Paglinang ng kasanayan sa Paggamit ng wika sa Pasulat na Komunikasy

 

   Ang wikang Filipino ay natural na gamitin sa paraan ng pagsulat at pagsasalita, ngunit alam niyo ba na hindi lang sa simpleng pag-sulat katulad ng pagtatala ng mga kaalaman mula sa pag-aaral na unti-unti na ring naglalaho dahil sa pandemya. Ang paglinang ng kasanayan sa paggamit ng wika sa pasulat na komunikasyon ay malilinang ang iba't ibang paraan ng pagsulat. Halina't ating alamin kung ano ang mga ito.

   Mayroon akong tatlong kaisipan para malinang ang paggamit ng wika sa pasulat na komunikasyon. Una ay ang pagsulat ng panitikang Filipino, marahil nagtataka kayo kung bakit ito ang aking naisip, makakatulong ba ito sa paglinang ng wikang Filipino sa paraan ng komunikasyon? Oo, dahil ang panitikan ay nagsisilbing talento ng mga pilipino s apagsulat katulad ng akdang alamat, maikling kuwento, mitolohiya, at iba pa, na kapag ito ay lumalaganap ang gawang Filipino ay naglalakbay at naibabahagi sa iba, nalalaman ang ating opinyon sa paraan ng pagsulat nito at sa bawat kuwento at panitikan na ating sinusulat ay nasa likod nito ang istorya ng ating buhay. Ikalawa, kung nag-iisip kayo ng pasulat na paraan talaga, bakit pa tayo lalayo, nariyan pa rin ang pagsulat ng liham. marahil napapalitan na ito ng paggamit ng teknolohiya, ngunit alam niyo ba na may mga taong gumagamit pa rin nito, lalo na pag nanliligaw at gusto ng nililigawan ang tradisyonal na paraan, korni man tignan ngunit ito ang naging daan para magkaroon ng komunikasyon ang mamamayang Filipino. Ikahuli ay ay para mapayabong ito ay, hikayatin ang sarili na sumulat ng pananaliksik na maaprubahan na maililimbag na isang libro upang makakatulong para sa mga susunod na pagsasaliksik, bilang karagdagang impormasyon.

   Ang paglinang ng kasanayang sa paggamit ng wika sa paraan ng pagsulat at gamit sa komunikasyon ay mahalaga, sapagkat hindi lamang sa paraan ng pasalita mapapanatiling buhay at mapapayabong ang wika natin. Ito rin ay makatutulong palawakin ang ating isipan at makrong kasanayan sa pagsulat. Higit sa lahat ito ay bahagi o ambag na maaaring magamit o makatulong sa pagpapayabong at pagbibigay pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan

PAGSUSURI NG KURIKULUM SA ELEMENTARYA 2

Pananaliksik Draft ng Kabanata 1 (Isang Halimbawa)