Pananaliksik Draft ng Kabanata II (Isang Halimbawa)

 KABANATA II

METODOLOHIYA

 

Sa kabanatang ito ipapakita ang kabuuang disenyo ng pagaaral, instrumento na gagamitin sa pagkalap ng datos at impormasyon ng mga respondente o makikilahok sa pagaaral. Nakapaloob rin dito ang mga hakbang at pamamaraan na isasagawa ng mananaliksik. Gayudin, ang angkop na estadistika na kakasangkapanin upang maihanay o maorganisa ang mga makakalap na datos.

DISENYO

Ang disenyo ng pagaaral na ito ay kwaliteytib at deskriptib-sarbey sapagkat naangkop ito upang mapadali ang pagalam sa persepsyon ng mga piling magaaral ukol sa kontemporaryong panitikan tungo sa paglinang ng makrong kasanayan sa pagsulat. Bibigyang tuon nito ang kaalaman at pananaw ng mga piling magaaral sa gampanin ng kontemporaryong panitikan bilang kasangkapan sa paglinang ng isa sa mga makro kasanayan.

INSTRUMENTO

Ang instrumento na gagamitin sa pananaliksik na ito ay sarbey questionnaire na sariling likha ng mga mananaliksik upang maihanay sa proseso ng pagsagot sa mga layunin. Ito ay isusumite sa eksperto o mga piling guro ng Filipino na may angkop na kaalaman sa paksa upang masuri at maging balido. Ang sarbey kwestyoner ay binubuo ng tatlong talahanayan. Sasagutin ng mga repondente ang mga katanungan sa pamamagitan ng pagalalagay ng tsek sa bawat pahayag na sumasalamin bilang kanilang pananaw o kasagutan.  Sa kabuuan ang instrumento na nabanggit ay ang magiging daan upang makakuha o makalap ang mga datos na kinakailangan o susuporta sa pananaliksik.

TAGA-TUGON

Ang magiging respondente sa pagaaral na ito ay mga piling magaaral mula sa Baitang 12 Humanities and Social Sciences Strand ng  Emilio Aguinaldo College-Cavite , na may kabuuang bilang na 100. Samantala ang gagamiting teknik sa pagpili ng respondente ay non-probability-convenience sampling sapagkat marami ang bilang ng populasyon sa nasabing strand. Ito ang napiling teknik ng mananaliksik sapagkat ang mapipiling respondente ay base sa kanilang availability.

HAKBANG AT PAMAMARAAN

Ang hakbang at pamamaraan sa pagkalap ng mga datos ay magsisimula sa pagbuo ng survey questionnaire, susundan ng pagpapa-balido sa eksperto o guro sa Filipino na may sapat na kaalaman sa paksa upang matiyak ang kaangkupan nito, at gayundin magkakaroon pagmomodipika o pagsasaayos ng pinal na instrumento.

 Ang sumunod na hakbang naman ay ang pagbuo ng liham sa paghingi ng pahintulot sa magiging mga kalahok at ipamimigay ito sa mga posibleng kalahok. Magtatakda ng espesipikong araw para sa pamimigay ng survey questionnaire ngunit bago ang aktwal na pamimigay nito ay magkakaroon lamang ng maikling oryentasyon para sa panuto sa tamang pagsasagot upang sa gayon ay angkop ang makuhang datos ng mga mananaliksik. Matapos malikom ang mga datos ay dadako naman sa estadistikang pamamaraan upang mabigyang interpretasyon ang mga datos o resulta.

 

ESTADISTIKANG PAMAMARAAN

Ang estadistikang pamamaraan na gagamitin sa pananaliksik na ito ay ang pagkuha ng porsyento o bahagdan upang malaman ang naging persepyon ng mga piling magaaral sa bawat katanungan o talahanayan na may kinalaman sa paksa ng pagaaral. Batay sa mga naging tugon ng 100 respondente maaari ng malaman ang frequency sa bawat katanungan.

Ang pormula na gagamitin sa pagkuha ng bahagdan ay:

P =   x 100

P ay nangangahulugang porsyento o bahagdan

 nangangahulugang frequency o bilang ng tumugon

n nangangahulugang kabuuang bilang ng respondente 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)