Reaksyong Papel: Kalikasan at Kaligiran ng Kurikulum

 Ang Kurikulum ay napakahalaga sapagkat nakatuon ito sa pagsasagawa ng plano o banghay na kungsaan ang nilalaman nito ay ang ipinapatupad sa mga paaralan at kalakip din nito ang layunin namaisakatuparan ng mga paaralan na maabot ang tunguhin ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Sapagtalakay sa kasaysayan ng kurikulum ay nabigyang linaw at nadagdagan ang aking kaalaman patungkolsa kung paano nga ba ang naging pag-unlad nito mula sa panahon bago pa dumating ang kastilahanggang sa kasalukuyang panahon

Ang kurikulum ay binigyang pagpapakahulugan bilang isang plano o balangkas nanaglalaman ng mga paksa, aralin, mga gawain, maging ang estratehiya o pamamaraanggagamitin sa pagtuturo.

Sa sangkap ng kurikulum, dito ay mas binigyang-diin ang mga magiging tunguhin ng asignatura at kungano ang nakapaloob dito na talaga naman lubos na makakatulong upang mas madagdagan at malinangpa ang ating kakayahan sa mga tatalakayin dito. Ang pagkakasunod-sunod at organisasyon ng paksa aynapakahalaga rin sapagkat ito ang nagiging gabay kung paano ang magiging takbo sa isang silid-aralan atmahalaga rin ang paggamit ng mga guro ng kanilang sari-sariling estratehiya sa pagtuturo upangmapunan ang kinakailangang makamtan ng kanilang mag-aaral

Ang kurikulum ay hindi lamang limitado sa mga nasusulat dahilmayroong tinatawag na di-berbal na kurikulum, na siyang ukol sa mga salik na napapabilang sapagkatuto ng bawat mag-aaral. Maituturing na isang esensyal at kaluluwa ng edukasyon angkurikulum, dahil nagagawa nitong himukin ang mag-aaral na matuto at gamitin ang kanilangnatutunan sa totoong buhay at maging sa hamon at pangangailangan ng lipunan. Ang tatlongsangkap ay nararapat lamang isaalang-alang dahil ito ay susi sa pagkakaroon ng epektibo at maykalakasang kurikulum. Nabanggit din na lahat ng kurikulum ay nagagamit ngunit kungnasusunod natin ang recommended kurikulum, at ang nararapat na pagsasagawa nito aymagiging matagumpay ang tunguhin at layunin natin sa pagtuturo at pagkatuto ng mga bata.

Samantalang binubuo naman ng pitong uri ang kurikulum at ito ay ang Written kurikulum,Recommended kurikulum, Taught kurikulum, Supported kurikulum, Assessed Kurikulum, Learnedkurikulum at Hidden Kurikulum. Ang mga uri ng kurikulum na ito ay masasabi ko na may kaniya-kaniyangtungkuling ginagampanan mapasulat o hindi man itong kurikulum ay nagsisilbi itong batayan sa kungpaano naisasagawa ang nagiging daluyan na dapat maganap sa mga pampaaralan.

Anumang uri ng kurikulum ay mayroong mabuting layunin at dulot sa mga mag-aaral, kungkaya’t bilang guro hindi natin dapat kalimutan na gumawa, magsiyasat at maglimbag sapagkakabuo ng isang kurikulum. Malaki ang nagiging benepisyo nito sa mag-aaral at guro sapagkat hindi lang ang mag-aaral ang natututosa mga ititunuro ng kanilang guro dahil kahit ang mga guro ay nagkakaroon ng panibagong kaalam nakanilang napupulot at nakakalikha rin ito ng pakikipag-ugnayan sa bawat isa at nahahasa at masnalilinang pa ang kakayahan ng bawat isa.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)