Mga isyu kinakaharap ng Filipino sa kasalukuyan

   Ang isyu ay isang problema ngunit maituturing na daan para sa pagbabago at kaunlaran ng isang bagay. Katulad sa ating wika, ang wikang Filipino ay may mga suliraning hindi nawawakasan, nabibigyang solusyon ngunit hindi tanyag na natapos, at may ilan namang tapos na o nabigyang solusyon. Ngunit, ating alamin kung ano ang mga isyu na kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuang panahon, at ano ang iba't ibang larangan at isyung pangwika rito.


  Ang kinakaharap na isyu ng wikang Filipino sa kasalukuyan ay hindi napapahalagahan ng mga paaralan ang tamang paggamit ng wikang Filipino, kaya't kung ating oobserbahan, iilan na lang ang mga sabdyek na nakalimbag sa wikang Filipino. Ito na lamang ang mga sabdyek katulad ng Pluma o Filipino pa rin, ngunit ang iba katulad ng English, Math, at Science, ay nakasulat sa wikang Ingles at kadalasan ang wikang ginagamit sa panturo ay Ingles. Isa pa rito ang kakulangan sa bokabularyo at maling bigkas ng mga salita, itong dalawa ay mayroong kaugnayan, sapagkat kung ang isang pilipino ay hindi laganap ang kaalaman sa pagtuklas ng mga salita sa wikang Filipino, hindi pamilyar ang mga saitang kanyang mababasa na bago, kaya't maaaring siya ay mautal o hindi maintindihan ang binabasa o isinasalita ng kanyang kausap. Alinsunod dito ay isang isyu ang hindi pa rin opisyal ang pagtanggap rito kaya't ang ilan ay gumagamit ng wikang Ingles at nakatala ang ibang aklat ng batas sa wikang Ingles, ngunit paano na lamang ang mga mamamayang hindi malawak ang pag-unawa sa Ingles, maaraing ito'y pagsimulan ng hidwaan. Ikahuli ay sinasabi na madali lamang ang asignaturang Filipino, kung sa normal na mamamayan lamang na gumagamit nito sa pasalita na paraan, oo, ngunit sa mga nagpapakadalubhasa at gumagawa ng paraan para mapanatiling buhay, mapagtibay, at umuunlad ito, inaalay nila ang kanilang oras, dugo't pawis para sa wikang Filipino dahil alam nila na hindi naging madali ang dinanas ng wikang Filipino. Sa iba't ibang larangan, nagkakaroon ng diskriminasyon sa paggamit ng Filipino, sinasabi na hindi kayang gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng Matematika, Ingles, Agham, Agham panlipunan, at Sikolohiya. Ngakakamali sila, ganoon na amang hababa ang tingin nila sa kanilang sariling wika, hindi lingid sa kanilang kaalaman na mas matalino ang gumagamit ng kanilang sariling wika lalo na sa pagtuturo dahil mas naiintindihan nila ang sinasabi ng tagapagsalita, kaysa sa iintindihin mo na nga ang sabdyek o kurso ay iintindihin mo pa ang salita na hindi mo naman lubos na nauunawaan.

  Marahil madaling sabihin at ipagmalaki ang wikang Filipino sa pasalita na gawain lamang, ngunit hindi ito mananatiling buhay at ang isyu ay mananatailing di nasosolusyunan. Kinakailangan na hakbang at aktwal na pagsasagawa at aksyon kung paano unti-unting lutasin ang wikang Filipino. Ang hirap isipin na sa mismong wika pa natin tayo nahihirapan, ngunit ating isipin kung sapat na ba na isalita lang ito o dapat bang pag-aralan o palawakin ang kaalaman dito. Ating alalahanin na ang problema ng wika ay hindi lang porblema ng sarili o mga dalubwika, kundi problema ng bawat mamamayan na dapat tumulong sa pagbibigay kasagutan rito, at ito ay magsisimula sa ating sarili, sa pagiging resposable at isinasapuso ang wikang Filipino.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)