Repleksyon sa kalagayan ng Wika sa Ngayon
Mula sa ating tinalakay ngayong araw ay isa sa mga tumatak saakin ay kung walang filipino hindi natin
malalaman ang kasaysayan ng ating wika dahil ang filipino ay identidad nating mga pilipino na kung saan ito ay
nakatatak na sa ating buhay na hindi na natin ito maaalis. gaya nung halimbawa kanina na ito ay bahagi ng
edukasyong pampropesyunal na kung saan ay ito ang ating wikang gagamitin sa pakikipag usap sa mga may nais
na kumuha ng trabaho o sa interbyu, ang wikang filipino ang pinaka mas madaling paraan sa pakikipag usap sa
ibang tao dahil ito ay madaling maintindihan at maunawaan, na katulad din sa bidyo na sinabi ay hindi ka
makakapagtapos sa kolehiyo kung hindi ka kukuha ng filipino, dahil nga ng sabi ko kanina ang wikang filipino ay
nakatatak na saating buhay ito ay daladala natin hanggang sa tayo ay tumanda, kung saan man tayo pumunta ito
ay daladala natin at hindi na maaalis saatin dahil ito ang nagpapakilala kung sino o ano tayong mga pilipino.At
karagdagan din sa aralin na ating tinalakay ay sinasabi na mas mataas na porsyento ng mga mag-aaral ang
makapasa sa pagsusulit gamit ang Filipino sa iba’t ibang midyum ng pagtuturo gaya sa matematika na mas may
kakayahan ang wikang Filipino sa pagtuturo sa matematika dahil ito ay mas maipapalinawag ng ating mga guro
aat makakapagbigay ng isang magandang kalidad ng edukason kung ang Wikang Filipino ang gagamitin.
2. Ang mga isyung kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan ay unan na ang sa pamahalaan na ang ginagamit
na wika sa ating batas ay nakasalin sa wikang ingles na kung saan ay karamihan sa atin ay hindi ito maiintindihan
o mauunawan at sunod ay ang pagsasagawa ng mga hakbang na layunin nito na mapaunlad ang Wikang Filipino
sa opisyal na komunikasyon at paggamit sa mga transaksyon ngunit ito ay nakasalin sa wikang ingles. Sunod ay
ang sa paaralan na isyung kinakaharap ng Wikang Filipino na ito ay hindi nabibigyan ng pagpapahalaga sa
tamang paggamit ng ating wika at kakulangan sa bokabolaryong Filipino o tagalog na kung saan ay wikang ingles
parin ang lumalaganap sa pagtuturo sa paaralan. At ang huli ay ang sa lipunan na pag-post sa mga social media ay
may mali-malin mga ispelling, maling paggamit ng mga gitling at maling paggamit ng mga salita
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento