Karunungang-bayan
- Salawikain
- Ang kabutihan ng ugali
ay lalong higit sa salapi.
- Kung sa apoy sinusubok ang tigas ng sandata,
sa panganib nakikita ang tapat na kasama.
- Bugtong
- Duwag ako sa isa Sagot: tulay
Matapang ako sa dalawa.
- Balong malalim Sagot: bibig
Puno ng patalim.
- Sawikain
- Galit sa pera
Kahulugan: Gastador
Halimbawa: Ang asawa ni Petra ay parang laging galit sa pera tuwing araw ng swelduhan.
- Hindi madapuan ng langaw
Kahulugan: Sobrang pinoprotektahan
Halimbawa: Hindi madapuan ng langaw ang batang iyan.
B. PANUTO: Paghambingin ang mga sumusunod.
- Salawikain-Sawikain
- Parehong kasabihan o nagsisilbing pahiwatig ang Salawikain at Sawikain. Ang Salawikain ay kadalasang nagbibigay-aral sa buhay at ito ay kadalasang dalawa o higit pang linya at kung minsan ay mayroon ring sukat at tugma. Ang Sawikain naman ay kilala rin bilang idyoma na kung saan may pahayag o mga salitang ginagamit upang magbigay ng mas malalim o hindi literal na mensahe.
- Bulong-Bugtong
- Parehong bahagi na ng kasaysayan ang Bulong at Bugtong. Ang Bulong ay nabuo dahil sa mga paniniwala ng mga nakatatanda. Pinaniniwalaan na ang bulong ay dapat gawin sa mga patay kung saan maaari kang bumulong ng mga kahilingan o hinaing. At maaari ring itong gawin o banggitin upang magbigay galang sa mga hindi nakikitang elemento. Ang bugtong naman ay isang palaisipan na kung minsan ay mayroon ring sukat at tugma. Kadalasang inilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
- Panunudyo-Talinghaga
- Parehong nasa ilalim ng Panulaan ngunit ang Panunudyo ay isang tula o pahayag na ginawa upang manukso, mang-insulto o mang-uyam habang ang Talinghaga naman ay maaring tula o pahayag na may aral
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento