Kasalukuyang Panahon ng Wikang Filipino
sa sa nabanggit sa natatanging gamit ng wikang Filipino sa kasalukuyan ay ang Filipino
bilang disiplina. Ang nilalaman nito ay ang Filipino bilang disiplina ay bahagi ng kasaysayan
ng bansa. Ito rin ang identidad ng Pilipino at susi ng kaalamang bayan sapagkat ito ang
wikang sinasalita at sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan ang bawat isa. Bahagi rin nito
ay ang edukasyong pampropesyonal sapagkat ang Filipino ay nakarugtong sa atin simula pa
lang mag umpisa tayo sa pag-aaral. Hindi makatutongtong sa mataas na antas ng pag-aaral
kung hindi matutunan ang paggamit ng Filipino. Ito ay isa sa humuhubog sa mga tao upang
maging mahusay at maalam sa propesyonal na kaniyang tinataglay. Ang interdisiplinaryo,
multidisiplinaryo, at transdisiplinaryo ay karugtong o konektado rin sapagkat sa
pagmamagitan nito ay mayroong mga pag-aaral na maaring magkaiba at napagkokonekta sa
tulong din ng Filipino. Mas nagiging epektibo ang pag-aaral sa iba’t ibang aspeto dahil sa
Filipino. At panghuli ay ang gampanin ng Filipino sa Matematika, Agham, Agham
Panlipunan, at Sikolohiya. Ang paggamit ng Filipino alinman sa nabanggit ay malaking
kaunlaran sapagkat pinakikita nito na kahit nakasanayan na ang wikang Ingles ang ginagamit
sa pagbabahagi sa mga kategoryang ito ay hindi malabong magbago ang kahalagahan o rsulta
ng pagkatuto ng mag-aaral kung wikang Filipino ang gagamitin dahil mas napagagaan nito
ang isip ng mga mag-aaral. Mas nauunawaan nila ang isang aralin sapagkat ito ay kanilang
sinasalita umpisa pa lamang ng pagkatuto nila.
2. Ilan sa mga isyung kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon ay ang
kakulangan sa bokabularyong Filipino/Tagalog. Makikita o mapapansin sa pang araw-araw
na pamumuhay ng mga karamhian sa atin na hindi mawawala ang ibang wika katulad ng
Ingles sa kanilang pakikipagtalastasan. Halimbawa rito ay kapag may sasabihin ang isang
tao, nahahaluan ng wikang Ingles ang kaniyang pananalita sapagkat hindi niya ang termino
nito sa Filipino. Kasunod ay ang maling pagbigkas ng salita. May mga tao pa rin sa ating
bansa na nalilito sa pagbigkas ng mga salita lalo na’t kung nagbabasa. Halimbawa ay kung
parehas ang pagbaybay at ispeling ng dalawang salita ngunit magkaiba ang kahulugan. Dahil
dito ay nagkakaroon ng kalituhan ang ibang tao sa pagbigkas nito. Sumunod ay ang
kaisipangmadali lang ang asignaturang Filipino. Kung tutuusin ay masusi ang pag-aaral dito
dahil may ilang kumplikadong aspeto na dapat ay pinagtutuunan ng pansin ng mga tao ngunit
kung sino pa ang mas mahina sa wikang Filipino ay sila pa ang nagsasabing madali lang ang
asignaturang ito. At ang aking huling ibabahagi sa mga nabanggit na suliraning kinakaharap
ng wikang Filipino sa kasalukuyan ay ang nawawalan ng tunay na diwa ang wikang
pambansa. Kung mapapansin natin ang mga isyung nabanggit sa talakayan, ang pagkawala
ng diwa ng wikang pambansa ang pinakahulugan ng lahat ng ito. Para sa akin ang mga
isyung nabanggit ay nagpapakita lamang na bahagyang nawawala na nga ang diwa ng atin
wika. Sa paggamit pa lamang nito ay dapat na isaayos natin dahil kung tayo ay masasanay na
palaging gumamit ng mga maling ispeling o pinaikling salita, baka malimutan na natin ng
tuluyan ang katotohanan at tamang paggamit nito. Marapat na akapin natin ang ating
sinusong wika dahil ito ang pagkakakilanlan natin bilang Pilipino.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento