Paksa ng Pananaliksik - Maaaring Pagbatayan

  

  1. Paggamit ng iba't ibang Barayti ng Wika sa pagtuturo – bilang isang guro sa hinaharap sa Filipino ninanais kung malaman o saliksikin ang epekto ng paggamit ng mga uri ng barayti ng wika sa pagtuturo sa mga mag-aaral na may iba't ibang lipunang ginagalawan, antas, edad at iba pa.
  2. Lagay ng Panitikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon – dahil sa aking pananaw hindi na ganoong binibigyan ng personal na pansin ng mga mag-aaral ang Panitikan ng Pilipinas kung hindi ito requirments o kinakailangan sa pagpasa sa kurso ng Filipino. Nais kong saliksikin ang mga mungkahi ng mga mag-aaral at guro upang makahanap ng epektibong solusyon upang mahikayat ang mga mag-aaral na magbasa.
  3. Pag-aaral ng pagsulat ng Baybayin – bilang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino noong panahon bago pa dumating ang mga kastila o ang orihinal na alpabeto nating mga Pilipino, nais kong magsaliksik ng mga pamamaraan upang muling ipakilala at kung may posibilidad ba itong muling gamitin ng mga kabataang tulad ko na nais magaral ng iba pang alpabeto.
  4. Inpluwensya ng Wikang Banyaga sa mga kabataan – sa makabagong panahon ngayon na kung saan nauuso ang mga gadgets mula sa murang edad ng mga bata natututo silang magsalita ng wikang ingles imbis na ang unang matutunan nila ay wikang Filipino at pagdating naman sa mga kabataan dumarami ang nagnanais na matutunan ang wikang banyaga gaya ng Ingles, Nihonggo, Hangul at iba pa ngunit hindi na nila nabibigyan ng pagkakataon na mas palalimin pa ang kaalaman ng sariling wika at nahihirapan na tayong magsalin ng sarili nating wika. Nais kong saliksikin ang mabuti at masamang ang epekto nito sa pag-unlad o pagkilala ng ating sariling Wika.
  5. Isang pagsusuri ng pananaw ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Emilo Aguinaldo sa kursong B.S Education Major in Filipino sa paggamit ng Wikang Filipino at Wikang Banyaga ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon. – Gaya ng nauna, dito nais ko naman malaman ang pananaw ng aking mga kamag-aral sa na nagpapakadalubhasa sa Filipino mula unang taon hanggang ikaapat na taon ang epekto ng paggamit ng Wikang Filipino at Wikang Banyaga ng mga kabataan. Kung naka-impluwensya ba ang pananakop satin ng mga dayuhan, epekto ng paggamit ng teknolohiya upang kahiligan natin ang wika ng iba, kung saang-ayon ba tayo sa nakaraang isyu na tanggalin ang wikang Filipino sa kolehiyo, at ang paggamit ng mix language sa paraan ng pagtuturo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)