Paano pumili ng paksa sa pananaliksik?

  Ang aking unang ginawa upang makabuo ng paksa o pamagat ay itinala ko muna ang mga salita o sitwasyon na nais kong bigyan ng pansin gaya ng mga sumusunod;

  • Filipino
  • Ingles at Tagalog Isyu
  • Pandemya
  • Libro at Internet
  • Kaugalian ng mga Mag-aaral
  • Sanggunian
  • Kahalagahan
  • Pokus o Atensyon
  • Guro sa Filipino

Matapos nito ay nagtala na ako ng mga tanong kung saan doon ako iisip ng nais na Pamagat.

  1. Paano nabibigyang-halaga ang libro sa Filipino ngayong pandemya kung mayroon ng teknolohiya?
  2. Ano ba ang kadalasang sanggunian ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino?
  3. Paano nabibigyan ng atensyon ng mga mag-aaral ang pag-aaral ng Filipino?
  4. Ano ang mga ginagawa ng mga guro sa Filipino upang maipahayag nang maayos ang impormasyon sa mga mag-aaral?
  5. Paano nakasisiguro na may natutunan ang mga mag-aaral sa  pag-aaral ng Filipino?
  6. Ano na nga ba ang nabibigyang-pansin ngayon upang pag-aralan? Ingles o Tagalog?

Ang aking napili ay ang una at pang-apat;

Mga posibleng pamagat:

  1. Kahalagahan ng Makabagong Teknolohiya sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa sa mga Mag-aaral sa Sekondarya na edad 12-16 sa Paaralang Congressional Integrated High School.

Panahon – 2020-2021

Kasarian – Babae at Lalaki

Edad – 12-16 yrs old

Uri o anyo – Penomenolohiyang pag-aaral

Lugar – Public school (CIHS)

Pangkat o grupo – Junior High School

 

 

  1. Para naman sa aking pangalawa ay kumunsulta ako sa aking guro noong ako ay nasa ika-sampung baitang upang itanong ang mga suliranin na naranasan magmula ng pandemya na may kaugnayan sa kaniyang pagtuturo sa Wikang Filipino at ito ang kaniyang naging mga kasagutan;

1. Hindi gaanong ganap ang pagkatuto ng mag-aaral sa paksang panlinggwistika.               2. Hirap sa pagsulat ng sariling akda at pagpapaliwanag ang ilang mag-aaral kahit na may ibinigay na pamantayan sa pagsulat.                             

3. Maraming hindi marunong magsulat ng kabit-kabit o cursive kahit nasa ikasampung baitang na.

Pamagat sa Pangalawa: Ang Kahalagahan ng mga Sanggunian sa Pagtuturo para sa mga Guro ng Wikang Filipino ng Sekondarya sa Paaralang Congressional Integrated High School sa taong 2020-2021.

Panahon – 2020-2021

Kasarian – Babae at Lalaki

Edad – 30-40 na taong gulang

Uri o anyo – Penomenolohiyang pag-aaral

Lugar – Public school (CIHS)

Pangkat o grupo – Mga guro ng Wikang Filipino

Ang pagpili ng paksa o pamagat ay isa sa pundasyon ng pananaliksik dahil ito ang magiging susi sa susunod na hakbang. Kinakailangan na tiyak at sigurado ang mapipili upang hindi pagsisihan at mahirapan sa proseso.

Ito ang aking mga napiling pamagat dahil unang-una ayoko na lamang lumayo sa paksa ng edukasyon dahil nais ko na mas matutunan pa at magkaroon ng kaalaman sa kung ano nga ba ang sitwasyon na mayroon sa Wikang Filipino lalo na ngayong may pandemya. Gusto ko rin malaman ang mga opinyon at karanasan ng aking mga guro sa Filipino sa kung paano sila magturo sa Sekondarya lalo na't laptop lamang ang kaharap. At base na rin sa aking napagtanungan na guro, mas gusto ko pa saliksikin ang kalagayan ng mga guro at kung paano nila nabibigyang solusyon ang mga suliranin.

Hindi naging madali ang aking pag-iisip at paghahanap ng maaaring pamagat ng aking pananaliksik dahil marami itong kinakailangan na ikonsidera upang masabing tugma at naaayon ang pamagat para sa panahon na nakalaan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)