Ang natatanging gamit ng Wikang Filipino sa Kasalukuyan (Iba’t Ibang larangan)

 Ang Filipino ay maraming gamit, hindi lamang sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan.

Hindi lingid sa ating kaalaman, ito ay may malalim na mga natatanging gamit sa iba’t ibang sektor at

larangan. Halina’t ating alamin ang gamit ng wikang Filipino sa Disiplina, Inhenyera, Matematika, Agham,

Agham Panlipunan, Sikolohiya, at Pamahalaan.

Ang madalas na gamit ng Filipino ay sinasalita o ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, ating

unahin ang gamit nito sa Disipllina. Sinasabing ang Filipino ay mayroong sariling paa o kayang makatayo.

Ito’y tunay sapagkat ang bansang Pilipinas ay nagsasarili at independyanteng bansa na may iisang

wikang ginagamit. Kaya’t sumasalamin ito bilang aydentidad o pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. Sa

kabilang banda, ang Filipino sa inhenyera ay napapadali ang paghahatid ng mga ideya at pag-uugnayan

dahil sa paggamit ng wikang Filipino sa inhenyera sa araw-araw na pamumuhay. Bukod sa naipapakita

ang pagigingt ansyonalismo at umuunlad ang paggamit ng wikang Filipino sa pagpapayabong ng

larangan at kaisipang inhenyera. Alinsunod rito ay ang matematika, ang mga Pilipino ay marahil nasanay

sa pakikinig, pag-aaral, at pagtuturo ng matematika gamit ang wikang Ingles, sapagkat may

pinapatunayan na nananatiling naiintindihin ang pagtuturo sa matematika kahit ito ay wikang Filipino,

ito ay posibilidad dahil binanggit na kung ang wikang sariling atin o Filipino na mas nauunawaan ng mga

nakararami ay siyang gagamitin, mas malaki at malawak ang pag-intindi, dahil sa bukod sa di na

mahihirapan umintindi dahil sariling wika ang ginagamit, mas mahirap kung iniintindi mo na ang sabdyek

kasabay nito ay ang pag-intindi mo sa mga salitang ingles na di mo naman gaanong maintindihina. Sa

paraan na ito, nakikita ang pagpapakita ang pantay na pagpapaunlad sa dalawang kasanayan, sa

paggamit ng wikang Filipino at pag-intindi nito. Ang Filipino sa agham ay nauunawaan ang mga salitang

sinasabi ng mga sektor at iba’t ibang propesyon, katulad na lamang sa ospita, kung ang gagamitin ng

doctor o nars sa kanilang mga pasyente ay wikang ingles, hinid lahat ay makakaunawa nito, dahil hindi

lahat ng pasyente ay pare-parehas ng antas at estado sa buhay at kapasidad sa pagkatuto. Sunod ay ang

Filipino saagham panlipunan natuturuan ang isang indibidwal na palawakin ang nalalaman ukol sa

wikang Filipino, hindi lang sa mababaw na gamit at pagpapakahulugan nito, kun’di sa pinakamalalim na

pagpapakahulugan rito. Napapalawak at napapayabong ang salitang kanilang nalalaman sa wikang

Filipino o sa bokabularyo, mainam na sila ay magkaroon ng pag-alam at pagtatanda ng ilang salita na

kadalasan ay mga salitang malalalim na si nila kayang bigkasin ng maayos at gamitin na naaayon sa

pagpapakahulugan rito. Ikalawa sa huli ay ang Sikolohiya, ditto nakikita na ang gamit ng Filipino ay hindi

pang isang pag-aaral lamang, sapagkat sa pagpapaunlad ng personalidad. Sa paggamit ng wikang

Filipino, nagkakaroon ng mas mabuting pagpapalagayan ng loob at pagkakaunawaan dahil hindi

nagkakaroon ng alitan at hidwaan dahil ang magkabilang panig ay nagkakaintindihan dahil sa iisang

wikang ginagamit, na kung saan ito ang wikang Filipino na sariling atin. Ikahuli ay ang gamit ng Filipino sa

pamahalaan,

lingid sa ating kaalaman na dapat ang gobyerno o pamahalaan ang nangunguna upang

paigtingin at palaganapin ang wika natin, ngunit sila pa ang mas nagamit ng wikang ingles kahit sa batas

na ipinapatupad nila at mga saloobin gamit ang balita na naibabahagi sa buong Pilipinas. Kaya’t ganoon

na lamang na hindi naiintindihan ng iba ang sinasaad ng gobyerno sapagkat wiakng ingles ang kanilang

ginagamit.

Ang paggamit ng Ingles ay hindi masama ngunit mas bigyang pansin ang pagpapalawig sa wika

na mayroon tayo. Huwag hayaang ito’y ginagamit lamang sa pang-araw-araw dahil hindi ito sapat,

hikayatin ang sarili na magsaliksik at pag-aralan ang wikang Filipino. Huwag magpadala sa mga katagang

“kapag magaling ka sa wikang ingles ay matalino ka, at mahina ka kapag filipino”. Limutin ang kaisipang

ito dahil “ang Pilipinong gumagamit ng kanyang sariling wika ay mas matalino pa sa iba” dahil dito

makikita ang ansyonalismo, pagmamahal sa bansang sinilangan, sa wika, at higit sa lahat ay tunay na

maipagmamalaki ang wikang ating ipinaglaban at naipanalo sa ano mang pagsubok na pinagdaanan nito.

Isyung Pangwika na Kinakaharap ng Wikang Filipino sa Kasalukuyan

Ang isyung pangwika ay maaaring napapanahon, kakausbong lamang o dati ng suliranin na

tinutuklas paring masolusyunan. Hindi madali ang dinanas ng wikang Filipino kung ating pagtutuunan

ang naging kasaysayan nito. Ngunit ano nga ba ang tunay ng katayuan at kalagayan ng wikang Filipino sa

kasalukuyang panahon? Halina’t tuklasi ang kondisyon ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon.

Sa bagong henerasyon at panahon, lumalaganap ang paggamit ng teknolohiya, walang edad ang

pinipili kung sino ang maaaring gumamit nito, mula bata at matanda nagamit nito, kaya’t ang iba ang

naiimpluwensiyahan ang paggamit ng wika dahil sa dulot ng paggamit ng teknolohiya na ang mas

ginagamit na midyum ay ingles. Mula sa mga iba’t ibang panoorin mula sa ibang bansa na tinatangkilik

ng masa ay naaabsorb ng mga manonood katulad ng telenovela, k-drama, at cocomelon para sa mga

bata. Dito pa lang ay makikita natin na nawawala na ang nakagisnang paraan ng pagtuturo ng awiting

pambata. Narito ang unang isyu ng wika sa kasalukuyang panahon, ito ay ang hindi napapahalagahan ng

mabuti ng paaralan ang tamang paggamit ng wikang Filipino. Kung ating mapapansin, sinasabi na dapat

magkakaroon ng patas na paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo at sa mga aklat na nakalimbag,

ngunit bakit ganoon na lamang na kaunti o iilan na lang ang nakalathala o nakalimbag sa wikang Filipino,

ang sabdyek na sakop ng Filipino, o ilan sa mga Araling panlipunan, at ESP/ TLE na lamang ang

natatanging nakasulat sa ating wika, ngunti kadalasan ito rin ay nakasulat sa wikang Ingles. Ang wikang

Ingles naman sa matematika, English, values, science, at iba pa. Ang midyum sa pagtuturo o ang

pagpapaliwwanag ng mga aralin ay sa Filipino ngunit nagkakaroon na rin ng “English only” policy.

Ikalawa ay ang maling pagbigkas sa mga salita. Sa kadahilanang mas binibigyan ng atensyon ang ingles,

nawawala ang kasanayan at pagiging dapat natural at pinagyayabong na maayos na pagbigkas ng

maayos ng mga salita. Kalimitan kahit na ang isang salita ay nakasulat Filipino ngunit parehas ng bigkas

sa ingles, nakukuha pa rin ang tono ng pananalita o aksent sa ingles kaya’t dapat hasain ang mga mag-

aaral at Pilipino na bigkasin ang mga salitang magkatulad ang baybay o bikas sa ingles. Isa pa ay ang

kaisipan ng ilan na madali lamang ang asignaturang Filipino. Ito ay madali sapagkat, ito ay isinasalita

lamang nila ngunit di binibigyan ng oras para magsaliksik at tunay na pagyabungin. Kung ating iisipin

madali naman talaga, ngunit kapag nagkaraoon ng mga eksperimento na pagbibigay kahulugan o isasalin

sa Filipino ang salitang nakasulat sa ingles, bakit ganoon na lamang na kailangan pang isipin? Hindi ba’t

dapat natural na alam na nila, ngunti pawang nangangamote pa rin ang ilan. Kasunod nito ay sa

paggamit ng teknolohiya, naaapketuhan ang ating wika, maaaring agmitin natin ang wika sa

pagpapalaganap n gating wika, ngunit lumilihis ang landas sa paggamit nito, ito ay ginagamit bilang

diskriminasyon sa ibang tao, ito’y pinapaikili, binabawasa, o minsan ay hindi maayos ang gamit rito.

Nagkakaroon din ng di maayos na pagsunod sa patununtunan kung paano ba dapat ginagamit ang wika

sa paraan ng teknolohiya, ang salitang ingles at Filipino ay kadalasang naipaghahalo sa iisang

pangungusap. At higit sa lahat, isang isyu pa rin ang paggamit ng wikang Ingles sa pamahalaan at batas.

Dapat ang pamahalaan ay pinapalawak ang paggamit ng wikang Filipino, lalo na sa mga batas, o

simpleng salitang nagtuturo ng sireksyon o pangalan ng mga sektor, gusali, at opisina, dahil ang mga

pumupunta sa pamahalaan o munisipyo ay hindi pantay pantay ang kapasidad ng pag-unawa, kaya

bilang mas nakaka-angat sa pag-unaw, tayo ang may alam, ang manguna sa pggamit ng wikang atin,

upang maintindihan nila ang mga bagay na dapat nilang maintindihan.

Ang isyu ay marahil isang negatibong paktor sa wikang Filipino. Ating pkatatandaan na ang isyu

ay maaring maging positibong paktor upang makita natin ang kahinaan at kalakasan n gating wika.

Kalakasan na kung makikita natin kung ano ba ang dapat panatilihin, samantalang ang kahinaan ay daan

tungo sa pagpapabuti at pagpapatibay ng Wikang Filipino. Bilang mamamayang ng Pilipinas, atin ang

wikang Filipino, kaya’t gamitin ito ng wasto at mahusay dahil sumasalamin at sumasaklaw ito sa

pagkakakakilanlan natin at n gating bansa.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)