Mala-masusing Banghay-aralin

 

IKASAMPUNG BAITANG

I.               LAYUNIN

Matapos ang talakayan tungkol sa parabulang “Mensahe ng Butil ng Kape”, ang mga mag-aaral sa Ikasampung Baitang ay inaasahang:

a.     Nasusuri ang nilalalaman ng paranulang napanood at napakingan kabilang ang tauhan, pangyayari at kaisipang nakapaloob rito.

b.     Nakatatamo ng kawilihan at lubusang pag-unawa sa pamamagitan ng pag-ugnay sa sariling karanasan o saloobin batay sa napakinggan at napanood na parabula.

c.     Nakalilikha ng replektibong salaysay batay sa napakinggan at napanood na parabula sa pamamagitan ng kasanayan sa pagsulat.

 

II.            PAKSANG ARALIN

A.    Paksa:             Akdang Pampanitikan: Parabula

B.    Pamagat:        Mensahe ng Butil ng Kape

“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”

Isinalin sa Filipino ni Wilita A. Enjiro

C.    Mga Sanggunian:     

1.     Ambat, V. C., et. al. (2015). Panitikang Pandaigdig: Parabula ng Mensahe ng Butil ng Kape. (1st ed., pp. 50-51). Kagawaran ng Edukasyon.

2.     Hazel U. (2020, October 18). Mensahe ng Butil ng Kape. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=y2pT-zH51bw

 

D.    Kagamitang: Video Clips, Laptop, Power Point Presentation

E.    Kasanayan  : Pakikinig at Pagsulat

 

III.          PAMAMARAAN

A.    Panimulang Gawain

1.     Panalangin

2.     Pagbati

3.     Pagtsek ng mga nagsidalo at lumiban ng klase

4.     Pagsasaayos ng klase

5.     Balik-aral

Bilang pagbabalik-aral, gamit ang estratehiyang Webbing ay magbibigay ang mag-aaral ng mga impormasyon na natalakay tungkol sa katangian ng akdang pampanitikan na maikling kwento.

 

6.     Pagganyak

Makinig Tayo!

·       Ang guro ay magpapakinig ng isang awitin sa mga mag-aaral na may kaugnayan sa aralin na tatalakayin. (https://www.youtube.com/watch?v=PYVqqvr5y7Y0).

·       Habang nakikinig, ang mga mag-aaral ay tahimik na magbibigay ng sariling realisasyon mula sa awiting napakinggan.

·       Pagkatapos makinig, ilalahad ng guro ang kaugnayan ng awitin sa paksang tatalakayin.

 

B.    Paglalahad

1.     Yugto ng Pagkatuto. Bago magsimula ang pakikinig at panonood sa parabula ng “Mensahe ng Butil ng Kpape”, ang guro ay magpapakita ng mga larawan sa mga mag-aaral. Ang larawan ay may kinalaman sa kwentong pakikinggan at paksang tatalakayin upang magkaroon ang mga ito ng paunang kaalaman.

           

          

2.     Pagkilala sa Aralin. Bago magsimula ang pakikinig, ang guro ay magkakaroon ng pahapyaw na pagtalakay sa kahulugan, kaligirang pangkasaysayan at elemento ng parabula. Pagkatapos, iparirinig at ipanonood sa mga mag-aaral ang halimbawa ng parabulang tatalakayin sa pamamagitan ng video clips. Maari ding ipabasa sa mga piling mag-aaral ang mga bahagi ng kwento at ang iba naman ay makikinig. Ang pamagat ng parabulang tatalakayin ay “Mensahe ng Butil ng Kape” na hango kwentong “The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean at isinalin sa Filipino ni Willita A. Enjiro. Ang parabulang ito ay mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA.

 

C.    Pagtalakay

Matapos ang paglalahad sa parabula ng “Mensahe ng Butil ng Kape”, ang guro at mga mag-aaral ay magkakaroon ng think-pair-share bilang pagtalakay at pagpapalawig sa paksang napanood at napakinggan.

 

Mga gabay na tanong at estratehiya sa pagtalakay ng kwento:

1.     Suriin ang mga pangunhing tauhan sa akdang “Mensahe ng Butil ng Kape”. Tukuyin at ilarawan ang katangian ng mga ito. (Organizational Map)

 

MGA KATANGIAN NG TAUHAN

 


 


BUTIL NG

KAPE

CARROT

ITLOG

                                                                        

                                                                      

                                                                                  

 

2.     Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?

3.     Sa inyong palagay, ano ang kahulugan ng sinisimbolo ng kumukulong tubig sa kwento?

4.     Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anal ng maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Bakit?

5.     Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?

 

D.    Paglalahat

Bilang paglalagom sa tinalakay na aralin, ang guro ay mapapakita ng mga larawan na magiging batayan ng mga mag-aaral sa lubusang pag-unawa sa kwento sa pammagitan ng pagsasabuhay ng mensaheng ipinaparating mula parabula ng “Mensahe ng Butil ng Kape”.

 

 

                                                                     

MENSAHE

 


                                                                       

 

 

Tanong:

1.     Sa iyong palagay, anong mensahe ang nais ikintal ng parabulang “Mensahe ng Butil ng Kape” na maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, kaibigan at lipunan?

 

 

E.    Paglalapat

Gawaing Pagkatuto: Sino Ako?

Panuto: Sumulat ng Replektibong Salaysay mula sa mga pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging kalagayan ng mga tauhan sa binasang parabula. Magtala ng natutunang aral at mensahe sa pangyayari sa buhay. Gamitin ang grapikong presentasyon sa pagsasalaysay ng mga pangyayari. Isulat ito sa isang buong papel at gawin ito sa loob lamang ng 10 minuto. Pagkatapos, ang guro ay pipili ng isang mag-aaral na magbabahagi sa harap ng buong klase.

 

Ang aking sarili…

 

 

 


CARROT

  

ITLOG

MENSAHE

BUTIL NG KAPE

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Ang guro ang siyang magbibigay ng grado sa bawat mag-aaral gamit ang pamantayan sa ibaba.

MGA PAMANTAYAN

BILANG NG PUNTOS

 

Maayos ang gamit ng mga salita at estruktura ng pangungusap.

5 Puntos

Malinaw na ipinahahayag ang sariling kaisipan at damdamin sa pasulat na gawain.

5 Puntos

Kaugnayan ng ginawang salaysay sa tinalakay na paksa.

5 Puntos

KABUUANG PUNTOS

15 PUNTOS

F.    Pagtataya

Panuto. Kumuha ng kalahating bahagi ng papel at sagutan ang mga katanungan sa loob lamang ng 5 minuto.

 

I.      Identipikasyon

_____ 1. Sino ang nagsalin sa Filipino ng parabulang “Mensahe ng Butil ng Kape”.

_____ 2. Ano ang dalawang karanasan ang ipinagmamaktol ng batang lalaki sa knayang ama habang siya ay nagbubungkal ng lupa?

_____ 3. Sa una ito ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit, matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ano ito?

_____ 4. Ang ____ na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay nagging matigas matapos mapakuluan.

_____ 5. Batay sa kuwento, saan sumisimbolo ang kumukulong tubig?

                        II. Enumerasyon

Anu-ano ang ginamit na representasyon ng ama sa kanyang anak upang bigyan ito ng pangaral tungkol sa buhay?

                              6.

                              7.

                              8.

Batay sa parabulang napakinggan, magtala ng dalawang gintong aral na inyong naputol mula sa kwento.

                              9.

                              10. 

 

IV.          TAKDANG-ARALIN

Panuto. Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentasyon. Isulat ito sa short bondpaper.

3.     Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula? Nakatutulong ba ang pag-unawa sa mensahe sa paglikha sa bansang pinagmulan nito?

PARABULA

 

 


KAHALAGAHAN

PAG-UNAWA

 

 

 

 

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)