Pangamba sa ating Paligid....COVID

  Saan man luminga,

tila may aninong iniwas-iwasan ka.

ito ay uri ng takot na di lamang sa gabi laganap.

ikatatakot mong maging mapalapit sa mahal mo sa buhay.

anong pangamba nga ba ang dinulot ng covid sa atin

iba't ibang hadlang, restriksyon at pagbabawal.

laking epekto sa buhay ng sinoman.

Walamg buting inihatid ang korona mong dala.

takot at pangamba ang bumabalot sa bawat isa.

ang dating masasayang tawana't habulan ng kabataan,

ay napalitan ng lungkot at pagkakakulong sa loon ng bahay.

maraming suliraning kinakaharap kasabay ng iyong korona,

covid nawa ay mawala ka nang bigla.

buhay sa bahay ay naging kakaiba, 

higit lalo ang pampaaralan.

di na makita ang aking kamag-aral,

madalas tuloy gusto kong makita

ang tunay kong guro, at hindi si ina

na laging mainit ang ulo.

wala nang baon at wala pang paglalaro.

tanging sa loob ng bahay na nakababagot.

sa lahat ng pangyayari, tila ako'y pinasok sa loob ng lobo,

limitadong galaw, limitadong kakayanan.

kailan ba ako magigising, at makalalabas ng normal muli.

pangamba, pangamba, pangamba

yan ang bumabalot sa kahit na sinoman.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)