Wikang Filipino sa Kasalukyang Panahon
Ang natatanging gamit ng Wikang Filipino sa Kasalukuyang (Ibat-ibang larangan)
-
Ang paggamit ng wika ay malawak at malalim ang pinagkakaugatan. Sa
paggamit ng wikang Filipino sa kasalukuyan ay tila mas lalong humihina ang saysay
nito, halimbawa na lamang ang paggimit sa pormal na makikipagtalastasan ay
wikang banyaga o Ingles samantala ang wikang Filipino ay nasasantabi at nagagamit
na lamang bilang wikang pangkalye. Ano nga ba gamit ng wikang Filipino sa
kasalukuang panahon? Una na ang Disiplina ito ay malaking bahagi ng bansang
nagsasarili na may sariling wika, na dapat ang wika ay nagagamit at nakakatayong
mag-isa. May kakayanang makapagbuo ng paksa, bumuo ng layunin, mga metodo at
may teoryang nangagaling dito. Sa ang wikang Filipino ay sariling Disiplina na
nagsisimula sa kanyang pinagugatan o ang kanyang kasaysayan na nagpapakita n
gating sariling intentidad o pagkakakilanlan bilang susi sa mas maalam at
masprogresibong bansa o bayan. Ang gamit ng wikang Filipino ay nagbibigay at
nagsisilbing may roon tayong Karunungan. Bahagi ng karunungan ang Edukasyon
na naghahasa atin bilang isang propesyonal na kasapi ng bayan. Ang disiplina ay
nagpapakita rin o nagtatangahal at nagpapakita ng pagmamahal sa kultura at wika
para sa bayan.
Ang Filipino ay tatlong bahagi pangagamitan una ang Interdisiplinaryo ito ang
pagsasama ng dalawang akademikong disiplina, pagsasanib ng ideya, at pagbuo ng
bagong kaalaman batay sa sabay na metodo, teorya at layunin. Pangalawa ay ang
Mutidisplinaryo ito ay ang pag-aaral mula sa iba’t ibang disiplina, pagsilip ng inbang
pananaw palaba, pag-unawa sa kompleks na sitwasyon , at awtentikong
kolaboratibong larangan. At panghuling bahagi ay ang Transdisiplinaryo ito ay
pagtawid sa ibayo bilang interes na paksain at Diskursong hindi karaniwan patungo
sa holistikong pananaliksik.
Ano nga ba ang gamit ng Filipino sa apetong akademiko at iba pang aspetong
panlipunan? Ang Filipino ay hindi kadalasang nagagamit para sa mga aspetong ito,
ngunit naniniwala ang mga eksperto kayang gamit ang Filipino para sa pangaraw-
araw na gamit sa Akademikong aspeto rito. Naniniwala ang mga dalubhasa na mas
maiintidihan ng mga bata o mga Pilipino ang pagsalin sa wikang Filipino sa pagtuturo
ng mga asignaturang pangakademiko. Ang Natatanging Gamit ng Wikang Filipino sa
Kasalukyan. Ang Filipino sa Matematika ginamit ang wikang Filipino sa Pagsulat ng
libro ng Accountancy. Ginamit ang Filipino sa pagtuturo ng matematika upang
pinaliliwanag ang konsepto ng Matematika sa Filipino. Ang Natatanging Gamit ng
Wikang Filipino sa Kasalukyan sa Agham ito ay nagbubukas ng isipan sa larangan ng
agham . Kayang mauunanwaan ang mga doctor. Samantala Ang Natatanging Gamit
ng Wikang Filipino sa Kasalukyan sa Agham Panlipunan bunga nito ay hindi kapos sa
bokabularyo ang ating wika sa larangan ng diskursong intelektwal .Mas madaling
ituro ang kasaysayan sa sariling wika, mas nadarama, tumatalab, interaktibo at
buhay.Higit na matalino ang mga mag-aaral kung sariling wika ang gagamitin. Ang
Natatanging Gamit ng Wikang Filipino sa Kasalukyan sa Sikolohiya ay Pag-aanyo ng
sikolohiyang Pilipino (Kaugalian ng mg Pilipino) bilang Pag-unawa sa mga kaisipan at
kaugaliang Pilipino sa mga salitang pandamdam na mas sumasalalim sa tiyak na
kahulugan ng salita (Bokabularyo ng Wikang Filipino)
2. Isyung pangwika na kinakaharap ng Wikang Filipino sa kasalukuyan
-
Mga isyung kinakaharap ng wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon . Una na
riyan ang hindi pagbigay ng tamang pagpapahalaga ng mga paaralan sa tamang
paggamit ng wikang Filipino, ang Departamento ng Edukasyon sa Pilipinas ay mas
binibigyan importansya ang wikang Ingles lalong-lalo na sa ibang larangan ng
pagtuturo at paggamit ng wika. Kakulangan sa bokabularyong Filipino / Tagalog,
kulang pari ang pagpapalalim sa pagtuturo at paggamit ng sariling wika kahit may
asignatura ng “Mother Tongue” sa elementrya sa bagong kurikulum na k-12. Maling
Pagbigkas ng mgs salita dito pumapaloob ang pagkatuto ng bata simula pa lang
kanyang tahanan , ang magulang responsalbe sa pagkatuto ng kanyang sinusong
wika. Sunod ang kaisipang madali lang ang asignaturang Filipino mas madali sabihin
sa iba ang paggamit ni wikang Filipino ngunit taliwas ito sa kanilang pinapakitang
paggamit dahil sa kaisipang mas madali ito. Hindi pa rin tanggap na opisyal/ wikang
Pambansa ang Filipino dahil sa kolonyal mentalidad ang pagtawag sa wika ng
Pilipinas ay nanatili parin sa pagtawag sa “Tagalog” at tila mas nakakalimutan natin
na ang opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipno. Pag-unawa ng karaniwang masa ang
mga batas polisiya, ang pagpasa ng mga saligang batas ay nakalathala sa wikang
Ingles sapahat mas madly itong isulat, ngunit karamihan ng mga karaniwang tao ay
hindi naiintindihan ito. At panghuli mga maling baybay, grammar at panuntunan ng
paggamit ng salita sa facebook hindi parin natin nagagamit an gating kasanayan sa
paggamit sa Filipino sapagkat an gating kaalaman ay kulang at mas nakapokus tayo
sa paggamit ng wikang banyaga
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento