KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Kasaysayan ng Wikang PambansaAng wika ay pagkakakilanan ng isang idnibidwal na nagbibigay importansya bilang kasnagkapansa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ito ay simbolikong Pilipino, subalit ang pagpili ng wikang pamansa ayhindi nagging madali. Ito ay maraming pinagdaanan at marami pang pag-daraan, ngunit ating silipin angtsart mula sa itaas at maging gabay bilang pahapyaw na pagtuklas ng kasaysayan ng wikang pambansa.Ating tuklasin at bigyang pagpapaliwanag ang bawat isa mula sa ahensya, ano ang naging batayan sapagpili ng wika?, bakit nagkaroon ng paghahangad ng wikang pambansa, at ang batas sa bawat taon,upang mas lumawak ang ating kaisipan ukol sa kasaysayan ng wika na ating isinasalita at ginagamit sapang-araw-araw.Ang pagtatalaga ng wikang pambansa ay nagsimula kay Pangulong Manuel L. Quezon. Siya aynagtalaga ng ahensya na naglalayong payabungin at pagtibayin ang wikang pambansa, at ito ang SWP oSurian ng Wikang Pambansa na ngayon ay kinikilala bilang KWF o Komisyon ng Wikang Filipino.Alinsunod ritom sa pagpili ng wika ay dapat o nagkaroon ng pagbabatayan. Una ay dapat ginagamit itosa sentro ng kalakalan, na kung saan ang manila ang sentro ng kalakalan at ang ginagmit na wika rito ayang tagalog kaya’t ito ang nagging batayan ng wika. Ikalawa ay mayroong aklat sa balarila, namagsisilbing gabay at karagdagang ideya at patunay upang paigtingin at paunlaring ang wikangpambansa. Ikatlo ay dapat marami nang nagsasalita, nang sa ganoon ay hindi mahirapan sa pagtuklas atpaggamit ng wikang mapipili, at hindi malaki ang magiging pagitan sa pagkatutuo at pagsasalita ngsariling wika. At ikahuli ay karapatdapat na ang wikang pambansa ay madaling aralin, para hindimabigla at malaki ang gap sa kompetensi na mayroon ang isang indibdwal sa pagsasalita atpakikipagkomunikasyon. Bilang pagpapatuloy, ang nagpasimula ng paghahangad na magkaroon ng iisangwika ay di pagkakaunawaan ng mga Pilipino, kolonyalismo, at magbibigay simnolo sa pilipino. Anghidwaan dahil sa di pagkakaunwaan ay nagsilbing daan para magkaroon ng iisang wika marahil maramipa ring di nagkakaunawaan ito ay dala rin ng pananakop ng ibang bansa kaya't nagkaroon tayo ng iisangwika. Ito ay upang magkaroon tayo ng pagkakakilanlan at simbolismo bilang isang pilipino mula sawikang ating isinasalita. Ikahuli, ating bigyang diskusyon ang bawat batas na mayroon ang bawat taon.Ang batas 1935 ay sumasakop sa tagalog bilang batayan ng wikang pambansa na nakapaloob sa artikulo14, seksyon 3. Magsasagawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pagpapatibay alinsunod sa wikang katutubo.Sunod ay ang batas 1973, ito ay tumutukoy sa Pilipino bilang wikang pambansa na papaunlarin atitatalaga ng pagkakaroon ng pormal na adapsyon nito, at ito ay nakasaad sa artikulo 14, seksyon 3. Ikahuliay ang batas 1987, ito ay mayroong artikulo 14, seksyon 6 na nagpapakita at ipinapaliwanag na angFilipino ang opisyal na wikang pambansa na ikokonsidera bilang wikang panturo sa sistemang edukasyonat midyum sa pakikipagtalastasan at ugnayan sa kapwa, ngunit katulad sa nakaraan, ito parin aypapayabungin at patuloy na pagyayamanin.Ating nasaksihan ng sandal ngunit nagging mulat sa kasaysayan ng wikang pambansa atkalagayan nito. Maraming proseso ang dinanas n gating wika kaya’t maging aral ito sa ating bilangPilipino na huwag hayaang basurahin at balewalain natin ang wika natin, dahil mas napagtutuunangpansin ang pagtuklas ng kaalaman ng ibang wika katulad ng ingles at koreano. Hindi sapat ang paggamitrito, kahit bilang simpleng mamamayan at di man dalubhasa o nagpapakadalubhasa sa Filipino, kailanganmalaman at tuklasin ang wikang atin dahil ito ay di lamang sa ikakaunlad ng Pilipinas ngunit ng atingsarili. Walang masama sa paggamit ng ibang wika ngunit huwag limutin ang wikang pinaghirapan ngkababayang Pilipino, magkaroon ng limitasyon at pantay na pagkilala sa wikang karapat dapat ngkilalanin, at ito ang wikang sariling atin
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento