho ang
bilang ng pantig ng dalawang taludtod sa loob ng isang saknong, ngunit sa
kabuuan ay nagtaglay ang bawat taludtod at saknong ng iba’t ibang bilang ng
pantig.. Nasa ibaba ang naging pormat ng aking pagsusuri ng sukat o bawat
pantig sa loob ng bawat taludtod
Unang Saknong: 18-14-12-16
Ikalawang Saknong:
3-11-12-11-13
Ikatlong Saknong:
17-15-18-16
Ikaapat na
Saknong: 2-14-18-15-17
Ikalimang Saknong:
13-14-11-16
Ikaanim Saknong: 2-11-17-11-17
Ikapitong Saknong:
13-17-16-21
Ikawalong Saknong:
16-18-12-15
2.
Tugma- Maituturing na may
tugma ang isang tula kapag magkakapareho ang tunog ng dulo ng dalawa o higit
pang taludtod. Hindi lamang titik ang nauulit kundi ang tunog o ang ponema. Sa
tulang ito hindi pare-pareho ang tugmang aking natagpuan. Narito ang aking
suri:
· Unang Saknong: ang tugmaan ay maituturing na tugma sa
patinig o tugmaang ganap dahil ito ay nagtatapos sa patinig. Makikita na mayroong
a-a-a-a na siyang matatagpuan sa dulo ng bawat taludtod sa unang saknong.
· Ikalawang Saknong: ang tugmaan naman nito ay
maituturing na tugma sa katinig o
tugmaang di-ganap na pumapasok naman sa unang lipon kung saan napabilang ang
mga katinig na g-g-g-g na siyang
nasa dulo ng mga taludtod sa ikalawang saknong ng tula.
· Ikatlong Saknong: ang tugmaan ay maituturing na tugma
sa patinig o tugmaang ganap dahil ito ay nagtatapos sa patinig kahit na ito pa
ay may kasamang katinig. Makikita mayroong n-a-n-a na siyang matatagpuan
sa dulo ng bawat taludtod sa ikatlong saknong.
· Ikaapat na Saknong: ang tugmaan naman nito ay
maituturing na tugma sa katinig o tugmaang di-ganap na napabibilang naman sa
unang lipon at ikalawang lipon kung saan makikita ang mga katinig na n-t-t-n-n na siyang nasa dulo ng mga taludtod sa
ikaapat saknong ng tula.
· Ikalimang Saknong: ito ay maituturing rin na tugma sa
katinig o tugmaang di-ganap na pumapasok naman sa ikalawang lipon kung saan isa
ang mga katinig na y-y-y-y na
siyang nasa dulo ng mga taludtod sa ikalimang saknong ng tula.
· Ikaanim na Saknong: ito ay maituturing rin na tugma sa
katinig o tugmaang di-ganap na napabibilang naman sa unang lipon at ikalawang
lipon kung saan kasama ang mga katinig na s-y-n-y-n na siyang nasa dulo ng mga taludtod sa
ikaanim na saknong ng tula.
· Ikapitong Saknong: Ito ay nagtataglay rin ng tugma sa
katinig o tugmaang di-ganap na pumapasok naman sa ikalawang lipon kung saan
napabilang ang mga katinig na n-n-n-n
na siyang nasa dulo ng mga taludtod sa ikapitong saknong ng tula
· Ikawalong Saknong: ang tugmaan naman nito ay
maituturing na tugma sa patinig o tugmaang ganap dahil ito ay nagtatapos sa
patinig kahit na ito pa ay may kasamang katinig. Makikita mayroong n-n-i-i
na siyang matatagpuan sa dulo ng bawat
taludtod sa ikawalong saknong.
3.
Sensura- ito ay ang
pansamantala o bahagyang pagtigil sa gitnang bahagi ng taludtod na mayroong
labindalawa at labinwalong pantig sa loob ng isang taludtod. Ang tulang ito ay
walang sukat o hindi pareho-pareho ang sukat. Narito ang aking sipi na nilagyan
ng sensura.
Noong hindi pa
laganap/ ang makabagong teknolohiya,
Kabataan
ang/ naatasang maging pag-asa
Ang
dugong sa ati’y/ mag-aahon sana
Ngayo’y
tila katunggali/ ng sarili nating wika.
Kahapon…
Pangungusap
ay/ kulang sa katinig
Minsan
pa nga’y/ kinapos din sa patinig
Bukod
sa ‘di/ maganda sa pandinig
Para
itong awit na/ wala namang himig.
Hindi
naman nagkulang/ sa turo ang mga guro natin
Wikang
Filipino’y/ bukambibig na pagyamanin
Dahil
sa impluwensiya/ ng makabagong teknolohiya,
Naging
kulang o sobra/ ang itinitipang salita.
Ngayon…
Biglang
nahumaling/ ang ilan sa pagsusulat
Ngunit
kaalaman/ sa Wikang Filipino/ ay tila salat
Mga
kuwentong banyaga/ ang madalas basahin
Mas
saulo pa nila ang ingles/ kesa sa wika natin.
Sa
pagsulat ng pormal/ na pagsasalaysay
Ano
bang maiintindihan/ kung puro sablay?
Kailan
malalaman/ ang tamang baybay,
Sa
pagsulat ng kuwentong/ ginagamitan ng banghay?
Bukas…
May
pag-asa pa/ kayang naghihintay
Sa
mga kabataang/ mabilis maimpluwensiyahan?
Magkakaroon
pa/ kaya ng saysay
Ang
dugo’t pawis ng lahi/ natin sa pakikipaglaban?
Mababago
pa kaya/ ang nakasanayan
Wikang
Filipino’y /yayakapin na ba ng kabataan
O,
bubulukin na lang/ sa tambakan ng nakaraan
Kung
saan natatabunan ng mga/ bagong sa internet natutunan?
Hanggang
kailan aahon/ sa pusali ng kamangmangan
Hanggang
saan tayo dadalhin/ ng makamundong kaganapan?
Sariling
wika,/ huwag sanang isantabi
Ito
ang patunay ng/ tagumpay ng ating lahi.
4.
Saknong- ito ay ang grupo
sa loob ng isang tula na binubuo ng dalawa o higit pang linya o taludtod. Sa
kabuuan ng tula, mayroon itong walong saknong na binubuo ng limang quatrain o apat
na taludtod bawat isang saknong at tatlong quintet o limang taludtod sa bawat
saknong.
5.
Aliw-iw o Indayog-
Kung
babasahin ang tula na Kahapon, Ngayon at Bukas
sa
tulong ng sensura, nagkakaroon ng Indayog o taas-babang pagbigkas. Dahil sa
ito’y makabagong anyo ng tula maaaring mas malaro pa sa taas-baba ang indayog
ng pagbigkas sa piyesa na ito
6.
Larawang Diwa- ito ang mga
salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa. Sa tulang ito ang mayroong malinaw at tiyak na larawan sa
aking isipan ay ang:
Noong hindi pa
laganap ang makabagong teknolohiya,
Kabataan
ang naatasang maging pag-asa
Ang
dugong sa ati’y mag-aahon sana
Ngayo’y
tila katunggali ng sarili nating wika.
Kung
susuriin malinaw ang mensaheng nais ipahatid, huwad at hindi malalim ang mga
salitang ginamit. Malinaw na ito’y nakabuo ng larawan ng kasaysayan sa aking
isipan.
7.
Simbolismo- ito ang mga salita
sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
Wika- hindi lamang bilang literal na gamit natin sa
pakikipagtalastasan kundi wika na sumasalamin sa ating pagkakakilanlan, sa
ating kaalaman, sa pagiging makabayan at dapat na pagmamahal at pagpapahalaga
natin sa ating wikang nakagisnan.
8.
Talinghaga- ito ay sangkap ng
tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula o ‘di kaya’y ito ang ‘di
tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit.
Walang
tayutay o malalim na salita ang matatagpuan sa kabuuan ng tula. Marahil ang
tula na ito ay nasa anyong makabago at huwad ang paglalahad hindi na
kinakailangan pa na laruin ang mga salita.
9.
Persona- ito ang
nagsasalita sa loob ng tula o isang teksto. Sa tulang ito ang nakikitang persona
ay isang mag-aaral na mayroong pagmamalasakit sa Wika.
B.
Mga Teoryang
Pampanitikan
1.
Teoryang Humanismo
Ang layunin ng tula ay ipakita na ang kakayahan
ng tao, kanyang kaisipan at pagpapahalaga. Sa tula nabanggit ang mga gawi noon
ng tao noong wala pang teknolohiya at kung ano ang dapat taglayin at piliin ng
mga kabataan sa kasalukuyan. Binibigyang tuon ang pagpapahalaga sa wika na
dapat isa sa maging katangian ng kabataan sa kasalukuyan.
2.
Teoryang Realismo
Ang layunin ng
panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Ang mga nabanggit sa tula ay tunay namang
nagaganap sa kasalukuyan.
3.
Teoryang Imahismo
Ang layunin ng
panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng makata na higit na
madaling maintindihan ngunit siya ay gumamit ng pagbabalik tanaw at pagsilip sa
hinaharap na ginagamitan ng imahe upang maunawaan ang kanyang nais iparating.
C.
Kabuuang Sariling
Puna
Sa kasalukuyan
marami na sa kabataan ang nahihilig sa Poesya ngunit karamihan sa mga nasusulat
na piyesa sa ngayon ay nasa makabagong anyo na at kadalasan ay hindi na taglay
ang elemento ng Tradisyunal na tula. Ang tula na ito ay walang sukat ngunit may
tugma. Mahusay ang pagkakagawa ngunit huwad at ang ibang salita ay palasak na
at madalas ring gamit sa tula ng iba. Kung minsan sa kagustuhan nating maging
maganda ang tunog o magkaroon ng tugma ang ating tula ay nakakalimutan na natin
ang ugnayan ng mga salita na siyang napuna ko sa tula na ito. Mayroong mga
salita na hindi umaakma.
Ang una hanggang
sa ikatlong saknong ay inilarawan kung ano ang katangian, gawi, at eskpestasyon
sa mga kabataan. Balik tanaw sa hindi pa naisisilang ang makabagong teknolohiya
at kung paano ang wika’y magsisilbing sandata sana. Maging wika natin ay nabibigyang halaga pa at ang
pagmumulat sa atin ng mga guro na ang Wikang Filipino ay pagyamanin.
Sa
ikaapat hanggang ikalimang saknong, ito ay paglalarawan sa kasalukuyan. Marami
ang mahilig magdebuho ng mga sulatin ngunit hindi sapat ang kaalaman sa wika,
estruktura, gramatika at bantas. Ipinahahayag rin sa tula ang mga napabibilang
sa kulturang popular na kinahuhumalingan ng mga kabataan na may kinalaman sa
kultura, wika at gawi ng mga banyaga.
Mula
naman sa ikaanim hanggang sa ikawalo o huling saknong, ang makata ay sumisilip
sa hinaharap. Binabakas kung ang wika ba’y mabibigyan na ng kahalagahan,
magiging matagumpay ba ang mga paglalaban mula sa nakaraan. At kung ang mga
kabataan pa ba ang pagiging pag-asa ng bayan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento