Gamit ng wika batay sa komunikasyong pangangailanga
Tunay na napakahalaga ng pagkakaroon ng
komunikasyon, ito ay tulay sa pagkakaroon ng mapayabang bansa, at
pagkakaunawaan ng mga taong namumuhay rito. Isa na rito ang paggamit ng iisang
wika na patunay na mayroong nagkakaisang bansa. Ngunit, ang wika at
komunikasyon ay paraan upang punan ang mga pangangailangan sa araw-araw na
pamumuhay. Alamin natin ang gamit ng komunikasyon.
Ang komunikasyon ang nagsisilbing instrumento para magamit natin ang
ating wika. Sa paraang ito ay nakabubuo tayo ng maayos at mabuting
pagpapalagayan at relasyon sa mga taong nakapaligid sa atin. Naiintindihan
natin ang kanilang pananaw dahil iisang wika ang ating ginagamit. Sinasabi na
ang komunikasyon ang kasugtan para sa ating pangangailangan, sa paraang ito
nakukuha natin ang ating mga pangangailangan, sa pamamagitan ng pagtatanong at
pagtanggap ng kasagutan. Katulad na lamang sa ating tinalakay noong nakaraan na
mayroong ilang gamit ang wika para sa pakikipagkomunikasyon. Base sa aking
naaalala, ito ay heuristiko, regulatoryo, instrumental, imahinatibo,
representasyunal, Interaksyunal, at personal. Ang Heuristiko ay paraan ng
komunikasyon ng pagkalap ng impormasyon, maaring ito ay sa paraan ng interview
at pananaliksik. Ang Regulatoryo ay ang gabay na komunikasyon o maaari
pagbibigay direksyon. Ang intrumental naman ay ang komunikasyon sa paraang ikaw
ay nagsasalaysay sa iyong akusap, o kaya naman maarai ring pautos. Sunod ay ang
imahinatibpo, ang komunikasyon na ito ay sa paraan malikhaing kaisipan na
kadalasan ikaw ay nagkkwento o nagsasalaysay sa iyong kausap. Ikalima ay ang
Representasyunal, ito ay ang komunikasyon sa paraan ng pag-uulat. Ika-anim ay
ang Interaksyunal, ang komunikasyon na ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw
na pamumuhay, ang pakikipag interak at pakikisalamuha sa mga tao. Ikahuli ay
ang personal na masyadong madamdamin, maaraing pumasok dito ang pagpapalitan ng
saloobin o paglalabas ng nararamdaman ukol sa iyong kausap base sa iyong sariling
pananaw.
Ang komunikasyon ay nakasenstro sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, ngunit ito
rin ay mayroong mga gamit. Ito ay maaaring sa pasulat na paraan o kaya naman ay
sa pasalitang paraan. Ngunit bilang paalala, sa pagbibitaw ng salita gamit ang
wikang atin sa pakikipagkomunikayon ay maging maingat, maging mapanuri sa
paggamit nito sapagkat maarai itong makasakit at tapakan ang dignidad ng isang
tao. Isaalang alang ang kapwa at salita kapag tayo ay nakikipagkomunikasyon,
ito ay hindi para sa iyo lamang. kun'din para sa mga tao na pagbibitawan mo ng
salita at aksyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento