Punongkahoy: Pagsusuri ng isang tula

 

  1. Malikot ang kaisipan o guniguni ni Huseng Batute dahil hindi ko agad nabatid ang nais iparating. Matapos kong ulit ulitin napagatanto ko na inilalarawan nya ang buhay niya o buhay ng isang tao na masasabing maka-Diyos. Ngunit sa ikalawang saknong mababatid na ang kaganapan ay maaring sa isang lamay. Sa pamamagitan ng kanyang guniguni naging malikhain ang pagkakabuo ng tula. Hindi lantaran ang naging pagpapahayag. Malaro ang kanyang isipan sa pagbuo ng bawat tauldtod ng tula ngunit nagagawa naman nitong makabuo ng isang pahiwatig sa nilalaman o nais ipahayag ng tula.

  2. Ang sagimsim ng tula ay ang bugso ng damdamin sa nasabing akda. Maaaring nabuo ang tula batay sa nararamdaman ni Huseng Batute sa totoong buhay o maaaring kinaiikutan ng damdamin ng tauhan sa tula. Naipakita ang sagimsim sa pagbanggit ng mga bagay na maihahalintulad sa bagay o kaganapan. Tulad ng batis na may umaagos na luha, maaaring ito ang damdaming umiiral sa bahagi ng tula na nabanggit ito. Isang salitang nangagahulugan ng pagdadalumhati o pagluluksa.

  3. Marami ang nagsilbing simbolo sa tulang ito ngunit ang pinaka-bumubuo sa akda ay ang pamagat nitong Punong kahoy na inihahalintulad niya sa kanyang buhay dahil mula sa kung paano ito lumalaki at lumalago hanggang sa pagtagal ay unti unting naglalagas ang dahon nito na tulad din ng tao na lumalaki at tumatanda, hihina at rurupok at darating sa puntong mamamatay rin.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)