ILANG EKSPLORASYON SA PAG-AARAL NG KULTURANG POPULAR SA FILIPINAS Ni Louie Jon A. Sanchez
Sa introduksyon pa lamang ni Sanchez ay nalaman na agad natin kung ano nga ba ang
kaniyang layon upang isulat ang artikulo na ito, na
pinamagatan niyang ‘Iilang
Eksplorasyon sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa Filipinas’
at ito ay ang paglulugar o
pagbubunto’t sa kanyang pag-aaral sa pagpapatuloy ng mga
paghinuha sa praktika at
teorya ng kulturang popular at ang ikalawang layon niya ay
ang matuklasan niya ang
kasaysayan ng pag-aaral at pagpapahalaga sa kulturang
popular sa bansa kung kaya’t
ang artikulo na ito ay isang personal at intelektwal mula’t
mula.
Sa unang bahagi ng artikulo na ayon kay Caroline Hau (2002),
sa kaniyang sanaysay
na The Cultural and Linguistic Turns in Philippines
Scholarship tinutukoy niya rito ang
tinatawag na ‘pihit pa-kultura o pihit pa-wika’ na bilang
yugto o isang yugto ito ng
pagpasok ng mga susing kabaguhang intelektwal ng masalimuot
at masigalot pa ang
bansa. Ngunit naka-angkla sa kanyang pagtalakay sa kaniyang
nagkrukrus na interes
sa larangan ng panitikan at kasaysayan. Binigyang pansin
niya din rito ang paglitaw ng
‘academic jargon’ na kung saan ay isa itong wikang may
espisipikong kagamitan sa
isang larangan na nagpapaliwanag ng isang mahalagang
impormasyon o detalye. At ng
di naglaon ay lumitaw naman ang ‘critical theory’ o teorya
ng kritikal na babakasing
magulang ng kinikilala na natin ngayon na ‘Cultural Studies’
o Araling Pangkultura. Sa
pag-aaral na ito ay lumalawak ang ating pag-unawa sa
kultura. Ang Araling Pangkultura
ay mayroong katangian na pinapakahulugan ni Tony Bennett na
isa ring
taga-pagsulong: (1) interdisiplinaridad na kaisipang
bumabaklas sa mga hanggahan ng
mga larangan sa ngalan ng pagsusuri, (2) pagbaling sa lahat
ng mga nagkakaloob at
nagtatakda para sa mamamayan, (3) paglalantad sa mga ugnayan
ng kapangyarihang
umiiral sa kasarian, lahi, uri, kolonyalismo, at iba pa.
Sa pangalawang bahagi ay binigyan ng pansin na hindi sapat
na tukuyin lamang ang
pihit pa-kultura sa Filipinas bilang pihit pa-teorya dahil
malaki ang naiambag ng teorya
upang lumawak ang Araling Pangkultura sa loob at labas ng
Filipinas at sa
pagpapalaganap nito na bilang larang. Sinabi rin dito na ang
pagteteorya ay matagal ng
tinutupad at kailangang bakasin ito sa panahong kolonyal na
kung saan umusbong ang
pagsasalaysay. Dahil ayon kay Benedict Anderson ay naging
tulong lamang ang
pagdating ng teorya sa pagpapalawak at patuloy na pag-usad
ng proseso na
‘pagharaya’ sa ating komunidad. Naging halimbawa nito sina
Jose Rizal at Isabelo
Delos Reyes, na dahil sa kanilang pabubuo at pagsasalaysay
sa kalinangan ng
katutubo ay siyang pinakamabuting tugon sa pagmamaliit n
kanilang nakukuha mula sa
mapagmataas na sumasakop. Binigyang pansin rin ang pag
usbong at pag-unlad ng
pihit pa-kultura bilang pagpapatuloy sa isang bagong wika ng
pagsasaysay ng ating
kaakuhan. Ang kakayahan nila Rizal at Delos Reyes ang
ibabanderang katangian na
gawi ng kontemporaryong pihit pa-kultura: (1) ang
pagkakosmopolitano, (2) ang
pagkamausisa at (3) ang pagkainterdisiplinaryo.
Sa pangatlong bahagi binigyang pansin ang tanong na “Para
Kanino?’
. Ang tanong na
ito ay naging susi upang maging gabay sa paguurirat ng
manlilikha. Naging susi rin ito
upang magkaroon ng malaking kabaguhan sa ating mga kagawaran
katulad na lamang
ng Ingles at panitikan na nagsimulang bumaling sa materyal
na Filipino at magbukod ng
sarili mula sa napaglumaang konteksto ng kumalat ang
Filipinisasyon sa buong
akademya. Binigyan din ng pansin ang sinabing pagpulot, at
pagbuo sa mga pirasong
Filipino, dahil sa kontekstong ito mas pinakita ang pihit
pa-kultura na kahit may
nagbabago sa ating kultura ngunit di pa rin makakalimutan
ang mga orihinal na kultura.
Sa pang-apat na bahagi ay binigyang pansin ang mga
natatanging tagapanguna sa
kulturang popular. Tampok na halimbawa sa bahaging ito ay si
Hau at sina Ileto, Rafael,
at Salazar ay nagambag sa papel ni Hau sa larangan ng
kasaysayan. Si Bienvenido
Lumbrera ay nag-aral at nagpakilala ng malawakang panulaang
Tagalog mulang
tradisyong pasalita hanggang sa panahon ng rebolusyon. Si
Virgilio Almario ay nag-aral
din ng panulaang Tagalog at nagpakilala sa atin ng tagisang
Balagtasismo versus
Modernismo. Si Soledad Reyes naman ay bumaling sa mga
popular na nobela at
binulatlat ang mga ito bago pumalaot sa iba’t ibang teksto
ng kulturang popular. At si
Resil Mojares na nag-aral din ng nobela at intelektwal na
kasaysayan ng bansa habang
binabalingan din ang kaniyang ugat na Sebuwano.
Para naman sa ika-limang bahagi ng artikulo ang pinakapunto
nito ay ang pagsawata
sa bisa ng Ingles na kung saan sinasabi dito na ang Ingles
ay pinakamakapangyarihang
bisa sa ating kultura dahil ang wikang Ingles ang ginagamit
sa iba’t ibang konsepto.
Sinasabi rin dito na ang wikang Ingles ay kumakatawan sa
lahat ng mataas na
pagpapahalaga ng ipina-angkop ng Kanluran upang igiit ang
posisyon nito sa dinamiko
ng pangkultura sa kasaysayang Pilipino. At binigyang punto
rin dito na ang wikang
Ingles ay isa sa nagtulak upang magkaroon ng pag-aaral ng
sarili sa wika, o sa mga
bansa na tunay na nakukuha sa mga haka, o hinuha o mas
kilala ito sa bansag na
‘Originality as vegance’ ayon kay Lucilla Hosillos. Sa
pagsipi ni Mojares ay nalaman
niyang matagal-tagal na palang nagagamit ang wikang Ingles
kahit sa kapanahunan pa
nina Rizal at Delos Reyes dahil may tinutugunan at
ipinagtanggol sila Rizal at Delos
Reyes tungkol sa wika na nakasulat sa Ingles. At
mahihiwatigang na nauna pa ng isang
siglo kay Bhaba ang bayani-intelektwal na Ilokano na
makahinaganap ng
pagka-halo-halo o hybridity ng ating kultura. At sa panahon
ng pananakop ng mga
Amerikano ay nakita natin na lumaganap ang pagka-mangmang ng
mga Pilipino dahil
sa pagmamaliit ng mga Amerikano sa ating wika at kultura,
kung kaya’t lahat ng mga
salitang hindi na isusulat sa Ingles ay tinatawag na bakya,
baduy, at basura ayon sa
pagkikritik ni Reyes.
At para sa huling parte ng artikulo ay binibigyang diin dito
ang pagiwas sa usapin
tungkol sa wika na tumutukoy sa wikang pang araw-araw at
pangkalye na anumang
nasasalat ng wikang ito ay kailangang tatak bilang
"baduy, bakya at basura" na kung
saan nakikitaan ito na isang pamana lamang saatin ng teorya
at matutuhan ang
patuloy na problematisasyon ng high art o low art. Maiuugnay
dito ang kahalagahan ng
panitikan ng Ingles sa Filipinas na magugunita ang "art
for art sake" ni Jose Villa at ang
lumalaban ditong "literature and society" ni
Salvador Lopez. Noong panahon ng nga
Amerikano ay naging masalimuot ang naidulot ng pagbalik ng
mga pangkulturang
manispetasyon ng mga wika. Ingles ang ginamit nina Villa at
Lopez sa kanilang tagisan
at ang kanilang pinagtatalunan ay ang pinakawastong
politika. At hindi natin
maitatanggi ang pagkamakabayan ni Lopez at ng kaniyang mga
kasapi na ang wikang
Ingles ang ginamit nila na nagtatag sakanila bilang
lehitimong institusyon sa larang na
kung saan ito ay isang malalim na mentalidad. At binigyang
punto rin dito na maraming
bagay na dapat punahin sa larangan ng kulturang popular.
Subalit gaya nang naipakita
ay marami ring bagay at katangian ang taglay nito na dapat
masusing mapag-aralan
sapagkat ito ay bunga ng masasalimuot na proseso ng paglikha
ng kahulugan ng ating
mga mamamayan. Ito ay sari-saring usaping ugat ng
kawalang-pagkakapantay
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento