PAGSUSURI NG KURIKULUM SA FILIPINO: BAITANG 8
I.
INTRODUKSYON
Ang papel na ito ay naglalaman ng
pagsusuring isinagawa sa kurikulum sa Sekondarya. Tinatakay din dito ang
pagtuturo ng Filipino sa batayang edukasyon pang-sekondarya. Pagtalakay sa
disenyo lawak at saklaw ng kurikulum, ang layunin ng edukasyon sa sekondarya
lalo sa baitang walo (8), mga kasayanan, kahinaan at kalakasan na kinakaharap
ng kurikulum tungo sa pagpapaunlad ng mga mag-aaral sa baitang walo (8) at ang
mga opinyon at mungkahi ko bilang mag-aaral sa Filipino sa pagdebelop at
pag-implementa ng kurikulum dito sa Pilipinas.
Ang sistema ng edukasyon sa sekondarya
sa ating bansa ay nakabatay sa tatlong batayan o saligang batayang pilosopikal,
batayang sosyolohikal, at batayang sikolohikal. Ayon kina Ragan at Shepherd,
ang kurikulum ay isang daluyang magpapadalikung saan ang paaralan ay
responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayosng mga karanasang
pampagkatuto. Ayun sa Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 ay ang
pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing
ikasampung taon ngunit bunga ng mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon
at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala
ang Departamento ng Edukasyong Sekondarya na dapat nang isaayos ang
kasalukuyang kurikulum upang sa gayo‟y makaagapay at matugunan nito ang mga
pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag-aaral ng kasalukuyang panahon.
Naging batayan sa pagsasaayos ng kurikulum ang mithiin ng Edukasyon para sa
lahat 2015 o sa ingles ay „Education for all 2015‟.
II.
DISENYO, LAWAK AT SAKLAW
Ang disenyo ng
kurikulum ay isang terminong ginamit upang ilarawan ang may layunin, sinadya,
at sistematikong organisasyon ng kurikulum sa loob ng klase o kurso. Samadaling
salita, ito ay isang paraan para magplano ng mga guro. Kapag tinutukoy ng mga
guro ang kurikulum, tinutukoy nila kung ano ang gagawin, sino ang gagawin, at
kung ano ang susunod naiskedyul.
Tatlong (3) Uri ng Disenyo ng
Kurikulum
1.
Paksa-nakasentro na disenyo – ang pokus ay nasa
paksang tinatalakay sa loob ng klase.
2.
Mag-aaral na nakasentro sa disenyo – binibigyang
pokus ang pag-unawa, interes at layunin ng mga mag-aaral.
3.
Problema na nakasentrosa disenyo – ang pokus sa
kurikulum ay nakatuon sa pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano tumingin sa
isang problema at magkaroon ng isang solusyon sa problema.
Sa pangalawang taon sa sekondarya ang
lawak ng kurikulum ay binibigyan pokus ang masusing pag-aanalisa at pag-aaral
ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang kasabay sa pagtatamo
ng wastong kasanayan sa pagbasa. Upang matamo ito, pinagsasanib ang mga
tekstong prosidyural, reperensya, journalistic, literasi at politiko-ekonomiko
sa pagkatuto ng iba‟t-ibang istrukturang gramatikal.
Binibigyan pansin din ang
mga akda bilang akdang pampanitikan gaya ng
“Florante at Laura” na
pinag-aaralan sa ikalawang taon sa sekondarya o baitang walo (8) na kung saan
pinagtutuunan ang akdang ito sa dalawang linggong sesyon sa bawat markahan. Narito
ang mga asignaturang tinatalakay sa ikalawang taon sa sekondarya: Filipino 2,
Algebra 2, Biology, English 2, Kasasaysayan sa Asya at iba pang menor na paksa
gaya ng Edukayong pang-pisikal, musikal, kalusuhan, sining, ekonomiks at
teknolohiya.
Ang saklaw sa pagtuturo ng Filipino sa
Baitang walo (8) ay nahahati sa tatlong domeyn: una, ay ang pangkabatiran na
may dalawang (2) uri ito at ang pagkalap at paggamit. Ikalawa, pandamdamin na
tumutukoy sa saloobin ng mag-aaral. At ikatlo, ang saykamotor.
1.
Pangkabatiran - ito ang pinaka-karaniwang
layunin dahil marahil sa pagtuturo ay karaniwang nakatuon sa paglipat ng
kabatiran o kasanayan. Ito ay nahahati sa dalawa:
a.
Pagkalap ng kabatiran - ukol sa pagkatuto ng
batayang kabatiran.
b.
Paggamit sa kabatiran o impormasyon - ukol sa
manipulasyon at proseso ng paggamit ng kabatiran. Ito ay may anim na antas:
kaalaman, pag-unawa, aplikasyon, pagsusuri, paglilinaw, at ebalwasyon.
2.
Pandamdamin - ang mga layunin sa domeyn na ito
ay nahihinggil sa mga saloobin, emosyon, kawilihan, at pagpapahalaga. Ito ay
may limang kategorya: pagtanggap, pagtugon, pagpapahalaga, pag-organisa, at
karakterisasyon.
3.
Saykomotor - ito ay nahihinggil sa mga
kasanayang manipulatibo. Sa ilalim ng domeyn na ito, nilalayon ng guro ang
paglinang sa kakayahang pisikal.
III.
LAYUNIN
Layunin ng Baitang walo (8) na
maipamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,
pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba‟t ibang
uri nf teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang
Pilipino.
Kabilang sa mga layuning panglahat sa
asignaturang Filipino na ayun sa Secondary Education Development Program (SEDP)
ay ang mga sumusunod
• Linangin
ang kasanayan at kaalaman sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasan.
• Linangin
ang kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri, at pagbibigay-halaga
sa mga paksa.
• Linangin
ang kaalaman sa kasanayan at pagpapahalaga sa Panitikang Filipino.
• Linangin
ang kakayahan at kasanayan sa pagkilala at paglikha ng iba't ibang uri ng
panitikan.
• Paunlarin
ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsasaling wika at sa pag-aaral at
pananaliksik.
IV.
KASANAYAN SA EDUKASYONG SEKONDARYA
Ang makrong
kasanayan ay ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin, at
damdamin ay isang mahalagang proseso sa pakikipagtalastasan.
Ang pangunahing kasangkapan
upang maisakatuparan ang matagumpay na pakikipagtalastasan ay
paggamit ng wika. Dito nakasalalay ang tagumpay ng anumang propesyon sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Mayroong apat makrong kasanayan, ito ay ang
Pakikining, Pagsasalita, Pagsusulat at Pagbabasa.
1. Pakikinig
- isa itong proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa naririnig. Ito ay mula sa
tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng “auditory nerve”, mabilis na
dinadala sa utak at ang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri kung ano ang
naririning. Ang utak ang siyang nagbibigay ng interpretasyon at pag-unawa at
doon nagkakaroon ng kahulugan ang naririnig.
2. Pagsasalita
- ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng
verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika,
upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.
3.
Pagsusulat –
ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga
tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan ito ay ayun kay Sauco, et
al., 1998.
4. Pagbabasa
- ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga
nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng
awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba‟t ibang
kasanayan ng isang indibidwal.
V.
PAGSUSURI NG KURIKULUM
|
KAHINAAN |
KALAKASAN |
|||||
|
• Hindi
sapat ang pasilidad at kagamitan sa ilang pampublikong paaralan • Pinagtutuunan
ng pansin ang paksa bilang sentro ng kurikulum kesa mag- |
• Patuloy
ang pagpapaunlad ng mga asignatura • Gabgets
at mga libro ang mga pangunahing pinagkukunan ng |
|||||
|
|
aaral. Kakulangan sa mga libro at mga guro |
|
impormasyon Mga
batas edukasyon |
na |
nagpapatibay |
sa |
Ang akin mga opinyon na sa tingin ko
ay dapat gawin upang mabago at mapaunlad ang Kurikulum ng sekondarya sa
Pilipinas lalo sa Baitang walo (8) ay ang mga sumusunod na pamamaraan at
katangian na dapat taglayin ng isang kurukulum. Una, ang mga gawain ay dapat
maging payak at madaling isagawa para sa edad ng mga mag-aaral na nasa
labing-apat hanggang labinglima. Ikalawa, Nagsasangkot ng lahat ng mga
mag-aaral pati na din ang guro sa mahahalagang gawain na lilinang sa makrong
kasanayang ng mga mag-aaral pagdating sa pagbabasa, pagsusulat, pakikinig at
pagsasalita sa wikang Filipino. Ikatlo, dapat nagbibigay ng mabuting bunga at
kahihinatnan ang lahat ng gawain para sa mga lahat ng mag-aaral at hindi iilan
lamang, dapat sabay-sabay silang natututo at umuunlad sa lahat ng mga gawain
walang mag-aaral ang dapat maiwan.
Ikaapat, nahuhubog sa mabuting pag-uugali at kaasalan ng mga mag-aaral dahil sa
panahon ngayon hindi na lang talino at kakayahan ang dapat linanging ng mga mag-aaral
kundi maging ang kanilang asal dahil napaka-importante na maging marespeto
hindi lamag sa nakakatanda kundi maging sa lahat mapa-tao,bagay o hayop man
ito. Ikalima, ang kurikulum ay dapat maimplementa ng maayos upang ito ay
magkaroon ng malaking tulong sa paglinang ng maraming kakayahan ng mag-aaral na
magagamit nila sa sa pagtungtong sa mga susunod na baitang sa eduksyon.
Ikaanim, ang kurikulum ay dapat maging hamon sa kakayahan ng mag-aral sa
Baitang walo (8) upang sa ganon ay maging handa sila sa pagtungtung sa susunod
na baitang. Ikapito, ang kurikulum ay dapat maging “learnercentered curriculum
designed” na nakatuon sa mga sa mga mag-aaral at hindi sa paksa. At huli,
umaalinsunod sa mga simulain ng pagkatuto at sa pilosopiya ng pagtuturo
sikolohiyang edukasyonal.
Ayun sa mga nagdaang talakayan lubos
na naging isyu sa lahat ang pagpapatupad ng bagong kurikulum na hindi
napaghandaan o naihanda ng maayos, marapat lamang na ito ay rebisahin o baguhin
ng pamahalaan at ng departamento ng edukasyon ng sa gayon makapagbigay ng
positibong resulta ang kurikulum dito sa Pilipinas tungo sa mas maayos na
edukasyon na nakasentro sa paglinang ng kaalaman at kakayahan ng kabataan at
hindi nakasentro sa mga manggagawang kabataan. Para sa ikabubuti at ikauunlad
ng kurikulum, ng mga guro at ng mga mag-aaral hindi lamang sa baitang walo (8)
kundi para sa lahat kasama na ang mga magulang at iba pang sangay ng gobyerno
magtulong-tulong tayo upang makagawa ng kurikulum na nararapat at babagay sa
kinakaharap na problema ng edukasyon sa Pilipinas.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento